Unknown number calling...
Sino naman kaya itong tumatawag sakin? Maybe some girls na na-meet ko kahapon sa party ni Acid? Sasagutin ko na sana ang tawag na iyon ng bigla itong naging missed call. Nagkibit-balikat nalang ako at ibinalik ang atensyon sa ginagawang report na isu-submit bukas. Ngunit hindi ko pa man naibabalik ang atensyon ko sa ginagawa ko ay muli na namang tumunog ang cellphone ko. The same number? Kinuha ko agad ang cellphone ko mula sa pagkakapatong sa mesa. Pangalawang beses na pagtawag na ito. Baka importante kaya agad kong pinindot ang answer button.
"Hello? Sino po sila?" Magalang na tanong ko sa kabilang linya sa pag-aakalang importante ang tawag na ito.
"....." Ilang segundo pa akong naghintay ngunit walang sumagot sa kabilang linya.
"Kung sino ka man, pwede bang sabihin mo na kung ano ang kailangan mo?! Nakaka-abala ka eh." Sagot ko dahil sa pagka-irita. Baka kasi isa na naman itong prank call. Tss.
"....." Narinig ko ang paghikbi ng nasa kabilang linya. Bigla akong nakaramdam ng kung ano ng marinig ko ang hikbing iyon. Para akong kinilabutan.
"I-I'm sorry, Even. But, I'm still in love with you."
-----
Thank you for reading and I hope you'll stay tuned in reading this story! :*
BINABASA MO ANG
What Does It Take
Teen FictionWhat does it take to get the one you love if you haven't met her yet? - credits to @NicoletteLovesYou for the nice book cover. :))