Chapter 6

36 6 0
                                        

Chapter 6

Bestfriends?

"Dude, matunaw." Bulong saakin ni Acid sabay tawa. Umiling na lang ako at nag-iwas ng tingin.

"Hahaha! Type mo din ba siya?" Tanong niya saakin at inakbayan ako.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko naman pabalik.

"Type ka ata niya. Type mo din ba siya?" Ahh. Yun pala ang ibig niyang sabihin. Akala ko kasi ay gusto niya si Maze dahil sa "din" na sinabi niya. Tsk.

"Hindi." Matipid kong sagot.

"Okay." Sagot niya rin na parang natatawa pa.

"Nga pala, kumusta na kayo ni Gem? Bat parang hindi na kayo naghahang-out?" Pang-uusisa pa niya.

"Wala." Matipid ko ulit na sagot sakanya.

"What do you mean by "wala"? Wala kayong problema, wala kayong time o wala na kayo?"

"Wala na kami." Matabang kong sagot.

"Huh? Kailan pa?" Hindi ko malaman kung nang-aasar ba 'to si Acid o ano. Parang natutuwa pa siya na wala na kami ni Gem. Tss.

"Kahapon lang." Sagot ko ulit habang tinatanggal ang pagkaka-akbay niya sakin.

"Oh, Even. Pa-sa'n ka?" Tanong niya ng akmang aalis na ako.

"Kahit saan basta wala ka. Daldal mo kasi. Tss."

Umalis na ko doon at nagsimula ng maglakad. Sa totoo lang, nabadtrip talaga 'ko sakanya. Una, dahil parang natutuwa pa siya na wala na kami ni Gem. Ano na naman ba ang binabalak niya? Liligawan niya si Gem? Tss. Kahit na wala akong nararamdaman na espesyal para kay Gem, concerned parin naman ako sakanya. At ayoko siyang mapunta kay Acid. Mas gago pa yun kaysa sakin eh. Pangalawa, kanina niya pa 'ko inaasar kay Maze. Maganda naman si Maze kaya okay lang sana. Pero kapatid siya ni Haven kaya hindi pwede. Hindi pwedeng magustuhan ko siya.

Sinulyapan ko ang wristwatch ko at tinignan kung anong oras na. Fifteen minutes before 10 pm. Nagsisialisan na rin ang mga matatanda na nandito sa party ni Maze. Ang mga business partners ng magulang niya, family friends ng mga Green (family name nina Haven at Maze), pati na rin ang iba pang dumalo na kaibigan ng magkapatid.

Pagkalipas ng ilang minuto ay namataan ko rin ang pamamaalam ng mga magulang nina Haven saamin. Siguro ay ngayon na ang flight nina Tito at Tita pabalik sa U.S. Ngayon din kasi ang balik ng parents ko doon. Magkasosyo ang business ng mga pamilya namin kaya baka sabay-sabay na silang babalik doon sa U.S.

Iilan na lamang kaming natira dito sa bahay nina Haven. Magpapaalam na rin sana ako na uuwi na ako nang pigilan niya ako.

"Dude, uwi na rin ako." Pagpapaalam ko kay Haven.

"Huh? Di ka ba sinabihan ni Acid?" Tanong niya na siyang ikinapagtaka ko.

"Bakit? Ano bang meron?" Nagtatakang tanong ko pabalik.

"Ah basta. Mamaya ka na umalis. Hindi pa tapos ang PARTY ng kapatid ko." May diin niyang sagot.

Bumalik na siya sa loob ng bahay nila. Sumunod na rin ako sa loob.

Naupo ako sa isa sa mga couch dito sa sala nila. Iba na ang ayos ng mga ito kumpara sa ayos nito kanina. Nagkibit-balikat nalang ako dahil doon.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng jeans na suot ko ngayon. Binuksan ko iyon at nakita ang 10 missed calls doon. Lahat ay galing sa iisang numero lamang. Sakanya.

I-di-dial ko na sana ang numero niya nang tumawag na naman siyang muli. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at lumabas sa sala bago ko sinagot iyong tawag.

"Hello?" Pambungad na bati ko sakanya.

"Uhh, Even..." Hinintay ko lang na dugtungan niya iyon ngunit isang buntong-hininga lamang ang narinig ko mula sakanya.

"Nandyan ka pa ba?" Tanong ko sakanya.

"Even, sorry. Hindi ako tumupad sa usapan natin kanina. Kinailangan ko kasing ihatid yung kapatid ko sa airport. Walang ibang pwedeng maghatid sakanya kundi ako lang." Medyo nairita naman ako doon sa sinabi niya. Walang ibang pwede kundi siya lang? Hindi rin dapat siya pwede dahil may lakad din siya. Pero naisip ko na kapatid niya nga pala iyon. Mas importante parin ang kapamilya kaysa sa kung sino pa man. Aish! Bakit ba ganyan ka mag-isip Even? Ang babaw mo! Halos pagalitan ko na ang sarili ko dito dahil sa mga naiisip ko.

"Okay lang. Sa susunod nalang." Sagot ko agad sakanya sa kabilang linya.

"Kuya Even!" Masiglang sambit ng isang lalaki sa akin at tinapik ako nito sa aking kanang balikat. Hinarap ko naman siya at pinasadahan ng tingin. Nakalahad ang kanyang dalawang braso na para bang nanghihingi ng yakap. Agad naman kaming nag-manhug nang napagtanto kung sino siya.

"Gray! Kumusta na? Binata na ah?" Natatawang bati ko sakanya.

Siya si Gray, nakababatang kapatid ni Gem. Mas bata siya sa amin ng dalawang taon. Sa States siya tumira hindi katulad ni Gem na mas piniling mag-stay na dito sa Pilipinas simula noong nag-Grade 6 kami. Pabisi-bisita lang kasi sila noon dito sa Pilipinas. At oo nga pala, childhood friends kami nina Gem at Gray. Pati na rin nina Acid at Haven. Maliban kay Maze na ngayon pa lang namin nakita.

"Ganun talaga Kuya. Haha. Namiss ko kayo nina Kuya Haven at Acid. Limang taon na rin akong hindi nakabalik dito sa    Pilipinas eh." Natatawang sagot niya. Pero may napansin ako...

"Bakit fluent ka parin sa Filipino samantalang yung ate mo english ng english?" Patanong na  biro ko sakanya.

"Maybe because I was born there and he was born here." Sagot naman ni Gem. Hindi ko napansin na nasa likod lang pala siya ni Gray kaya naman bigla akong natahimik nang dahil sa pagkagulat at sa... awkwardness na rin.

"Uh oh. I think I need to get out of the picture. Go, ate. You can do it." Nakangiting pagpapaalam niya sa amin. Tinapik niya rin ang kanang balikat ko at umalis na.

Sinundan namin siya ng tingin at nakita namin ang pagbati niya kina Acid at Haven. Ibinalik ko rin naman ang tingin ko kay Gem at nagtama ang mga mata namin. Nag-iwas naman agad siya ng tingin.

"Uhh.. I'll go inside." Pagpapaalam niya sa akin. Ngunit bago pa man siya maka-alis ay pinigilan ko na agad siya at nagsalita.

"Gem, can we talk?" Tanong ko sakanya. Muntik na 'kong matawa sa aking isipan nang maalala ko na ganoon rin ang sinabi niya kahapon saakin.

"No need to talk about IT. It doesn't matter anymore, anyway.   And if you're feeling guilty and wondering if I'm okay, then, don't be. I'm still in my normal self, tho."  Sagot niya bago ako nilampasan.

Hindi ko na rin siya pinigilan ngunit sinundan ko parin siya ng tingin. Sinasalubong niya na ngayon si Maze ng isang mahigpit na yakap.

"Bestfriend!" Tili nilang dalawa habang tumatalon-talon pa.

"I missed you! Hindi pa kita masyadong nakakausap simula nang bumalik ako dito. Tara na sa loob." Sambit ni Maze nang tumigil na sila sa pagtalon-talon at pumasok na sa loob.

Teka, mag-bestfriend sila? Paano? Paano nangyari 'yon? Eh halos ngayon lang naman namin nakilala si Maze. O hindi?

"Oh shit!" Napamura nalang ako nang may naalala ako. Tinignan ko ang cellphone ko para malaman kung nasa linya pa ba siya pero wala na.

"Damn you, Even!" Pagmumura ko sa sarili ko.

----------

A/N: Here's my New Year update guys. Enjoy reading and have a peaceful and happy new year. :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What Does It TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon