Chapter 3

47 9 4
                                    

Dedicated to @KimHyeYoungMeen09
Thank you for reading Delibabes! XD

Chapter 3

Who are you?

Hinayaan ko na maging missed call na lang ang tawag na iyon. Oo, gustung-gusto ko siyang makausap ulit pero hindi ngayon na naiirita ako. Baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya na hindi maganda. Baka masisi ko lang siya kahit na ako naman talaga ang may kasalanan.

Kahit papaano ay swerte pa rin naman ako sa nangyari. Dapat kasi ay made-detention na kapag napalabas ng classroom. Pero dahil sa sobrang pagka-irita ni Ms. Madrid ay nakalimutan niya kong bigyan ng detention slip. Dahil na rin siguro sa kanyang katandaan kaya nakalimutan niya na rin iyon. Lol. Nahahawa na tuloy ako sa masamang ugali ni Acid.

Hanggang sa paglabas niya ng classroom namin ay hindi niya talaga ako binigyan ng detention slip. Tinignan niya lang ako ng masama nang makita niya akong nasa may pintuan at naka-upo sa corridor. Pagkatapos noon ay umalis na siya ng tuluyan. Pumasok na rin ako sa classroom namin.

"Oh! Kumusta sa labas? Masaya ba?" Natatawang pang-aasar ni Acid.

Hindi ko na siya pinansin dahil badtrip pa rin ako sa nangyari. Naupo na lang ako sa upuan ko na nasa gitna nilang dalawa ni Haven at naghintay sa susunod na subject teacher namin.

Agad kaming nagsitayuan nang marinig namin ang pag "Class Dismissed" ni Ma'am kasabay ng pag-alarm sa buong school. Hindi na rin ako nag-abala pang magpaalam sa teacher namin at lumabas na agad sa classroom namin. Sumunod naman agad sina Acid at Haven sa akin.

"Dude, bat ka ba nagmamadali?" Tanong ni Acid na nasa gilid ko na.

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang tanong niya. Bakit nga ba ako nagmamadali? Maging ako ay hindi rin alam kung bakit ako nagmamadali. Tss. Sino bang niloko ko? Nagmamadali ako dahil sa babaeng iyon.

"Wala. Pagod lang ako." Pagbi-bigay rason ko sa kanya at nagpatuloy ng maglakad.

"Hindi mo ba ihahatid si Gem sa bahay nila?" Tanong naman ni Haven sa akin.

"Hindi na muna." Matipid kong sagot.

Naguguluhan na ako sa mga ikinikilos ko. Bakit ba ako naaapektuhan ng babaeng iyon? Nakatanggap lang naman ako ng text message mula sa kanya pero nagmamadali na akong umuwi.

+639*********:
Sorry, nasa school ka ba? Naabala ba kita? Sorry. Tatawag nalang ulit ako mamaya pagka-uwi mo. Sorry talaga...

Iyan ang laman ng text niya. Puro 'Sorry' lang naman pero bakit ako nagkakaganito? Parang  hinahatak ako ng text na to pauwi sa bahay.

Pagka-uwi ko ay agad akong pumanhik papunta sa kwarto ko. Inilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng kama ko at naupo sa tabi niyon. Kinuha ko na rin ang cellphone ko mula sa bulsa ng pantalon ko. Nagdadalawang-isip pa ako kung tatawagan ko na ba siya, kung itetext muna o kung maghihintay nalang na siya ang tumawag o magtext nang makatanggap ako ng isamg text message.

Gem:
Heyyy..

Ni-replyan ko rin naman agad siya.

Ako:
Sorry, di kita naihatid.

Wala pang isang minuto ay nag-reply na agad siya.

Gem:
Oww. It's okay. :)
I just want to ask if you're okay? You're really acting weird kanina eh.

Magre-reply na sana ako kay Gem nang biglang may tumawag.

Unknown number calling...

Sinagot ko agad ang tawag na iyon at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya.

"Uhh.. Hello?" Hindi na muna ako nagsalita. Hinayaan ko lang  muna siya na magsalita.

"E-Even?" Napa-ngiti ako doon. Nau-utal siya. Ibig sabihin ay kinakabahan siya. Narinig ko pa na tumikhim muna siya bago nagsalita muli.

"Sige.. I-Ibababa ko na 'to." Nagulat ako doon kaya agad akong nagsalita bago niya pa iyon naibaba.

"T-Teka lang!" Tsk! Bakit nauutal rin ako? Hindi siya nagsalita sa halip ay narinig ko ang kanyang buntong-hininga.

"Kumusta ka?" Pagbubukas ko ng usapan.

"Uhm, okay lang naman ako." Sagot niya. Hindi muna ako nagsalita dahil wala na akong maisip sabihin. Even, c'mon! Tanungin mo siya! Tanungin mo na siya para makilala mo na siya!

"Bakit hindi ka nagsasalita?" Tanong ko naman.

"Natatakot kasi ako."

"Huh?"

"Natatakot ako na makilala mo ang boses ko." Makilala? Ibig sabihin magkakilala na talaga kami dati? Ibig sabihin, totoo talaga yung mga sinabi niya sa akin sa una naming pag-uusap? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya nanatili na lamang akong tahimik.

"Pero hindi naman pala ako dapat na matakot. Baka hindi mo na rin talaga ako maalala." Matabang na sagot niya. Nakaramdam ako ng kaunting guilt sa sinabi niya. Para siyang batang nagtatampo nang sinabi niya ang mga katagng iyon.

"Sorry.." Iyan na lamang ang naisagot ko sa kanya. Pakiramdam ko ay napakalaki talaga ng kasalanan ko sa kanya.

"Ayos lang. Wala ka namang kasalanan." Kahit na sinabi niya na wala akong kasalanan ay hindi pa rin naaalis ang guilt na nararamdaman ko mula pa kanina.

"Kasalanan ko kasi umasa ako kahit hindi naman talaga dapat." Dagdag niya pa. Natahimik kami saglit pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Pwede ko bang malaman kung sino ka ba talaga?" Tanong ko matapos ang napakahabang katahimikan.

"I'm your 27th ex-girlfriend."

-----

Vote if you like the chapter.
Comment if you have any reactions.
Recommend if you think it's worth it.

Thank you. Lovelots! :*

What Does It TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon