Chapter 1
What Does It Mean?
Nagising ako mula sa aking pagkakatulog dahil sa isang panaginip. Malinaw na malinaw pa sa isipan ko ang panaginip na iyon. Panaginip sa isang prank call? Pero hindi eh. Narinig ko ang paghikbi ng isang babae mula sa kabilang linya habang sinasabi niya ang mga katagang kaya malabong maging isang prank call iyon. "I-I'm sorry, Even. But I'm still in love with you." Umiling-iling ako nang marinig ko sa loob ng aking isipan ang mga katagang iyon. Panaginip lamang iyon, Even. Huwag mo na lang masyadong isipin. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga para uminom muna ng tubig sa kusina. Nang makarating na ako ay agad akong kumuha ng baso at isang pitsel ng tubig sa loob ng ref. Habang umiinom ako ng tubig ay napasulyap ako sa orasan na nasa kusina. Dalawampung minuto palang pala ang nakakalipas simula ng sumapit ang ika-labindalawa ng hatinggabi. Masyado pa palang maaga kung maghahanda na ako para pumasok sa eskwelahan. Hindi na kasi ako inaantok kaya naisip ko ang bagay na iyon. Pero pipilitin ko nalang ang sarili ko na makatulog ulit kaysa naman mamaya ako antukin sa klase dahil sa pagkapuyat.
Umakyat na akong muli sa kwarto ko. Pagkarating ko roon ay naabutan ko ang cellphone ko na tumutunog. Sino naman kaya ang tatawag saakin ngayon? Kinuha ko na ang cellphone ko na nakapatong sa mesa malapit sa kama ko at tinignan kung sino ang tumatawag.
Acid calling...
Ano naman kaya ang kailangan ng isang 'to at tumawag pa talaga siya kahit gabing-gabi na? Pinindot ko nalang ang answer button sa cellphone ko.
"Whoooo! Sa wakas! Sinagot mo rin! Even, pa-back-up naman oh. Ngayon na mismo." Pagsisimula niya.
"Pa-back-up? Tss. Bahala ka diyan. Ginusto mo yan eh." Binabaan ko na siya pagkatapos kong sabihin iyon.
Ipapahamak na naman kasi ako ng lokong 'yon. Hindi niya kasi mahindi-an ang mga babaeng nag-aayang makipagdate o makipagkita sakanya kaya ako ang ginagawa niyang proxy sa ibang date niya. Naalala ko pa noong unang beses na pumayag ako na maging 'back-up' niya. Halos harass-in ako noong babaeng dapat na ka-meet ni Acid sa bar dahil sa hindi daw siya naniniwala na hindi talaga ako si Acid. Tss. Ayoko nalang alalahanin ang pangyayaring iyon dahil iyon ang unang beses na nakaramdam ako na halos gusto kong manakit ng isang babae.
Tumunog muli ang cellphone ko at sinagot agad iyon nang hindi tinitignan kung sino talaga ang tumatawag. Sigurado naman kasi ako na si Acid lamang iyon na mangungulit ng mangungulit. Kaya bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.
"Acid, sinabi ko na sayong--"
Natigil ako sa pagsasalita nang makarinig ako ng paghikbi mula sa kabilang linya. Sinulyapan ko agad ang Caller ID upang makasiguro kung sino ba talaga ang tumatawag. Nang mapagtanto ko na hindi naman pala talaga iyon si Acid ay agad na napunta ang isa ko pang kamay sa mukha ko. Dapat talaga ay tinitignan ko muna kung sino ang tumatawag para hindi ako napapahiya ng ganito.
"Uh.. Hello? Sino po sila?"
Ngunit dapat pala ay hindi iyon ang sinabi ko dahil sa narinig kong paghikbi mula sa kabilang linya. Ngunit hindi ko rin naman alam kung ano ang dapat kong sabihin .
"....."
Sa ikalawang pagkakataon ay narinig kong muli ang paghikbi mula sa kabilang linya. Nakaramdam ako ng kung ano sa pagkakataong iyon. Para akong kinilabutan.
"I-I'm sorry, Even. But, I'm still in love with you." Dinig ko na sinabi ng nasa kabilang linya.
Ngunit bago pa man ako makapagsalita ay naibaba na ang tawag. Sinubukan kong tawagan ulit ang numerong iyon ngunit hindi ko na ito macontact. Sinubukan ko ulit ngunit hindi parin talaga. Saka ko lamang napagtanto na ganito din ang mga pangyayari sa panaginip ko. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito sa akin ngayon. Totoo nga ba ito o nananaginip pa rin ako?
"I-I'm sorry, Even. But, I'm still in love with you." Muli na namang umulit sa aking isipan ang sinabi ng babae. I'm sorry? I'm still in love with you? Ano ang ibig niyang sabihin? Ano ang ibig noong sabihin? Kilala niya rin ako ngunit bakit wala akong kaide-ideya kung sino man lang siya?

BINABASA MO ANG
What Does It Take
Ficção AdolescenteWhat does it take to get the one you love if you haven't met her yet? - credits to @NicoletteLovesYou for the nice book cover. :))