Anica Pov
Hi my name is Anica Garcia I Live at Sitio BatongBuhay , Bukidnon harhar !!! Kunwari lang po marunong sa english .
Uulitin ko po ako po si Anica pero pwede niyo kong tawaging nica , ang nag-iisang babaeng anak nina tatay at nanay ang aking mga kapatid ay sina kuya peter parker at bruce wayne (hehe kinuha ko to sa palabas na little nanay niyo po yun mganda yun promise na promise po).
At yes bunso po ako , barako ang mga kuya ko kaya walang nagbabalak na ligawan ako kundi lagot sila sa mga kuya ko lalong lalo na kay kuya peter hindi pa kasi nagkakaroon ng gf kaya siya ganyan hmft .
Sabe nila pag nasa probinsya ka mahirap daw ang buhay , oo tama sila mahirap nga ang buhay pero napakasariwa naman lahat ng bagay sa yamang dagat , sa kalikasan pate sa hangin atsaka hindi lahat ng nasa probinsya mahihirap , may kakilala ako na mayaman . Sila señor fausto at senyora barbara .
Si señor fausto at senyora barbara ang may-ari na pinagsasakahan nila nanay at tatay halos lahat ng tao dito samen dun nagtratrabaho , mabait kasi ang magasawa di sila tulad ng mayayaman sa maynila mga matatapobre kaya ayokong tumira sa maynila kakawawain lang nila kameng mga PROBINSYANA .Elaine Samonte Pov
Elaine samonte is here probinsyana den ako tulad ni nica pero ibahin moko gustong gusto ko makarating sa maynila sabe kasi nila mama madame daw mayayamang lalake dun na maari kong maging asawa . Gold digger man ako sa inyong paningin , so ? Wala kayong pake kailangan ko yun para makaahon sa buhay nakatapos man ako ng kolehiyo hindi pa den yun sapat para maiahon ko ang pamilya ko sa hirap mayamang mapapangasawa ang kailangan ko .
Solong anak ako kaya lahat ng gustuhin ko nakukuha ko , isa lang naman pangarap ng mga magulang ko sakin ang maiahon ko sila sa hirap at isa lang ang paraan dun .Maria De Jesus Pov
Masayahin , Palakaibigan , Student of the year . Yan ang pagkakakilala nila sa akin ang hindi nila alam puro lungkot at sakit ang nararamdaman ko sa loob-looban ko .
Ang pinakamasakit sa parte ng isang tao ay yung malaman mo na isa kang ampon , napakasakit kasi sa buong buhay mo akala mo tunay kang anak na kabilang ka sa pamilya nila pero kahit ganun diko maramdamang ampon ako , mahal na mahal kasi ako ng pamilya ko .
May kambal ako si letizia , sa lahat ng pamilya ko si letizia ang hindi ako matanggap naiinggit daw siya sakin kasi lahat ng atensyon nasa akin , pero kahit ganyan ang kambal ko mahal na mahal ko yan kahit ganyan yan mahal ko yan at lahat gagawin ko tanggapin niya lang ako bilang kapatid niya .Letizia De Jesus Pov
Oh hi Readers ! Zia here kamusta naman ang buhay niyo ? Well ako ganun paden hindi pa den napapansin ng dahil sa ampon kong kapatid . Inggit na inggit ako sa kanya lahat ng atensyon nasa kanya na para ngang mas itinuturing pa siyang tunay na anak kesa sakin eh .
Sa sobrang galit ko sa kanya gusto ko na syang ipapatay para mawala na siya sa landas ko , sa landas ng mga inagaw niya sakin . Ang totoo nyan hindi naman ako dati galit sa kanya pero simula ng malaman ko na hindi ko siya tunay na kapatid doon na umusbong ang galit ko . Nagrebelde ako pero mas lalo lang ako napasama , kaya lalo lang ako nagalit sa kanya inis na inis ako !!!!
But wait ayoko na magkwento about that bastard , ikukuwento ko naman ang pangarap ko actually madame akong pangarap unang una na don ang mawala sa landas ko ang bastada kong kapatid , pangalawa ang makaalis sa lugar namin , ayoko na dito walang nagmamahal sakin at higit sa lahat makapagboyfriend ng milyonaryo kahit bilyonaryo pa pabor sakin yun , ayoko sa maghihirap mga paawa lang mga mahihina sila , tulad ng kaibigan ni maria hahahaha ..
Si elaine parehas kame ng gusto sa buhay , super close kame ako ang tinuturing nyang bestfriend pero ako ayoko sa kanya lalo na sa ugali nya masyadong feelingera nkakainis lang , at naiinis den ako kasi lahat ng gusto niya nakukuha niya samantalang ako pinghihirapan muna bago ko makuha , palibhasa solong anak kaya wala siyang kaagawa sa atensyon .
Ako si letizia de jesus ang sisira sa buhay ni maria de jesus ..~~~
Hi readers :) sorry sa mabagal na updates akala ko kasi dina lalabas tong story ko eh ! Hehehehe pero ayun ok na derederetso na ang pagbabasa niyo . Sana dumami pa ang mga readers ko ! Goodluck .
Ilang chapters lang po muna ibibigay ko di kaya ng utak ni author eh