Princess Thea Dy
Pagkahila nya sakin hindi sinasadyang maglapat ang mga labi namin. Hindi agad ako nakapag react kasi... Ano ahmm ewan basta ang alam ko magkadikit parin ang labi namin.
Natauhan ako ng hilahin nya ako pahiga sa tabi nya."wag mo akong iwan." Pakiusap nya sakin.
Bali ang pusisyon namin ngayon, nakahiga ako satabi nya at unan ko ang braso nya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanigas. Mali to!! Nung tatayo na ako hinawakan nya yung kamay ko.
"Wag kang umalis sa tabi ko." Pakiusap nya.
"Kukuha lang ako ng gamot mo." Yung na lang ang tanging sinabi ko saka lumabas na. Habang pababa ako ng hagdan hindi ko namalayang nakahawak pala ako sa labi ko. Ang lambot ng labi nya tapos ang tamis tap-- sh*t Thea ano bang inisip mo. Pangit yung halimaw na yun pangit!
Nang ma realize kong para na akong baliw na kinakausap ang sarili, pumunta agad ako sa kitchen para ipag handa sya ng soup. Habang hinihintay kong kumulo ang niluluto ko nag akyat ako sa taas ng bimpo at plangganang may tubig. Nilagyan ko muna sya ng bimpo sa noo at thermometer bago ulit bumaba. Sakto namang pagdating ko sa kusina kumukulo na hinanap ko agad yung mga gamot nung makita ko na inakyat ko na ulit siya.
"Tristan! Uminom ka muna ng gamot!" Sabi ko sakanya habang tinatapik ang balikat nya. Agad naman nya dinilat ang mata nya.
"Don't call me that name!" Pinikit nya ulit ang mata nya! Tsk. Arte pa!
"E anong gusto mo! Halimaw? Baka sabihin nila ganun ako kasama kaya Tristan na lang! Bayad narin to sa pagaalaga sayo!" Masungit na pagkakasabi ko sakanya.
"Tsk!"
Tumalikod sya sakin at nagtalukbong!
"Hoy! Bumangon ka kaya para makakain at maka inum ka ng gamot!" Inis na sabi ko sakanya. Hindi parin sya lumilingon."Paghindi ka umayos iiwan kita dito!" Wala pang dalawang segundo naka tingin na sya saakin. Tsk gusto pa yung pinipilit e."umupo ka tas isandal mo yung ulo mo sa headboard!"
Nakita ko naman sya kumilos pero alam kong hirap sya kaya."aww! My head!" Nauntog yung ulo nya sa headboard. Kasi pinangtutukod nya yung siko nya kaso dumulas kaya tumama yung ulo nya sa headboard.
"Boyboy! Hindi ka kasi nagiingat." May pagka sarcastic na sabi ko sakanya.
ESTÁS LEYENDO
You Change Me
De TodoLife is all about taking risks. If you never take risks, then you'll never know what you're capable of.