Chapter 7:

53 5 2
                                    

Third Person's P.O.V.


Kasalukuyang naglilinis si Gray ng isa sa kanyang mga hand gun ng matigil siya dahil sa may kumakatok sa pintuan ng kanyang kuwarto. Ibinaba niya ang kanyang baril at ipinasok ito sa drawer. Lumapit siya sa pinto at pinakiramdaman ito kung nandoon pa rin ang tao. But it knocks again louder kaya medyo lumayo siya rito ng bahagya.





"Hoy lalake! Buksan mo itong pinto! May kukunin ako!" Narinig niyang sigaw nito mula sa labas ng kanyang pintuan. At alam na niya kung sino ito. Hindi nalang niya sana ito papansinin at babalik na sana sa paglilinis ng kumalabog ulit ang pintuan. It's much louder than before. Parang inis na inis na ito.






"Bakit ba ayaw mong buksan yung pinto?!!! Alam kong nandyan ka sa loob kaya lumabas ka na at pagbuksan mo na ako!!!" Humiyaw ulit ito na para bang nasa isang bahay lang siya at wala sa loob ng university. Again, he was just don't mind it pero narinig niyang kinakalabog na nito talaga ang pintuan niya at parang sisirain na nito ito. Nagwawala na ito at hiyaw pa ng hiyaw. Hindi na nakatiis ang lalaki at inis na pinagbuksan ito.





"ARGGGHHH!!! SABING BUKSAN MO NA TO-----" Tinakpan niya ang bibig nito gamit ng kanyang kamay at pasimpleng lumingon sa palagid. It's good that no one was here. Tinampal tampal naman ni Rayven ang kamay ng lalaki at pinilit tanggalin ito. Tatanggalin na niya sana ang pagkakatakip rito pero bigla nalamang kinagat nito ang kamay niya. Mabilis na nanlaki ang kanyang mga mata at inilayo ang kanyang kamay sa babae. Hindi nito malaman kung saan nito iiipit ang kanyang kamay.





"Argghhh!!! Why did you do that?! Aso ka ba talaga?!!!" Inis na inis itong tumingin kay Rayven. "Ilang beses mo na itong ginagawa sa akin ha! Tinakpan ko yang bibig mo coz you're being too noisy! Why are you here? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na you are not aloud here?!" He shout at her pero hindi ito natinag at mabilis siyang tinabig at pumasok sa loob. Mabilis din niya itong hinawakan sa braso at hinila bago makapasok.




"Ano ba?!!!" Hiyaw ng babae kay Gray.





"Is that how desperate you are just to go here and live here? Yung manggugulo ka sa kalagitnaan ng gabi?!" Nanggigil nitong pagkakasabi sa babae.





"Wala akong paki-elam kung magising man sila. Ayaw mo akong pagbuksan kaya nagwala ako! And for your information. Kukunin ko lang ang mga gamit ko kaya ako naparito hindi para tumira dito kasama ka!" Hiyaw naman din nito sa kausap.






"Tss. Really huh? So do you think that I will buy that? Para maawa ako sa iyo dahil sa labas ka matutulog? I'm sorry but not sorry to tell you that hindi mo ako maiisahan. So go and get your things out now!" Isinenyas nito sakanya na lumabas.





"Tss. Okay! Dami pang satsat." Sabi naman nito sakanya at umirap sabay talikod sakanya at umakyat sa itaas. Pagkalipas ng hindi lalagpas sa tatlumpong minuto ay tapos na itong makapag-empake ng gamit at mabilis ng bumaba papunta naman sa banyo. Pagkakuha nito ng gamit ay dire-diretso na siyang papalabas sa pinto na kinaroroonan ng lalaki. Naka-halukipkip lamang ito ng kamay habang nakatingin sakanya. Tumigil ito sa harap niya.






"Bye bye halimaw! Wag kang mag-alala. Hinding hindi na ako babalik dito sa impyernong kuwarto mo kahit kailan!" Sabi nito saka hinatak at binuhat naman ang iba pa niyang bag. Lumabas na ito at naglakad na papa-alis. Hindi mawari ng lalaki pero parang nakita niya si Rayven na nakangiti at full of excitement ang mga mata. He just shrugged his shoulders at pumunta na sa loob. Isinarado na niya ang pinto at inilock ito. Iniisip niyang baka nagkukunwari lamang ito at maya-maya ay babalik ito at magmamakaawa sakanya na papasukin ito. Napangisi ito sa naisip niya. He came back doing what he's doing before. Pero maya-maya ay hindi niya mapigilan ang sarili na mapalingon sa itaas ng paulit-ulit. At the second floor's room. Kung saan nakalimutan ng babae ang kanyang paboritong headset sa railings nito.




He's BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon