Chapter 6:

53 5 0
                                    

Raven’s P.O.V.


Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Ipinangharang ko yung isang kamay ko dahil nga nasisilaw ako sa liwananag. ‘Teka… Sinag ng araw?’ Tanong ko sa isipan ko. Agad naman akong napabangon tumingin sa paligid.


"Arghhh! Ang sakit ng ulo ko sh*t!" Napahawak ako sa ulo ko at ipinikit ang mga mata ko. Nahihilo ako na hindi ko alam kung masusuka ba ako o ano. Nakaramdam na din ako ng gutom at may kasamang pagod. Pero pinilit ko pa ding bumaba sa kama at naglakad papunta sa cabinet ko. Halos mabangga ko na lahat ng madaanan ko pero hindi pa din ako tumigil kasi hinahanap ko yung pesteng medicine kit na binigay sa akin. Pero hindi ko talaga ito mahagilap! Uminit na ang ulo ko pero idinaan ko nalang ito sa pagbuntong hininga ng malalim at binuksan ng maayos ang mga mata. Pinakiramdaman ko ang buong paligid. Teka?

Parang ang tahimik? Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Ng masiguro kong walang mga patibong at tatama sakin ay dumiretso na ako papunta sa kusina at hanapin ang ref. Ng makita ko na ang hinahanap ko ay dali-dali akong pumunta dito.

"Woah! Ang laki-laki na nga ng ref ang dami pang laman! Malamang raven malaking refrigerator nga diba edi madaming mailalagay. Tss." Kumuha ako ng mga gulay at karne. Inilagay ko ito sa tabi ng lababo, at ng huhugasan ko na ito ay natigilan ako dahil sumakit nanaman ang ulo ko. Napahawak yung kaliwang kamay ko lamesa. Hinawakan ko ang isang upuan at hinila ito para mapa-upo ako.

"Tsk! Paksyet! Arghhh! Yung ulo ko!!!" Halos iuntog ko na yung ulo ko sa lamesa pero ayaw pa din mawala ng sakit ni maging manhid ayaw! Maya-maya ay napagod na din ako at inilapat nalang ang ulo ko sa lamesa. Maya-maya ay dumako ang paningin ko sa harapan ko. May nakita akong naka-takip na mangkok at isang banig ng paracetamol? Tinanggal ko ang takip sa mangkok at sinilip ito kahit nahihirapan akong dumilat. May laman itong soup at ng kunin ko ito ay nakita kong may papel sa ilalim. Kinuha ko ito at binasa. Sabi sa letter,

['Piggy, after eating, take a bath. I can't take your smell. That's all']  (-_-#) Nagmamalasakit ba 'to o nang-iinis? Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto sa sinabi niya e. Nilukot ko nalang ang papel at itinapon kung saan. Kahit ayoko man kainin ang niluto niya ay wala din akong magagawa kasi di na ako makatayo sa hilo. Kaya kinuha ko na yung katabing kutsara nito at unti-unting kumuha dito. Pagkalagay sa kutsara ay di ko agad ito isinubo, iniisip ko kung bakit niya muna ito ginawa. Baka gusto niya akong malason? Or mamatay? O magbubula ang bibig dito bilang ganti? Ngii.. Napangiwi ako habang iniisip ko iyon. Inamoy ko muna ito, "hmm..Mabango naman siya?" Unti-unti ko itong inilapit sa bibig ko, pero nakapikit lang ako dahil sa isang subo ko na ito ay baka mamaya kabod nalang akong bumagsak sa sahig at mangisay diyan. Pagkasubo ko ay dahan dahan ko itong nginunguya kahit halos wala naman akong mangunguya. Ng malasahan ko na ito ay napabukas agad ang mata ko sa pagkagulat.

"Ang sarappp!!!" Grabe di ko alam na marunong palang magluto yung ugok na yun? Saka di ako nakakaramdam ng kung anu-ano ah. Mukhang safe naman siya. Kaya dali-dali kong kinain ito. Ng maubos ko ito ay kinuha ko ang gamot at tumayo na para kumuha ng tubig sa ref. Pagka-inom ko nito ay umakyat na ako sa itaas para kunin ang towel ko at damit para maligo. Nahihiya man akong aminin pero tama nga siya, iba na amoy ko takte. Bumaba na ako at dumiretso sa bathroom. Isinarado ko itong mabuti at baka may biglaang pumasok dito ay syempre iba na ang alisto. Mabubunyag ang sikreto ko pag nagkataon na may makakita sa akin dito. Pagka-lock ko ay sinilip ko muna ang buong bathroom. Ng masiguro kong walang cctv o mga camera na nakakabit dito ay tuloy na akong naligo.

"Ahhh... Ang sarap sa pakiramdam! Next time nga ganito nalang ulit gawin ko para mawala agad hangover ko."  Pagkatapos ko ay nagbihis na ako at lumabas na. Pagka-akyat ko ay nagsuklay na ako at naisipan kong kunin ang ipad ko para mag-games. Pagkakuha ko sa drawer ay nahiga kaagad ako sa kama. Naglalaro lang ako ng speed ng maisipan kon tawagan yung kababata ko para ma-update naman ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at mabilis na idi-nial ang number niya. Ni-loud speaker ko ito at ihinagis sa tabi ko. Nagring siya pero ang tagal niyang sagutin. Maya-maya ay sinagot na din niya.

He's BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon