Chapter 3:

81 9 0
                                    

Raven's P.O.V.

Nagising ako sa ingay sa ibaba. Parang may bumaksak na gamit at may nagsasalita. "Ano ba yun?" Bulong ko sa sarili ko. Dahan-dahan akong tumayo at sinilip yung ibaba. Aba? May tao? Siya kaya magiging ka- roommate ko? Siguro... Kaya lang hindi ko makita mukha niya. Nakatalikod kasi siya e pero ang posture.. Ang manly ng dating.. Kung makikita niyo lang ngayon ito? Para siyang isang model ng mga branded na damit kasi likod palang niya dalang-dala na- wait. When did I start to compliment things specially man? E nakakatakot nga siya e kasi parang ang broad ng shoulder niya- Ahhh!!! Ewan!








"When will you fix this fucking door?" Baritono at malamig na pagkakasabi niya sa kausap niya sa telepono. Bakit ganun siyang magsalita? Parang hari.. Parang kapag hindi mo kaagad nagawa yung pintuan ay hindi ka na sisikatan ng araw kinabukasan... May nararamdaman na akong kakaiba sakanya na hindi niyo magugustuhan. Matamlay akong bumalik sa kama.








"Pumasok ako kahit bawal, nakitingin ako ng mga gamit, tapos inayos ko pa yung gamit ko dito. Tanong ko lang, mali ba yung pagpunta ko sa kwarto na ito?" bulong ko sa sarili ko.







"Yes, it is." Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa gilid ko. Baritono at may diin niyang pagkakasabi iyon kaya siguro masyado yata akong kinabahan sakanya. Tinignan niya ako na para bang may gagawin siyang karumal-dumal sa akin. Pero tinapangan ko ang sarili ko saka matikas na tumayo at naglakad-lakad.






"At bakit naman naging mali ang pagpunta ko dito? May sikreto ka bang itinatago? Na ayaw mong malaman ng iba? Anong mali ha?" Sunud-sunod kong tanong sakanya. "Besides, we are roommates now." Confident kong pagkakasabi sakanya para wala na siyang palag pa.









"Who fucking said that." Flat pero may pagka-inis niyang tinuran sakin. Medyo nag-alangan nanaman ako kasi baka magkamali ako ng sasabihin. "E-eeedi silang tatlo." Tumalikod ako sakanya at pumunta sa katapat kong bintana. "O? Umuulan? Lakas ah.." Sabi ko para medyo ma-ease yung tensyon kahit ang totoo ambon lang naman yata at maliwanag pa.







"And who's that fucking three?" Tanong niya sa akin. Parang hindi nga tanong e kasi parang kapag may sinabi akong pangalan parang inilagay ko na din sa deathlist yung pangalan nila. Humarap ako sakanya.







"Me, Myself, and I." confident ko ulit kong pagkakasabi sakanya. Naglakad-lakad ako sa harapan niya. "Bakit? May angal ka?" Maangas kong paghahamon sakanya. But I think it's a "Wrong move dude". He clenched his jaw at mariin akong tinitigan. Tumingin siya sa buong kwarto.









"Pack all your things and get out." Ma-authoridad niyang pagkakasabi sakin. Tumaas naman ang kanang kilay ko.









"Why would I do that?" Mataray kong tugon sakanya.





"Because I said."Madiin niyang pagkakasabi ulit. Hindi ko siya sinunod at naupo ako sa kama habang nakahalukipkip yung kamay ko. "Sorry ka, ayoko e." Nag-smirk lang ako at tumingin sa bintana. Ng bigla akong magulat dahil inihagis niya sa harapan ko yung maleta kong walang laman.








"If you don't want, then I will." Mabilis niyang hinalughog yung mga gamit ko saka pinagkukuha ito at pinag-iitsa sa maleta kong nakabukas.






"Hoy!!!gago ka ba?!!" Mabilis ko siyang nilapitan at pinigilan sa pagkuha ng mga gamit ko. Pero masyado yata siyang malakas at hindi ko kinaya na mapigilan siya. 'Hala! Nagalit na yata talaga?!' Talagang parang buong lakas niyang kinukuha at inihahagis dun sa maleta yung mga gamit ko e.









He's BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon