Chapter 8:

27 3 4
                                    

A/n: Hi hello! Dedicated to @Charamilla dahil nasagot nya ang question natin. Yehey!!! Correct! Ang naiwan ni Rayven ay ang kanyang paboritong headset. Now this is my ud. Sorry super late napo at ang ikli pa. Next time habaan ko na po ud pag may time na ah. Okay enjoy reading! :***




Habang binabaybay ang daan ng hallway ay napaisip ang babae.

'Teka lang...' Kabud niyang itinanggal  ang pagkakahawak ng lalaki sakanya saka pinaharap ito sakanya. Napa-tiim bagang naman si Gray sa ginawa nito.





"Teka.. Bakit mo nga pala ako hinihila ah? San mo ako dadalin? Wag mong sabihing pati sa school na ito ay papalayasin mo ako?!" Hiyaw ng babae sa lalaki. He clenched his jaw at malamig na tinignan ang babae.


"Yes. You just answer  your stupid question. You're going to leave this school whether you like it or not." May diin pero nandoon pa din ang lamig sa bawat salita nito.




"And why am I gonna do that mister?" Nakataas ang kilay at may pagkainis na tanong nito sa lalaki.






"Because you envade my privacy, my room, you bite me, binangga mo ako. And lastly," Tumingin siya sa babae ng seryoso "I don't like YOU" Sabay duro nito sakanya. Napa-smirk ang babae at hindi makapaniwalang tinignan ang lalaki.






"I don't know what's going on with your stupid mind but I DON'T CARE. Wala akong paki-alam sayo at wala akong mahalagang business sayo. And I don't care too kung ayaw mo sa akin. Madaming may ayaw sakin at alam ko na yun dati pa. Alam kong bago lang ako dito. Pero you don't have the right to decide whether I'm going to study here or what. Hindi ko alam kung ano ka rito at wala na akong time para alamin pa iyon." Sabay talikod nito sa lalaki at balak ng bumalik sa kanyang bagong kwarto pero hinawakan kaagad siya ng lalaki sa kanyang kaliwang braso at hinila pabalik  harapan nito. Galit at inis ang nakalarawan sa mukha nito na parang nakarinig ito ng sa talambuhay nito ay hindi pa nito naririnig. Hindi ito makapagsalita ng gusto niyang sabihin  at puro nakakamatay lang na tingin ang ipinupukol sa babae. Hindi niya alam pero inis na inis siya noong narinig niyang wala itong paki alam sakanya. Na para bang wala siyang kwenta para pagtuunan ng pansin. Naramdaman na niya ito sa kanyang ama pero hindi niya alam kung bakit sa kaharap niya ay naramdaman niya rin ito ulit.






"Look,Just let me be and do what you want. Get lost mister!" Wika ng babae sakanya sabay hawi sa pagkakahawak ng lalaki sa kanyang braso. Tumalikod na siya at naglakad ulit sa kabaliktarang direksyon ng lalaki pero natigil ulit siya ng pumailanlang naman ang tunog ng isang putok ng baril. Mabilis ang mga pangyayari, namalayan na lamang niya na hila hila siya ng kanina lamang na kausap na lalaki at mabilis nilang binabaybay ang hallway papunta sa kwarto. Seryoso at may pagmamadaling hinihila ni Gray si Rayven. Ilang kwarto na lamang ang kanilang lalakarin at makakarating na rin sila sa kanilang patutunguhan. Pero bago pa sila makarating rito ay biglang may tumamang shuriken sa katapat nilang pader. Nagulat ang babae at hinanap kung saan nanggaling ito. Isang swabeng hagis ang ipinakawala ni Gray sa gilid nila na parang alam na alam na nito ang pinupuntirya niya kahit saglit lamang ang tingin niyang ipinukol rito. Hindi nakita ni rayven ng malinaw ang bagay na inihagis pero alam niyang patalim iyon. At ipinagtataka na niya kung bakit mayroon ng ganoong bagay ang lalaki. Mas mabilis nilang binaybay ang daan, lakad lang ito para sa lalaki pero takbo na ang ginagawa ni Rayven dahil sa pagkakahila sa kanya nito para magkasabay lamang sila. Ng makarating na sila sa harap ng pintuan ay mabilis siyang hinigit ni Gray at siya ang unang pinapasok bago tumuloy ang lalaki.





Gulung-gulo na tumingin si rayven sa lalaki. Marahas nyang hinawakan ang magkabilang braso nito at winagwag. “ What was that?? Bakit biglang may lumilipad na patalim dito? Bakit ka nila pinupuntirya? Saka bakit meron ka ring patalim? Ano? Sagutin mo?? Ano???” Eksaherada at medyo nanlalaki pang mata ninong tanong.





Bagot namang tinignan ng lalaki ito “Do I really need to answer that stupid question?” Tamad at may pagkasarkastikong tugon nito sa babae.




“Tinanong kita ng maayos sagutin mo ng maayos!” medyo pabulyaw at may pagkainis nitong sagot sa lalaki. Gustong gusto na nyang malaman ang kasagutan sa mga tanong nya kaya mas lalo pa nyang winagwag ang braso ng lalaki. He rolled his eyes sabay bumuga ng kaunting hangin.




“First, get off your filthy hands on my arms” sabay hawi nito ng kamay ng dalaga sa braso nya



“Ay ang arte. Feeling mo naman gustong gusto kitang hawakan.” Sabay irap nito sa lalaki




“Second, your wrong about what you’ve said. If you have your eyes open minutes ago. You'll see that hindi ako ang pinupuntirya nila—“






“Kung hindi ikaw edi sino? Ako?” sabay turo sa sarili ng babae.






“Yeah, obviously.” Walang buhay na tugon nito.





“Bakit naman ako?” naguguluhang tanong ng babae.





“That's what i'm figuring out now. They will never do any actions or move unless your a threat or a danger at them” Pinasadahan niya ang babae ng tingin sabay unti unting lumapit sa mukha ng babae. Ilang inch nalang ang pagitan nila at kitang kita ang kaseryosohan sa mukha ng lalaki. 







“Now. Just answer my question. Who. Are. You.” Simpleng tanong pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kinabahan si rayven rito. Simple lang ang tanong pero parang sa tingin nya ay may mas malalim pang hinahanap ang lalaki sa kanya na isasagot.









Napatitig sya sa mukha ng lalaki. Noon pa lang sya napatitig sa mukha ng isang lalaki ng malapitan. Wala kasing nagtatangka na lumapit sakanya ng malapitan dahil kung hindi masuntok ay gulpi ang inaabot ng lalaking lumalapit sakanya ng ganoon. Ngunit sa di nya maipaliwanag na dahilan ay tila bang naging tuod ang katawan nya at umurong ang dila nito. Imbis na suntukin o ilayo ang mukha sa lalaki ay nakipagtitigan sya rito.





Unang unang mapapansin mo rito ay ang perpektong matangos nitong ilong, ang sexy jawline nya na mas nakapagpa-manly ng kanyang dating, parang baby ang kutis dahil sa kinis ng mukha nito. Bagsak na dark brown messy hair na abot hanggang kilay na mas nakakapagpapansin ng singkit at chinito nitong mga mata. He has these mysterious dark black pair of orbs. Hindi mo mababasa ang isip o malalaman ang susunod nyang gagawin dahil sa blangko ang mga mata nito at malamig pero kapag ikaw ang tinignan ay parang  tagos hanggang sa kaibuturan ng buto mo. Noon nya lang napagtantong adonis ang kaharap nya na noong mga nakaraang araw lang ay halimaw lang sa paningin nya.

Question: Ano ang tumama sa pader ng sandaling naglalakad patungo sa kwarto sila Rayven at Gray?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon