5

9 0 0
                                    

"Alex Diana Olivia Martinez gising na malelate ka na naman sa eskwela mo." Sabi ni mama

"Opo ma babangon na po."

Bago ako bumangon ay kinuha  ko muna ang cellphone ko at tinext sya.

Gudmorning baby gising na!!! Love u so much Vin Kennedy Gamboa.

Linapag ko muli ang cellphone ko sa mesa at bumangon na ako para maligo.

Habang kumakain may bumusinang motor sa labas ng bahay namin.

Senyales na nandyan na si kuya galing trabaho.

Hindi siya macho dancer sa bar ah. Kung yun ang iniisip niyo.
Hindi din siya akyat bahay ah.

Si kuya Carson ko ay business manager ng call center kaya late na din siya umuuwi.

Kahit may business kami ayaw niyang magtrabaho doon. Nakakabakla daw kasi. Bakeshop kasi ang business namin.
Kaya sina mama ang nagmamanage.

"Alex bilisan mo jan. Gusto ko nang matulog!" Sigaw ni kuya mula sa labas.

Dali dali naman akong tumayo at kinuha ang gamit ko sa taas.
Pagkalabas ko ng bahay nakita ko si kuya na nakasandal na sa kotse. Hindi niya ako ihahatid gamit yung motor niya?

Pumasok na lamang ako sa kotse.....

Pagkadating namin ng school ay sinalubong agad ako ng bestfriend ko.

"Alex!!! Nabalitaan mo na ba?" Yan na naman ang favorite line ng chismosa kong kaibigan.
"Sheena, ano na naman ang nasagap mong chismis aber?"
"Alam mo ba? Si Andrei makikick out na yata sa school?"
"Bakit naman?"
"Kasi nasangkot na naman atta siya sa gulo. Ang sabi nila flinat daw niya yung sasakyan ni principal dahil sinuspend daw siya."
"Di na bago yan. Ilang beses mo nang pinabalita yan. Pero ano? Hindi naman nangyayari diba? Sabagay paano siya makikick out dito? Anak ng may ari ng school at politiko. Halika na nga bago pa tayo malate samahan mo ako sa locker." Sabay hatak sa kanya palayo.

Kinuha ko ang mga libro ko sa locker. Habang paalis tinext ko muna siya para sabihing papasok na kami sa classroom.

"Bhe pasok na kami sa classroom baka mapagalitan kami ni ma'am eh. Miss na miss na kita. Mag ingat ka kung nasaan ka ngayon. Mahal na mahal kita Vin." Itinago ko na muli ito sa bag ko.

Her MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon