His POV
Ilang taon na din nang mapasaakin ang bagay na ito. Naalala ko pa ang pangyayaring iyon.
"Naman!!! Ngayon pa ako nawalan ng load!!! Bwiset na buhay to. Saan ako magpapaload ngayon? Wala din akong pera. Malas ko talaga!!!"
Nagpalinga linga ako kung may malapit na tindahan na nagloload dito. Pero wala. Bakit ko pa kase naisipang dumaan dito.
Sana Lord magkahimala at bigyan niyo ako ng biyaya!!! Gugustuhin mo bang kainin ako ng mga maligno dito Lord?? Sayang ang kagwapuhan ko kung kakainin ako ng mga maligno dito sa kagubatan.
Naisipan kong magpahinga muna sa gilid ng daan dahil medyo malayo layo pa ang dadaanan ko para makauwi pabalik.
Nagbubunot bunot na lamang ako ng damo habang nagpapahinga ng mapansin ko ang bagay na iyon...
Ano kaya yun???
- Andrei
![](https://img.wattpad.com/cover/55525833-288-k508814.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Messages
RandomWala na siya.... iniwan na niya ako. Pero umaasa parin akong mababasa niya ang mga text ko. Umaasa pa din ako na isang araw rereplayan niya ulit ako.....