6

20 1 7
                                    

ANDREI

Nakakainis yung principal na iyon. Suspend? Nalate lang naman ako ah. Porque sinabi ni daddy na siya ang magdisiplina sa akin? Porque ate ko siya?

Pumasok na lang ako sa principal's office para magpaliwanag na naman sa ate ko.

Si ate ang presidente ng school and at the same time principal. Di ko alam kung paano niya ginagawa lahat ng yon.

"Mr. Millares please come in." Sabi ng secretary ni ate.
Tinanguan ko na lamang ang secretary ni ate at pumasok sa loob.
Pagkakita pa lang niya sa akin ay napatayo na siya. I think i should prepare myself for an armalite mouthed sister's sermon for me.
"NICHOLAS ANDREI MILLARES!!! ANONG GINAWA MO SA KOTSE KO?"
" Flinat ko."walang emosyon kong sabi.
"Bakit mo ginawa yon?" Kalmang tanong na ni ate.
"Bakit mo ako sinuspend?"pabalik kong tanong sa kanya.
"Ika 50 na late mo na iyon ngayong school year so i think kailangan mo ito."
"But, why? Lagi naman akong pumapasok sa klase ko."
"Pumapasok ka nga. Lagi ka naman natutulog."
"Atleast napeperfect ko ang lahat ng quizzes ko. Nasa top 10 din ako and varsity ako. I am also a math and science wizzard and i-"
"Enough of that. Alam kong madami kang achievements pero di yon sapat para hindi kita isuspend for being late. Hindi porket kapatid mo ako ay hindi ko na iyon gagawin nicholas alam mo namang kailangan kong maging fair sa lahat hindi ba?"

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Ok fine." Sabay labas ng office ni ate.
Ipipihit ko na sana ang door kno nang tumunog ang cellphone ko.
Binasa ko ang text.

"Bhe uwi na kami . Miss na miss na kita. Mag ingat ka kung nasaan ka ngayon. Mahal na mahal kita Vin."
Nagtext na naman pala ito. Kailan kaya siya magsasawa.
Papunta na ako sa sasakyan ko nang makita ko siya. Sino kaya ang hinihintay niya? Bigla namang may humintong sasakyan sa harap niya. Napawi ang ngiti ko nang makita ko silang magkasama. Ang ex ko at ang bestfriend ko....

"Andrei, I'm so sorry hindi na kita mahal. May iba na ako." Iyon ang mga salitang binitawan niya bago niya ako iniwan. Pero hindi ko akalain na ang taong nagcomfort sa akin, ang taong pinagkakatiwalaan ko. Ang taong tinuring kong kapatid, ay ang ipinalit sa akin ni Cassy. Ang bestfriend ko. Si Travis.

Saan kaya pwedeng uminom ngayon? I think pupunta nalang ako sa bar nina Irvin.
Since Friday naman ngayon, at wasak na naman ang puso ko, pwede na ulit uminom. Kaya naman tinagawan ko si Irvin, Khyze, Zen, Anjh, Brysen at Louies para may kasama akong uminom.
Pumayag naman si Irvin, Anjh, Zen at Louies except for Khyze na hindi raw pinayagan ng girlfriend niyang si Eunie. Habang si Brysen naman ay may date daw sila ni Cath.Hay ewan ko ba sa kanila bakit nagigirlfriend eh. Di nila ako gayahin no attachments no problem. Girls are just toys you know. Fuck them once and leave them forever .simple as that. Kung nagseseryoso ka sa mga bagay na ganyan, wala kang mapapala kundi puro sakit lang. Look at me, nagmahal ako ng sobra? Anong napala ko? Iniwan at trinaydor ako. So just  play and don't be too stupid to attach feelings to someone.

" Aba lalim nang iniisip ni Andrei oh? Bagong buhay na ba?"sabi ni Irvin.
Napailing nalang ako sa mga kasama ko.
"Nakakapanibago na si Andrei ang nagyaya ngayon. May problema ka ba?"Louies.
"Siguro nakita nito si Cassy. Siya lang naman ang dahilan kung bakit umiinom to diba?"
"Oo nga no? Bakit di ko naisip yon?" Sabat ni Anjh
"Natural di mo naisip. Bobo ka kasi."sagot ni Zen
Tawanan sila lahat habang nagiinuman kami.

Tumunog ulit ang cellphone ko.

"Vin umuwi ka na. Maghihintay pa rin ako sa muling pagbabalik mo. Mahal na mahal kita pero ang sakit sakit na."
Minsan iniisip ko. Ang tagal na saakin ng cellphone na ito. Pero bakit hindi ko magawang itapon? Napulot ko lamang ito nung nawalan ako ng load at nawawala ako. May pera naman ako para bumili ng bago. Pero parang may pwersa na nagsasabi na itago ko parin ito. And it feels weird.


-------
      Nagising ako sa malakas na tunog na galing sa labas ng kwarto ko. Nagaaway na naman atta ang mga kapatid ko hhhaaayyy.
Kahit masakit ang ulo ko ay pinilit ko padin na bumangon. Sino pa ba ang aawat sa kanila kundi ako na referee.
        PPagkalabas ko ng kwarto ay tumambad sa akin ang nagkalat na mga damit sa sala. I guess i know kung ano ang pinagaawayan na naman nila.
Agad naman akong bumaba para ayusin na naman ang gulo na ginagawa ng mga kapatid ko.

"What is happening again?!"inis kong sabi.
Napatigil naman sila sa pagbabatuhan ng mga damit ng marinig nila ang boses ko.
"Eh kasi kuya si Lizzy eh nangunguha na naman ng damit sa kwarto ko."Lyzie
"Eh kuya hihiramin ko lang naman."sagot ni Lizzy
"Nagpaalam ka ba Lizzy?"
"Kuya kailangan pa ba yon?"
"Oo naman."
"Edi wow. Oh sayong sayo na yang damit mo bibili nalang ako ng bago."sabay irap at walkout.
Napabuntong hininga nalang ako sa asal ng kapatid kong si Lizzy. Muli ko naman hinarap si Lyzie.
"Lyzie wag ka nang umiyak ha? Tawagin mo nalang si manang para tulungan kang iligpit yang mga yan. Hayaan mo nalang si Lizzy. Hayaan mo kakausapin ko siya mamaya ok?" Tinanguan naman ako ni Lyzie bilang sagot.
Umakyat ulit ako sa taas para muling matulog. Aaarrrgghhh sobrang sakit pa talaga ng ulo ko. Teka paano pala ako nakauwi?

      Agad ko namang hinanap ang cellphone ko para tanungin ang mga kasama ko kagabi kung sino ang naghatid saakin.
Ngunit maging sila ay hindi alam kung paano nakauwi. Sabi nila habang nagiinumin kami ay di na nila ako nakita. Baka mag isa akong umuwi?

Nagvibrate na naman ang cellphone ko.
    Eto na naman siya......

Ohayo gozaimasu Bhe!!! Oh diba? May natutunan ako sa mga pinapanood ko na anime? Triny kong manuod ng mga pinapanood mong anime. Akala ko hindi maganda pero nakakaenjoy pala. Anyway kumain ka na ng breakfast ok? Wag kang magpapagutom.I love you Vin.

Napakaswerte ng Vin na ito. Kahit isang taon na ang nakalipas, may babaeng handang maghintay at mahalin siya.
   Kung sana nagtagal kami ni Cassy, siguro ganito pa din kami...

Her MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon