7

5 0 0
                                    

Alex

Pinilit akong isama nina Sheena kagabi papunta sa bar. Sumama ako pero hindi ako uminom. Well i will tell you the truth. Konti lang pala ininom ko half bottle lang ng vodka. Malakas ang alcohol tolerance ko eh. Naalala ko nanaman ang nangyari kagabi between me and that jerk.

I was in the middle of escaping from my friends and the club when suddenly he grabs my hand and kissed me. Natulak ko siya ng wala sa oras at natumba siya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman naitulak ko siya. Nataranta ako dahil hindi na siya gumagalaw nang tinulak ko siya siguro dahil sa kalasingan. Kaya tinulungan ko padin naman siyang tumayo, inalalayan ko siya na tumayo pero bumubulong siya. He is whispering someones name. I think I heard the name Cassy? Yeah yeah naalala ko na his ex. Don't get me wrong I'm not a stalker but I heard it from Sheena.

      Did I told you that this jerky guy named Andrei is one of Sheena's crush(isa ito sa mga lalaking nasa listahan niya ng crush niya). Am I right with the name? Oh well was pakels. Di ko alam kung bakit nagkacrush si Sheena dito? But I admit he's kinda cute but his attitude sucks. Ok Alex, konsensya mo na kung di mo tutulungan to maka uwi baka kung mapano pa. So dala lang ng konsensya kaya ko siya dinala sa sasakyan ko para ihatid pauwi. Wait. Paano ko ihahatid to kung di ko alam ang bahay nila?lmao. Kung tatatawagan ko naman si Sheena siguradong tulog na yon at nakauwi na dahil nalasing din siya.

I was driving the car when the jerk woke up and started to cry. He was saying the name of Cassy again and suddenly he started talking about him and Cassy. He said that he wants to go to the beach before going home. Alam kong salitang lasing lang iyon pero sinunod ko padin. Siguro kailangan niya ito para gumaan ang loob niya.

Tinigil ko ang sasakyan sa seaside at sinundan ang lasing na to.
He started talking again about that Cassy.
" Alam mo ang s-sakit sss...sakit sobra. Ang sakit ng ginawa niya saakin. Hindi ko padin matanggap na trinaydor ako ng mga taong minahal ko. Its been a year when it happened pero sariwa padin yung sugat sa puso ko."A tear suddenly falls from his eyes.
Feeling ko mahal na mahal niya itong Cassy na ito. Hindi naman iiyak ng ganyan yan kung hindi diba?
"Si Travis,Si Cassy lahat sila trinaydor ako. Yung Travis na iyon, akala ko kaibigan ko siya. Akala ko makakahanap na ako ng kapatid na lalaki. Pero hindi, inagaw niya sa akin si Cassy habang wala ako. H-habang wala ako, inaahas na pala niya ang girlfriend ko." "Si Cassy? Siya lang ang minahal ko ng ganito. I'm willing to sacrifice everything for her. But look what she did? She left me for my bestfriend. I gave her my all."
After that he went inside my car, gave me his address and slept peacefully.
Ewan ko kung anong mangyayari kapag nagkita ulit kami.Maalala kaya niya ako? Sana naman hindi, Baka kung anong isipin ng iba tungkol sa amin. Baka awayin ako ng mga babaeng patay na patay sa kanya. Kaya ko naman silang labanan isa isa pero gusto kong tahimik padin ang buhay ko. Hhhhhaaaayyyy.
I forgot to text Vin pala.....

Bheb kagigising ko lang. By the way good morning!!! Kumain ka na ba? Kumain ka na ha? Magpakabusog ka. I love you.
Iniwan ko muna sa side table ang phone ko at lumabas.

-------------------------
Andrei

Pababa ako sa hagdan ng makasalubong ko si Manang.

"Sir Andrei gising na po pala kayo? Magandang umaga po sir."
"Magandang umaga po manang."
" Sir ang ganda naman po nung kasama niyo kagabi? Girlfriend niyo po ba yun? Nakamove on na po kayo kay ma'am Cassy?"
Nagtaka naman ako kung sino ang sinasabi niyang naghatid sa akin. Teka babae?
"Huh? May naghatid sa akin kagabi? Akala ko ako lang mag isa ang umuwi."
"Sir, lasing na lasing po kayo kagabi kaya imposibleng kaya niyo po umuwi mag isa. At sir pinagbuksan ko po kayong dalawa ng pinto kagabi."
Kinabahan naman ako. Nagalaw ko ba siya? Omayghad baka mabuntis ko kung sino man iyon."
"Ah manang natulog po ba yun dito?"
"Aynako hindi sir, nung naihatid ka na po namin sa kwarto mo umuwi nadin po siya agad."

Pinipilit kong alalahanin kung anong nangyari kagabi pero wala talaga akong maalala kahit isa. Sino kaya yon? Sino yung babaeng naghatid sa akin pauwi?
I guess I need to unwind. Magroadtrip kaya muna ako hanggang La Union? I think I should stay there for a while.
I texted my friends to come with me there. Pumayag naman sila na sumama pero magdadala daw sila ng mga date. Hayst. Maglalandian lang naman sila duon. Pero pumayag nalang din ako.
Hihintayin ko nalang sila na dumating. Mga apat na oras din ang byahe papunta doon eh.

Pagkarating nila, agad na kaming bumyahe papuntang La Union. Si Brysen at Khyze ay nagsama sa iisang kotse kasama ang girlfriends nila na si Cath at Eunie. Si Anjh at Louies ay nagsama ng kanya kanyang date. Si Louies sinama si Erika at si Anjh sabi niya na napulot niya daw kagabi yung kadate niya ngayon. Si Irvin naman ayaw daw magsama ng kadate kaya nagsama daw ng "friend" I don't think na friend lang tingin niya dito sa babaeng to, based on how he looks at this girl I think there's something in there. Habang si Zen naman, ano pa ba aasahan mo kay Zen? Syempre walang sinama. Ewan ko kung bakla ba siya o hindi pero wala pa siyang nababanggit na girlfriend o nililigawan o kahit crush wala kahit isa. Puro kasi dota at anime inaatupag eh. Siya din pinakacold at emotionless sa amin.Kung ako tatanungin niyo, syempre wala. Dahil naniniwala ako sa kasabihang "Player man sa inyong paningin, loyal padin." Oo kahit pinagpalit ako ni Cassy, hindi ako magiging babaero para mafulfill ko lang yung needs ko bilang lalaki. Di naman ako kagaya ng iba na nananakit ng mga babae.

"Paano ba yan Zen? Tayo ang magkadate."sabi ko sa kanya. Sinulyapan niya lang ako at bumalik ulit sa paglalaro ng cellphone niya. Hayyyy parang nagsisisi na atta akong isama sila. Napabuntong hininga nalamang ako dahil don.

        May bahay ako sa La Union, beach front siya kaya gustong gusto ko. Mahilig kasi akong magsurf at jetski kaya kada wala akong ginagawa ay bumabalik ako dito. Hindi alam nina mom at dad na may binili akong bahay dito. Bagong patayo at ipon ko ang gamit ko para bilhin eto kaya walang problema. Hindi ko din sinasabi sa mga kaibigan ko na sa akin ito. Sinabi ko lang na rinentahan ko lang ito ngayon. Malaki siya actually, may tatlong bedroom at isang master's, medyo malayo diya ng konti sa mga resorts kaya magandang mag unwind dito but may kapitbahay ako na isa. I don't know pero parang walang nakatira din sa kabila.

Pagkarating palang namin sa La Union ay nagutom na agad sila kaya naman naghalu halo muna kami sa halo-halo de iloko at dumiretso na kami sa bahay. Magdadapit hapon na nang makarating kami. I guess this vacation will help me forget her for a while.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon