Part 2: Photo shoot ❤

31 3 1
                                    

PART 2: Photo shoot

Point of view ni Miss Beautiful (Princess Anica Reiyn Fernandez)

Nakalipas ang tatlong araw...

Pagkatapos ng mga nangyari sakin simula nung nalaman kong engage na pala ako. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na maging fiance ko yung pandang nerd na yon. Nakakaasar talaga ! Kung hindi ko lang kailangan yung opportunity na inaalok niya para sa papa ko hindi ako papayag sa kasalan na yan.

Oo para kay papa kung bakit ako naipit sa ganitong set-up. Kasi naman nagkarooon ng utang si papa sa pimilya na taga USA at ayon hindi tuloy siyamaka-uwi dito sa Pinas. Tsaka pangarap ko rin makarating sa USA kaya ayon inaccept ko na yung chance na to kahit na buset na buset ako sa tuwing nakikita ko yung feelingerong panda na yon. Dahil mahal na mahal ko ang papa ko at gusto ko na rin siya makasama. Miss namiss ko na rin siya. Kaya gusto kong mabuo ang pamilya na kinalakihan ko.

Naalala ko tuloy yung araw na masaya kaming nagpipicnic kasama ang dalawa kong kapatid na sila Nicole Michi at Kristine. Ang saya saya sa pakiramdam na buo kami na nagkakasiyahan. Pero ang hindi namin alam yon na rin pala yung araw na malalaman naming sandalian lang pala ang sayang nararamdaman namin kasi nabigla kami sa sinabi niya samin sa mga oras na yon. Natanggap siya sa isang pinag-applyan niya sa US. Hindi namin maexplain ang mga emosyon na bumabalot sakin nung araw na yon. Masaya kasi natupad na rin yung pangarap niya na makarating dun. Ngunit hindi ko mapigilan ang lungkot na nararamdaman ko nung araw na malalaman kong mawawala kami sa napakamamahal kong papa Luke. Alam ko namang ginagawa niiya yung para samin.

Subalit dumating yung isang araw na nagkasakit si Lola Lynzie. Nangailangan kami ng napakalaking halaga para sa operasyon na magaganap sa kalagayan ng lola ko. Nacoma siya ng ilang buwan. Buti na lang dahil sa napakabait na amo ni papa sa America pinahiraman kami ng pera na umaabot ng kalahating milyon. At dahil dun hindi siya pinapayagang makabalik ng Pinas hangga't hindi pa namin ito nababayaran. Aish! Nakakalungkot isipin na nagsakripisyo si Papa Luke para sa kalagayan ni Lola. Kaya ngayon time ko naman magsakrispiyo para sa pamilyang mahal na mahal ko. Isasakripisyo ko ang happy ending na kasama ang taong mahal ko para sa kanila.

Sa subrang emosyonal ang pagthrowback ko ang mga memories na kasama namin si papa at ang mga masasaklap na nangyari samin. At hindi ko namamalayang napaluha na ko. Nagulat tuloy ako ng may biglang kumatok sa pinto ko.

"P-asok" malumanay kong sigaw sabay pinunasan ko muna yung luhang tumulo sa aking mga mata bago ko tinignan kong sino yung may kailangan sakin sa ganitong oras.

"Anak hinahanap ka ni Kyla" bungad sakin ni mama habang papalapit sakin. Binigyan ko naman siya ng "Ano kailangan niya look".

"Gusto ka niyang kausapin" dagdag niya pa.

"Sige po baba na rin po ako maya maya" magalang kong sagot sa kanya bago ako papasok ng CR. Pero bigla na lan niya kong hinawakan sa braso. Magsasalita na sana ako kung ano pa kailangan niya pero inunahan na lang niya ko "Kailangang malaman ni Kyle about sa marriage niyo ni Ken para hindi siya umaasa" seryosong sabi ni mama na may halong pagaalala sa mga mata neto. Teka! Umaasa? Si Kyle? Para saan?

"Umaasa po?" pagtataka ko. Pero hindi na lang yon pinansin ni mama basta bigla na lang siyang lumabas ng kwarto. At iniwan niyang lutang ang utak ko.

Isang oras na ang nakalipas... Hanggang ngayon hindi pa rin maprocess ng utak ko ang sinabi sakin ni mama. Hindi ako bobo noh. Basta ang alam ko kailangan talagang malaman ni Kyle yung about sa set-up kasi best friend ko siya. Pero nangako ako kay mama Cora na hinding hindi ko sasabihin sa iba ang tungkol dun. Pero nangako rin ako kay Kyle na walang lihiman sa aming dalawa. Kastress naman. "Anong dapat kong gawin?" bulong ko sa sarili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Beautiful Disaster ♥(JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon