IV - Pa-baby (part 2)

535 9 0
                                    

Pagkaraan ng isang linggo, bumalik na sa trabaho ang mag-asawa. Kakatapos lang ng show kaya dumeretso si Karylle sa lounge at nakikain kasama ang mga ibang hosts at staff habang si Vice naman ay dumeretso sa dressing room nya at nagligpit ng gamit. Pagkalipas ng ilang minuto lumabas na si Vice at pinuntahan ang asawa sa lounge, napansin nya na onti nalang ang natirang host at staff.

"Karylle!" Sigaw ni Vice dahilan sa pagkagulat ng kanyang asawa at napatigil sa pagkain ng lumpia at pansit.

"Hay naku!" Sabi ni Vice sabay hawak sa noo nya. Natawa muna si Karylle sa inaakto ng asawa bago nya ma-realise na ang dumi nya palang kumain, kaya uminom muna sya ng buko juice bago naglinis ng mukha at kamay.

Pagkatapos noon ay umupo si Vice sa tabi ni Karylle.

"Ahehe... sorry Vicey... gutom lang talaga tong maganda mong asawa." Nahihiyang sabi ni Karylle at pinalupot ang kamay sa braso ng asawa.

"Halata nga kurbs... ikaw ahh lumalakas kang kumain. Baka nakakalimutan mong... TALO EPIYU WALANG KAKAIN!" Eksaheradang sabi ni Vice.

"Grabe sya oh, hindi naman! To talaga ang OA..." pinatong nya ang ulo nya sa balikat ni Vice habang nakakapit pa rin sa VICEps nito.

"Btw kurbs, game 3 na ng FEU vs UST. Babe manonood ulit ako! " excited na sabi ni Vice.

"Hala grabe talaga sya oh... Hindi mo nanaman ako sasama. Kainis to, pagkatapos mo kong sabihan na may balat ako... sama mo talaga." Napabitaw sya sa braso ni Vice at napa-cross arms(?)
"Aww tampururut na tuloy tong baby ko! Joke lang yon, to talaga alam ko namang wala kang balat sa pwet! Babe wala na tayong ticket at tsaka baka ma-bored ka lang dun,lalo na't napansin ko na bugnutin ka nitong nakaraang araw. Next time nalang." Mapanuyong sabi ni Vice at nilapitan ang asawa at inakbayan ito.

"Sama mo talaga mag-salita sa'kin ahh... Hindi kaya ako bugnutin. Ikaw imbento ka..." Natatawang sabi niya at kinurot sa tagiliran ang asawa. "Oo na, sige na pumunta ka na! Late ka na... alam mo namang matindi ang traffic!"

"Okay sige Babe una na ko ha..."

"Oo na... basta humanda ka mamaya pag-uwi mo!"

"Hala babe hindi ako pwede ngayon... may dalaw ako."

"Tangina mo Vice! Umalis ka na!"

"Ahahahah joke lang bb... i love you! Bye alis na ko..." akmang hahalikan na ni Vice sa labi si Karylle ngunit lumanding ang palad ni Karylle sa labi nya. #DaotPls .

"Direk oh!... si Vice, 1 2 3 para paraan..." parang batang sumbong ni Karylle kas direk Bobet.

"Edi nganga!!! To talagang babaeng to! Kung di lang kita mahal, kanina ka pa nakasabit sa bintana!..." pikon na sabi ni Vice at nilisan na ang lounge.

----------------♡----------------

*1 unread message from Vicey babes♡*

Beybi nasa abs ka pa ba?

- nah, we're having dinner. Malapit din sa abs ;) bkt?

Dinner with?

- Bully boy and choleng

Nasa VBar kayo?

- no! Hindi ako nag-vvape no.i'm not like u B...

Natanong ko lng nmn ah, malapit na matapos game. Babe mukhang mananalo Feu!

- talaga lang ah! Feeling ko matatalo kasi hindi mo ko sinama! Swerte kaya ako no ;)

Hay naku! Basta babe mamaya daanan kita sa abs, sabay na tayo umuwi.

- okay! See u ♡

Pagkalipas ng isang oras pagkatapos ng game 3 ng feu vs ust. Dumeretso si Vice sa abs-cbn para sunduin ang asawa. Alas-siyete na nang sila'y nakauwi sa bahay nila. Pagkabukas pa lang ng pintuan ng bahay sumalubong sa kanila ang mga alaga nilang aso na si Vicekee, Lucky, Charles, and Keith. Nakipaglaro agad si Karylle sa mga alaga nya, habang si Vice ay hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa mukha dahil nanalo FEU, panay dina ng sigaw nya ng "PANALO FEU KAKAIN TAYO!" Kaya pati mga aso ay naingayan sa kanya. Masayang-masaya syang pumanik sa kwarto nila habang naghhit-the-quan-walk.

"Ate Jackie!!! " tawag ni Karylle sa kasambahay nila, wala syang narinig na tugon kaya pinuntahan nya na lang ito sa kusina.

"Ate Jackie... luto na ba yang pagkain?" Tanong ni Karylle habang kinikilatis ang ginagawa ng kasambahay nila.

"Ahy opo ate, maghahain na nga ako." Sagot ni Jackie at kumuha ng plato at inayos na ang mesa.

"Yes... sakto! Nagutom ulit ako eh... ang traffic kasi tapos ang tagal pa dumating ni Vicey."

"Wait lang tawagin ko lang si bays..." dagdag pa nito.

Paakyat pa lang si Karylle sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, sinisigaw na nya ang pangalan ng asawa.

"VICE! VICEY!"

Pagkapasok nya sa kwarto nila, natagpuan nyang pagulong-gulong ang asawa sa kama. Napatingin din sya sa t.v. nabinabalita nga ang pagkapanalo ng FEU. Mukha namang hindi sya napansin ng asawa.

"HOY! ANG LANDI MO! Kakain na tayo..." sabi ni Karylle at binigyan ng mapanakit na sabunot ang talanding asawa.

"Aray ko naman beh... Pero kasi beh sobrang saya ko lang talaga, hindi ko alam kung yung saya ko ay dahil lang sa pagkapanalo ng FEU, i dont know pero there's something na hindi ko alam kung ano yun na dahilan ng kaligayahan ko. Basta!" Wagas na nakangiting sabi nya. Halatang namang wala talagang mapaglagyan ang kasiyahan ng asawa nya kaya napayakap nalang si Vice kay Karylle. Saglit na natahimik ang buong silid at napagdesisyunan ni Karylle na basagin ang katahimikang ito.

"Vice, alam ko ata kung bakit sobrang saya mo ngayon. I dont know, maybe ito ang sanhi ng joy na nararamdaman mo ngayon. Siguro na-feel mo rin or something, " kumalas siya sa pagkayakap at hinarap ang asawa.

"Vice... i'm pregnant!" Napayakap ulit ng mahigpit si Vice sa asawa at binuhat nya pa ito at pinaikot-ikot.

"I knew it!!! Sabi ko na nga ba swerte ang pagkapanalo ng feu! Positive babe!!! " tuwang-tuwang sabi ni Vice. Ibinaba nya ang asawa at hinawakan ang kamay nito.

" i will not promise anything. I will not say 'i promise to be a good father to our child' but, i WILL do my very best. I will not TRY. I will DO. I love you." Halos maiyak na sabi ni Vice. Karylle tiptoed at hinawakan ang mukha ni Vice and placed a soft kiss in his lips.

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●•●●●●●●●○●●●●●●●●●●●●●♡

12|18|15

PamilyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon