Chapter 7: Truth or Dare

48 7 0
                                    


Laurenz's POV

Sumabay ako pauwi kay Eithan at nandito ako ngayon sa bahay nila para tumambay. nalate kami ng uwi dahil inasikaso pa namin yung mga gamit na gagamitin para sa counseling ng bigla nalang magsalita si Eithan.

"Oy Renz! Nagtext sakin si Yumi."

"Oh anong sabi?"

"Punta daw tayo sa kanila, nandoon din daw si Cassy. Malapit lang naman bahay nila."

"Paano mo nalaman?" Siguro hatid sundo niya itong si Yumi kaya pati bahay niya alam na. Ay bobo lagi nga pala kaming magkasama ni Eithan imposible naman 'yon.

"Katext ko. Parepareho lang pala tayong subdivision na tinitirahan." Hindi talaga ako tinetext. iyak na ako.

"Ano sasama ka ba?" Sasama kaya ako?

"Hoy! Sasama ka ba o hinde?" Sigaw niya.

"Tanga, syempre sasama wala naman ako sa bahay namin nandito ako sainyo ayoko namang maiwan mag isa dito." Sasama na ako final answer.

"Sasama naman pala 'di agad nagsasalita." Aba aba Eithan.

"Ha? May sinasabi ka?" Tanong ko sakanya.

"Wala, umalis na kako tayo." Sagot niya.

"Ah kala ko may sinasabi ka e. Sige labas mo na kotse mo" utos ko sakanya

"May topak ba? Malapit na nga lang kokotsehin mo pa, sayang lang sa gasolina pwede namang mag lakad."

"Sabi ko nga lakad na tayo. Bingi mo!" Haha siya pa tuloy bingi. Ganyan dapat magpalusot. ;)

"Sus"

Nagsimula na kaming maglakad ng bigla namang huminto itong si Eithan. Eto na ba yung bahay ni Yumi? Kung eto naman wala pang 10 minutes kaming naglalakad nandito na kami? Kalapit naman. Ay malapit nga lang pala sabi ni Eithan.

"Eto na ba 'yon?" Paninigurado ko.

"E eto text niya sakin e." Magdo-door bell palang sana si Eithan ng biglang lumabas sila Yumi.

"Oh they're here! " Masayang sigaw ni Yumi.

"Alam ko, nakikita ko may mata kaya ako. Eto oh?" Mapangbarang sagot ni Cassy habang nakaturo pa sa mata niya.

"Why? Did I told you na wala kang mata?" Napairap nalang si Cassy sa sinabi ni Yumi.

"Saan ba kayo pupunta?" Hindi naman Palatanong si Eithan dati ah? Mukhang tinamaan sa dalawa.

"Bibili ng Ice cream!" Sabay na sagot nila.

"Sasama kami." Kami sasama?

"Ha? Tayo? Sasama sa kanilang bumiling Ice cream?" Kunwari lang yan pero gusto ko talagang sumama sa kanila. Bakit ba kase kailangan ko pang umarte na ayaw kong maging kaibigan ang dalawang babaeng to? Hays.

"Tss. Edi maiwan ka, hwag kang papasok sa bahay namin hanggang wala kami! " Kataray naman nitong si Yumi.

"Bakit may sinabi ba akong magpapaiwan ako? Wala naman 'di ba?" Inirapan nalang ako ni Yumi sa sagot ko.

Nang makarating na kami sa tindahan ng Ice cream. Nag tanong bigla si Cassy.

"Anong flavor gusto niyo?"

"Cookies and Cream." -Yumi

"Cookies and cream din." - Eithan

"Sige, cookies and cream nalang din akin. Ikaw Renz?" -Cassy

"Chocalate." Na tinutulan naman ni Yumi at inirapan pa ako.

"No, Cookies and cream."

"Chocolate."

Friendship Against Relationship Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon