Prologue

223 11 0
                                    

Paano nalang kung mayroong taong mag-aalok ng hiling na pagkakaibigan at tinanggap mo ito? Mapapaninindigan niyo kaya ang pagiging mag kaibigan na lamang o mas hihigit pa ito sa pagkakaibigan na maaring mauwi sa pag-iibigan?

Sa storyang ito malalaman mo kung ano ba ang tunay na kahulugan ng "pag-ibig at pagkakaibigan"

Ano nga ba ang mas mahalaga? Ang pagkakaibigan na iyong pinagkakaingatingatan? O ang pag-ibig na matagal mo ng ina-asam?

Sino nga ba ang pipiliin mo? Ang bagong kaibigan na nakilala mo ngunit tinuring mo na, na parang kapatid? O ang isang tao na naging kaibigan mo rin ngunit sa kasalukuyan ay ang nag patibok ng husto sa puso mo?

Pag dating sa pag-ibig hindi dapat puro puso lamang ang pinapairal. Dapat rin nating gamitin ang utak na nagdidikta ng tama at mali. At ang puso na nagsasabi kung sino nga ba ang dapat mahalin.

Ano na lamang ang gagawin mo kung ang dating taong kinaiinisan mo ay magiging kaibigan mo at magkakagusto sayo ng hindi mo inaasahan?

Pagtatabuyan mo na lamang ba siya o hayahayaan mo lang na makapasok siya sa buhay mo pati narin sa puso mo?

Sabi nga nila wala raw rason ang pag-ibig bigla nalang itong dumarating ng hindi namamalayan. Magugulat ka na lamang dahil bigla mo itong mararamdaman. Sabi rin nila walang makakapigil pagdating sa larangan ng pagmamahalan kahit ilang tao pa ang humadlang dito.

Paano kung ang pinakamatalik mong kaibigan ay mahulog o mainlove sa lalaking pinakamamahal mo? Handa ka bang magsakripisyo na itigil na ang nararamdaman mo para sa kaligayahan niya? O ipaglalaban mo parin ang isisigaw at itinitibok ng puso mo?

"Sachi Mayumi Zalavarria "- isang tahimik na tao, ngunit kalog pag kasama ang mga kaibigan. Maganda, matalino pero seryoso pag dating sa pagmamahal.

"Cassandra Yvonne Suarez"- maganda, mapangbara at tamad pag dating sa pag- aaral.

"Laurenz Llabres"- suplado, pero masayang kasama at higit sa lahat gwapo.

"Charles Eithan Lee"- gwapo, maharot pero pikon, hot at matakaw. Food lover kumbaga.




And the story begin......

Friendship Against Relationship Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon