Yumi's POV
Nandito parin sila Cassy sa bahay namin at naglalaro parin kami ng Truth or dare.
"Do you want me to be your friend too?" nagulat naman ako sa tanong niya. Kasi bakit niya pa tinatanong yun e gusto ko naman siyang maging kaibigan. Siya lang naman ata 'tong may ayaw. Halata naman na seryoso siya sa tanong niya.
"No." Deretso kong sagot.
"Ahh.. O..okay s..sige." nauutal niya pang sagot. Hindi pa kasi ako tapos e.
"Patapusin mo muna kaya ako Renz no? I don't want you to be my friend because I want you to be one of my bestfriends." Pagkatapos kong sumagot ay ngumiti naman siya.
"E bakit parang ayaw mo akong maging kaibigan? Kasi parang inis na inis ka saakin. Tsaka lagi mo nalang akong iniirapan." Halatang nagugulahan talaga siya.
"e paano nakakainis naman talaga e. Kala ko ayaw mo kaming maging kaibigan kala ko si Eithan lang ang interesado na maging kaibigan kami. Paano kase parang iisa lang expression ng mukha. Parang laging beastmode. Tapos nung pag umaalis kami hindi ka sumasama minsan." Derederetso kong sabi sa kanya. Na dahilan para mangiti siya. "Tapos ngingiti ka pa diyan?" Sabay irap ko sa kanya.
"Sorry naman, nahihiya lang talaga ako sainyo."
"nahihiya nga ba talaga?" Tanong ni Eithan sa kanya. Kaya sinamaan naman siya ng tingin ni Renz at sinuntok ito ng pabiro. Hindi ko sila maintindihan.
"Sige, simula ngayon promise ko sa inyo hindi na ako MAHIHIYA sainyo." Pinakadiin niya pa yung pag kasabi ng Mahihiya kaya naman napailing nalang si Eithan.
"Dapat lang." Sagot ko naman.
"Magkwentuhan nalang kaya tayo ano?" Singit naman ni Cassy.
"Tara na nga. Let's continue the game nalang. Umiiral na naman yung pagkamasungit nitong si Cassy."
"Tse." Tipid niyang sagot.
"Sige ako na ang magpapaikot." Sakto pag kaikot ko tumapat naman kay Eithan.
"Truth or Dare?"
"Truth nalang, truth naman kayong lahat e."
"Oh sige, eto tanong ko sayo. Easy lang 'to."
"Haha sige."
"Sino mas gwapo sainyo ni Renz?" Kaya napatingin naman at napaubo si Renz.
"Yumi? Ano ka ba naman? Kailangan pa bang itanong 'yan?" Yabang lang ah.
"Ano? Sagot nalang." Kaya sumagot nalang siya.
"Malamang ako. Hindi ba obvious?"
"Wow, taas na kompyansa sa sarili Eithan ah? E nagmumukha ka nga lang alalay pag ako kasama mo." Isa pa tong di Renz. Lumalabas na ang kabaliwan.
"Alalay? Ang gwapo ko namang alalay?" Nagtatawanan nalang kami ni Cassy dahil sa mga sinasabi ng dalawang 'to.
"Tama na nga iyan. Pareho lang naman kayong gwapo. Hwag na kayong magtalo. 'Di ba Cassy?" I said.
"Hahaha oo nga." Sabi naman niya habang tumatawa pa.
"Oo nalang." Epal pa ni Renz.
"Yehey! Tuloy ang agos ng buhay ng Fantastic four!" Cassy said.
"Fantastic four! I love you guys!" Sabay sabay namin sabi at nag group hug.
Nagkwentuhan pa kami at nagtawanan ng mag aya na silang umuwi dahil mag te-10:00 narin.
"Sige, Yumi una na kami ah. Good night." Sabi ni Cassy. Napagdesisyonan narin nung dalawa na sabayan maglakad ai Cassy hanggang makarating sila sa bahay.
"Sige, take care guys! Text me if you're at home na! Mwa mwa." Sabi ko sa kanila.
"Bye Yumi!" Sabay sabay nilang sabi.
Nanunuod lang ako sa sala ng biglang may dumating.
"Hi mom, Hello dad." Bati ko sa kanila sabay mano. Late na rin silang umuuwi dahil busy sa mga trabaho. Pero kapag day off naman nila lagi kaming nag bobonding.
"Hello anak, God bless. Mukhang may bisita ka ah?"
"Ah yes mom, actually kakaalis lang po nila."
"Sayang naman hindi namin na abutan ng daddy mo para makilala naman namin."
"Ayos lang mom, next time po pag may time kayo papakilala ko po kayo sa kanila. Ang babait nga po nila. 'Yung isa pa nga po kaaplido ni Gaile"
"Really anak? And speaking of Gaile. Kamusta na nga pala siya?"
Gaile is my bestfriend. Mag kaibigan kami nung bata kami. Kaya lang ngayon hindi ko alam kung nasaan siya. Kase pumunta sila ng ibang bansa ng magulang niya tsaka doon na siya pinag aral tapos hindi na kami nag kausap.
"hindi ko rin po alam. Wala na po kaming communication." Malungkot kong sabi sa kanya.
Bago pa man magsalita si mom nagtext na saakin si Cassy na nakauwi na siya. Nagreply nalang ako ng good. Sunod naman na nagtext saakin si Renz tsaka si Eithan. Ganon nalang din ang reply ko.
"Do you miss her?"
"Yes so much."
***
"Nasaan nga pala kapatid mo?" Mom asked.
"Ahm tulog na po e."
"Minsan nalang namin siya maabutan ng gising. Lagi nalang siyang tulog. Bago kami pumasok tulog siya. Pag dating naman namin tulog na din siya." She said while faking a smile.
"Mom, don't worry. We understand naman po. Tsaka po tuwing day off niyo lagi naman tayong nagbobonding lagi namang nasa amin attention niyo."
"Thanks for understanding anak. para sainyo/saatin din naman to. Tsaka yung bestfriend mong si Gaile. Babalik din yon. Sige na matulog ka na medyo late narin." My mom said.
"Sige po mom, Good night mom and dad. I love you." Si dad hindi manlang magsalita.
"Good night anak. We love you more."sabay nilang sagot.