Part 3.
Yssa's POV
"Yssa."
Lumingon ako sa tumawag sa akin.
Tumakbo ako. Kaya pala ako kinakabahan dahil makikita ko siya. Naramdaman kong humahabol siya sa akin. Lumabas na ako ng SM. Mabuti nalang stop light at nakatawid agad ako. Sumakay ako ng jeep na paalis na. Nakita ko siyang humahabol sa jeep pero shempre hindi na tumigil ang sinakyan ko.
Peste naman oh. Ngayon pa. Biglaan naman masyado o. Destiny, bakit ka naman ganyan.
Nakarating na ako sa sakayan papunta sa amin. Pero hindi muna ako uuwi. Gusto ko munang ipahinga ang utak ko at hindi ito makakpagpahinga sa bahay.
Pumunta ako sa simbahan. Malapit lang naman un sa bahay eh. kaya after dito, chaka ako uuwi.
"Bro, bat naman ganito? Sabi ko gusto ko siyang makita, pero nung nakita ko siya, tinakbuhan ko naman. Ang gulo ng utak ko. pati ang puso ko naguguluhan na. Ayoko po ng ganito. :( Ang hirap. Sobrang hirap."
Hindi naman kasi ako sanay sa ganitong mga sitwasyon eh. kakainis! Anong alam ko dito eh siya nga pala ung first boyfriend ko tapos hindi pa maayos ung naging relationship namin.
Lumabas agad ako. Pumunta ako sa may plaza. Tatawirin mo lang naman kasi.
Umupo ako sa isang side dun. Grabe, lover's plaza ata toh eh. Puro lovers. Kahit saang side ka tumingin. Kalat na kalat. :o
"Yssa."
O_O
Unti-unti siyang lumakad papalapit sa akin. Ialis niyo ako sa lugar na to. Ung mga paa ko, parang napako na sa kinatatayuan ko. Hindi ko magalaw.
Tofer: Yssa, I'm sorry.
At bigla nalang siyang yumakap sa akin.
Shemay naman o. Bakit ganito yung nararamdaman ko. :/ Magulo. Hindi ko maintindihan.
Yssa: Ba-bakit ka nagso-sorry?
Tofer: Kasi natakot ako. Natakot ako na kapag nakita kitang muli, masaktan kita ulit. Yssa, sorry.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kasasabi ko lang na ayoko sa mga ganitong moment eh. Destiny naman oh, napakamapaglaro mo.
Yssa: Paano mo nalaman na nandito ako?
Tofer: Kilala kita.
Toogsh! Kilala mo ko? Sana alam mo rin na nasasaktan ako sa ginagawa mo ngayon.
Tofer: At alam kong ayaw mo akong makita. Pero—
Yssa: Pero inaantay pa din kita. :(
Wala na. Tuluyan na akong umiyak. Shete talaga.
Niyakap ko nalang rin siya.
At sa yakap na yun, nafeel ko na sincere siya. Na gusto niya akong makasama. Na sana patawarin ko siyan. Na mahal niya ako.
Tofer naman eh. Kung ganito lang rin, sana hindi mo na pinatagal. Sana. Sana. Sana.
Yssa: Bakit? Bakit ngayon lang? :(
Tofer: Sorry, natakot ako.
Tengeneng takot yan. :|
Yssa: Tof-.
Tofer: Wag ka nang sumagot. Alam ko, duwag ako. Pero Yssa, ngayon alam ko na ang dapat kong maramdaman.
Di nalang ako sumagot.
Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap.
Tofer: Magkita tayo sa 24.
Yssa: ba-bakit?
Tofer: basta.
Yssa: Wala ako dito.
Umiwas ako ng tingin.
Tofer: Pupuntahan kita.
Yssa: Pero-.
Tofer: Basta magkita tayo. Nasa'yo pa ba ung singsing.
Inilabas ko ung kwintas ko. Pagkakita niya dun, napangiti siya.
How I missed his smiles. :')
Yssa: Si-sige.
Tofer: hatid na kita.
Yssa: Wag na. Kaya ko na.
Pinunsan ko ang mga natitirang luha sa mukha ko. Ngumiti ako, at sabay umalis. Di ko na siya hinantay magsalita pang muli.
Alam ko pagsisisihan ko ang magiging desisyon sa gagawin ko, pero ito siguro ang makakabuti.
BINABASA MO ANG
My Love Chance || COMPLETE
Romance[COMPLETE] Hanggang kailan mo pagbibigyan ang isang tao kahit ilang beses ka na niya nasaktan? Magpapakatanga ka pa ba sa pagmamahal o gigising ka sa katotohanan na masyado ka nang nasaktan at itatama mo na ang mga mali mo? My Love Chance Book 1.