Fav. Lines ng mga nanay

414 3 1
                                        

"High school ka pa lang, hindi ka mamatay kung wala kang lovelife."

"Ha? Niloko ka? Nagpaloko ka naman. Nung panahon ko nga, di ko pa alam yang love love na yan. Grabe na talaga ang mga kabataan ngayon."

"Absent ako nung tinuro yan, kaya wag ka magpaturo sakin. Tsaka para saan pa ang binabayad ko sa school nyo, kung di ka naman natututo?"

"Buti pa yung kapatid mo."

"Sumagot ka! *pag sumagot* aba! Sumasagot ka na?!"

"Ilang beses ko na ba sinabi sayo yun ha?! Napaka suwail mo talagang bata ka. ANG TIGAS NG ULO MO!"

"Wag mong sasayangin yang pera. Di yan tinatae ng papa mo."

"Ang laki ng baon mo ah? Eh nung panahon nga namin piso lang baon namin eh."

"Walang magagawa yang lovelife na yan para sa future mo kaya magaral ka muna."

"Subukan mo lang mag boyfriend, Mag impake ka na ng mga damit mo. Dun ka na tumira."

"Linisin mo yang mga gamit mo ah! Wala kang katulong dito."

"Pabili ka ng pabili, may pinatago ka bang pera sakin ha?"

"Matuto kang makunteto sa kung ano ang nasa harap mo. Ako nga noon, ulam namin tuyo at asin lang eh."

"Buti pa yung bestfriend mo, napakasipag at bait na bata. Di katulad mo."

"Kung mahal ka, ipaglalaban ka. Oh pinaglaban ka ba? hindi diba? edi hindi ka mahal. Simple as that."

"Aba. Sino 'tong lalaking 'to ha? Assignment lang tinatanong pero liligawan ka na nyan."

"Mas nakakatanda ka, kaya dapat alam mo na ang tama at mali."

"Di ka titigil?! Hahampasin kita ng tsinelas."

"Wag ka ngang umiyak dyan, Hindi sya kawalan. Wag mo iyakan yung mokong na yun. Gumaya ka sakin, Matino."

"Papunta ka pa lang, Pabalik na ako."

"Sumagot ka na, pag may ma-ipagmamalaki ka na saakin."

"Aba! lumalaban ka na?"

"Sinong Baby 'to, ha? Sus. Baby-tawan ka lang naman sa huli nyan."

GANITO BA NANAY N'YO? HAHAHA. PWES, DI KA NAGIISA.
Pero kahit na ganyan mga nanay natin, syempre mahal pa rin natin sila ~

HUGOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon