Chapter 4: The Confession

133 4 0
                                    

Matapos ang ilang linggo..

Tuloy-tuloy lang ang kasiyahan na nadarama ko araw-araw. Sa tuwing nakikita ko at nababasa ko lang ang text niya masaya na ako. Pero siyempre mas kompleto ‘yun kapag nakakasama ko siya. Diba?

Lunch time..

Habang magkasama kami ni Jestine sa garden..

At ako naman ay tulala, abala sa pagmamasid sa mga magkasintahan na magkasama sa paligid.

“HUY! Kausapin mo naman ako! Matapos mo akong i-text ha? Kanina ka pa tulala dyan!” Pasigaw na sinabi sakin ni Jestine.

At ako naman aliw lang na aliw at pinapatakbo ang aking imahinasyon..

Iniisip ko kasi paano kung ganyan kami ni Dexter. Alam mo yung feeling na gusto mo rin maranasan ‘yun kahit alam mo sa sarili mo na imposible yun mangyari? Habang si Jestine naman kinukulit na ako..

“Ano na ba nangyayari sa’yo?" Sabay tumingin sa tinitingnan ko.

"Ahh ikaw El ha? Ano bang tumatakbo sa isip mo at bakit parang aliw na aliw ka na sa mga tao sa Lover's Dwelling Place? Di tulad noon inis na inis ka." Sabi sakin ni Jestine.

"Wala lang, pansin ko lang na ganun pa rin ang sitwasyon ng “Lover’s Dwelling Place.” Sabi ko sa kanya.

"Asus? Talagang ibang iba timpla mo ngayon ah? At talagang pinapansin mo nang todo. Ba't mo naman nasabi?" Sabi sakin ni Jestine.

"Jestine, ano ba ang pakiramdam kapag ikaw lang talaga minamahal ng gusto mo." Tanong ko sa kanya habang ako'y tulala.

"Siyempre masaya, kasi hindi yan magsasawa magmahal sa'yo dahil feeling mo ikaw lang yung una't huling pag-ibig niya. Yung para bang ikaw lang yung prinsesa niya. Teka, Bakit mo naman natanong? Sabi ng curious na curious na si jestine.

"Wala lang, Curious lang ako." Padeny ko namang sinabi sa kanya.

"Weh? Ayaw mo pang aminin. In love ka lang eh." Mataray na sinagot sakin ni Jestine.

"Hindi ahh? Alam mo namang allergic ako dyan!" Padepensa kong sinabi sa kanya.

"Umamin ka El! Halata naman eh sa mga kinikilos mo pa lang nitong nagdaang linggo. Eh ganadong ganado ka at di mapalagay." Banat sakin ni Jestine.

"Porket ganadong ganado ba in love agad?" Pabiro ko sa kanyang sinabi.

"Oo, kaya wag ka na mag maang maangan pa." Sabi niya.

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. At ngumiti nalang ako.

I realized that even if how much you deny what you really feel inside, still actions can show what you really try to hide.

Wala eh ganun talaga. Hindi ko pa masyado maipalagay nararamdaman ko ngayon.

Lalo na'y komplikado pa ang lahat.

Ayun, Christmas Break na.

Nakakalungkot man isipin dahil hanggang text lang kami ngayong bakasyon. Maski kahit lumalabas ako ng bahay hindi ko siya natatanaw. Biglang nawala yung anino niya bakit kaya?

December 23, 2011

O kay sarap pakinggan ang mga batang choir na kumakanta sa simbahan. Eh, paano? 2 days nalang pasko na! Ansayaaa diba?

Dumalo ako sa ika-9 kong simbang gabi. Isang araw nalang makokompleto ko na siya. Alam mo yung feeling na kahit alam mo na puyat ka, gising na gising ka dahil alam mong malapit na makakamit yung wish mo. Ang wish ko lang kasi sana nasa mas lalo maging masaya ang lovelife ko. Siyempre, si dexter na 'yun. At sana ma maintain ko grades ko hanggang matapos exams.

Habang nasa kalagitnaan ng misa. Biglang nagtext si Dexter!! Tapos ako naman kilig kilig! Nabuhayan ako. Tapos binigay niya number ng kaibigan niya na nagngangalang Warren. Pagtripan daw at lokohin naming dalawa. Kala ko pa naman may sign na yung wish ko. Yung lang pala sasabihin niya. Kaya ayun go with the flow lang ako. Tapos nun di na siya nagreply. Nakatulog na yata? Saglit ko lang siya naka-text nun eh.

Hanggang sa matapos ang misa..

Di muna ako umuwi nun. Pumunta muna ako sa park malapit sa simbahan. Mag-isa lang ako sa bench nun. Eh, ayoko pang umuwi nun. Gusto kong pakiramdaman ang lamig ng hangin sabay ang magagandang christmas lights sa paligid.

Maya't maya.. May tumabi sakin na siyang kinakaba ko at sinabing..

"Nako, si saydie hindi pa umuuwi. Kamusta kaya simbang gabi niya?"

At ako naman tahimik at walang kibo. Hindi makapaniwala sa tono ng boses na aking narinig..

Alam kong kay BataDexter yung tinig na 'yun. Hindi na rin ako nakatiis.

Hinampas ko siya sa sobrang saya at sinabing..

"Huy, ba't alam mong nandito ako!?" Kilig kilig ako nyan.

"Di na mahalaga 'yun. Basta nakita kita ngayon." Sabi sakin ni Dexter

Tapos ako naman speechless lang. Andaya niya kasi eh. Alam mo 'yun? Di ko man lang napaghandaan sarili ko sa kanya. Pero ayos na rin 'yun.

Habang wala akong masabi sa kanya. Pinili ko nalang na humanap ng paraan para kausapin niya ako ulit. At napansin ko ang isang mamang sorbetero na dumaan sa aming gawing kanan.

At agad agad kong sinabi na..

"Uyy, bili mo ako ice cream!" Sabi ko sa kanya..

"Ha? Ice cream? Hindi ka ba man lang nilalamig ngayon?" Sabi ni Dexter

"Ihh, dali na." Paawa kong sinabi sa kanya.

"Wewew ka. Sige wait lang." Sabi ni Dexter

Grabe, hindi nanaman ako mapalagay sa sarili ko. Ginawa niya nga. WAAA!!

Bumalik na si Dexter dala ang dalawang sorbetes.

Napansin ko bigla yung flavor ng ice cream. Cookies 'n Cream! Paano kaya niya nalaman na 'to fave ko? Nako nako, nababaliw nanaman si El. Kumain ka na nga lang..

Napansin ko din na mukhang mas maganda yung apa ko kesa sa kanya. At agad kong tinanong sa kanya...

"Uyy, ang mahal naman yata ng apa ko sa apa mo? Andaya mo talagaa." Sabi ko sa kanya..

"Di bale na kung mahal yan. nAPA-ibig naman ako sa may hawak nyan ngayon." Banat sakin ni Dexter.

Yiieee! Kilig to the bones ako!! WAAAAHH

Ayun, nasundan pa din yun ng asaran at kulitan. Halos 2 hours na yata kami nag gaganunan. Ang ingay pa nga namin nun. Kahit pakonti na ng pakonti mga tao tuloy-tuloy pa rin.

Hanggang umabot sa punto na nabaliw na ako at inaantok na kaya binitawan ko ang mga seryosong linya a ito.

"Gusto kita." Sabi ko ng inaantok kong tinig.

"Ha? Inaantok ka na saydie. Hahatid na kita." Sabi sakin ni Dexter

"Gusto kita." Muling sinabi ko sa kanya 'yun.

At dahan dahan nang bumagsak ang ulo ko papalapit sa kanya. At siyang sinalo naman ng yakap

ni Dexter.

Inangkas ako ni Dexter habang ako'y hinahatid papauwi. At sabay kong sinabi sa aking sarili na.

"Bakit ganun sa tuwing nag-aasaran tayo at nagbibitawan tayo ng matatamis na salita paniwalang

paniwala tayo kahit hindi naman totoo. Pero bakit ganun, kung kailan seryoso na ako sa sinasabi

ko hindi ka pa rin naniwala."

At nakabalik agad akong nakabalik sa pag-tulog...

Say hello to my BMI

No Ordinary Love (On-going series)Where stories live. Discover now