Chapter 3: An Unexpected Invitation

153 4 0
                                    

December 11, 2011

Sunday morning!! Pagkagising ko cellphone agad ang hinahanap hanap ko. At isa si Dexter sa mga laman ng inbox ko. Ansayaa diba?

Nag-gm siya nung araw na iyon.

"Sino pwedeng kasama dyan? Samahan niyo ako magsimba."

Tas after ng ilang oras tinext ko siyaaa…

Reply ko "HAHA."

Tinawanan ko lang siya e ‘no? Papansin lang?

Sabi niya "Saydie, simba tayo."

Sabi ko "Sigee."

Kakilig naman parang gusto ko niya akong makasama. WAAA!!!

Sabi nya, "San ka ba?"

Sabi ko, "Sa phase ako. Text ka nalang mamaya pag aalis na tayo."

Excited ako na ewan nung mga oras na yun. Sa totoo lang gusto ko na nga umalis sa

kinalalagyan ko!! Ang chaka lang!!

Maya maya nagtext na siya "Tara na!"

Sabi ko naman "Sige."

Inisip ko nun na baka gusto niya ko makasama. Baka gusto niya ko makilala. Second option lang pala ko. Ayaw daw kasi siya samahan ng GF niya. OUUUCCCHHH

Pag dating namin sa simbahan, hindi siya tumabi sakin kasi nahihiya siya sa dalawa kong kaibigan na sinama ko. Sinama ko sila kasi medyo naiilang pa ko kay Dexter nun. Di ako mapakali nun, lingon ako ng lingon ng pasimple kaso ayoko naman mag-pahalata diba?

Tapos tinext ko siya..

“Bakit nasa likod ka? Kala ko ba sabay tayo magsisimba?” sabi ko sa kanya ng pakunwari

“Kasi may kasama ka eh. Nakakahiya.” Sabi sakin ni Dexter.

Na-realize ko na dapat pala di ko na sila sinama para sana tinabihan niya na ako. Ewan ko ba, first time lang kasi kami nagkita sa personal kaya natural lang ‘yun. Pero sayang talaga..

Hanggang umabot sa punto na tinabihan niya na ako!! WAAA! Lalong hindi ako napakibo nun. Tsaka ang tangkad niya pala. Ansabeehh naman ng height ko sa height niya. Kahiya naman..

Habang patuloy ang sermon ng pari, di ako naka-focus sa mismong sinasabi ng pari naka-focus ako mismo sa katabi ko e. Alam mo yun? Nagkakandarapa akong titigan siya ng pasimple pero di ko magawa kasi baka makahalata siya sakin. May anggulo talaga siya na kapag tiningnan mo ang cute niya lang. Habang siya naman, wala lang tahimik at seryoso sa sinasabi ng pari. Ang tanong nakikinig ba talaga siya or nagbabanal-banalan lang? Charr

At ito na talaga ang climax na pinakahihintay! Ang AMA NAMIN!!

Wala pa nga eh kinikilig na agad ako. Pero nakakalungkot kasi…

Hindi ko man lang nahawakan yung kamay niya kasi sobrang tangkad niya tas nakakahiya kung aabutin ko pa. Kaya ayun. Di lang talaga ako pinagpala sa height. Sana may next time pa ulit

Nang matapos ang misa..

Nagpaiwan na ako sa mga kasama ko para di na mailang si Dexter. Ayun para ma-solo ko siya.

Kaso biglang nag-ring yung cellphone ni Dexter at lumabas lang saglit..

Maya-maya..

Habang naghihintay ako sa donation area, lumapit sakin si Dexter at sinabing..

“Saydie, Mauna na ako inaantay na ako ni Aljean e.” Si Aljean yun yung GF niya na sinasabi ko.

Sayang naman dapat pala di ko na pinauwi mga kasama ko kung alam ko lang na aalis siya.. BITIN MUCH..

Habang ako’y naglalakad pauwi, talagang inaalala ko na ano kaya ang magyayari kung di ako nagdala ng kasama. Iniimagine ko talaga na kasundo ko na siya tuloy sabay na nagkkwentuhan at nag-aasaran tsaka ang pinakamasayang part nahawakan ko ang kanyang kamay. Di lang talaga ako pinagpala sa height. Eh kaso baliktad lang yung nangyari eh? Ibang-iba talaga pagdating sa text at personal. Atleast masaya na ako kahit papano dahil nakasama ko siya kahit saglit lang.

Naka-uwi na ako, dala ang sayang na nadarama ko nung araw na ‘yun.

Tapos deretso agad ako sa aking kwarto, yakap yakap nang mahigpit sa aking unan. Wala lang ang saya ko lang. Ewan ko ba? Tapos biglang narinig ko nanay ko sumisigaw mula sa nakasarang pinto at sinabing..

“El, Okay ka lang dyan?”

“Ayos lang ako ‘no?” pa ganun kong sinabi sa kanya.

“Sige, bumaba ka nalang dito kung ginugutom ka na.” Sabi ni mama sakin.

Tapos habang ginagawa ko ang aking mga homeworks, ginaganahan ako lagi. GOODVIBES e!

Ang sarap pala ng feeling kapag ganito. Hindi mo na maitanggi eh. Nandyan naman na kaya wala

nang dahilan para maging malungkot pa.

At hanggang sa matapos na aking mga gawain. Nag-vibrate phone ko. Nagtext si Dexter.

“Saydie, Maraming salamat kanina sa pagsabay sa pagsimba. Sa uulitin. Sorry nga pala kung

umalis ako kaagad.” Sabi sakin ni Dexter.

“Ayos lang sana ako naman kasama mo pag-aalis ka.” Oops! Joke lang binura ko ‘yun.

“Ayos lang. Salamat sa time mo. Sa uulitin din.” Sabi ko sa kanya.

At hindi pa nagtatapos usapan namin. Mas lalo pa kami naging close nung mga oras na ‘yun. Lalo na’t sa mga simpleng bitawan lang ng pick-up lines sa isa’t-isa kinikilig ako. Alam mo yun? Kahit pabirong banat lang feeling ko parang totoo lahat ng sinasabi niya. Ewan ko lang sa side niya ah? Pero sana ganun din nararamdaman niya.

Hanggang sa natulugan ko na siya..

May pasok pa kasi bukas ng maaga eh. Di ko tuloy siya na replyan.

“Uyy, Saydie? Nandyan ka pa ba? Goodnight. Sorry sa istorbo.” Sabi sakin ni Dexter.

Siguro nagising ako mga bandang 3:32 am at nireplyan siya..

“Sorry bata, natulugan kita. Bawi nalang ako tom. Sweetdreams!” sabi ko sa kanya.

Matapos ko siyang mareplyan, hindi na ako makabalik sa pagtulog dahil naisip ko nanaman yung nangyari sa simbahan. Di talaga ako maka get over. Arghhh! Matulog ka na El!

Di ko talaga ine-expect yung mga pangyayari kanina. MATUTULOG NA TALAGA AKO.

| > | I WAS ENCHANTED TO MEET YOUU.. :””>

No Ordinary Love (On-going series)Where stories live. Discover now