Chapter 6: Missing Shadow

107 2 0
                                    

Nangamba ako kung ano talaga nangyayari kay Dexter simula nung gabing 'yun.

Maging si Warren sinabi niya na wala na ring siyang komunikasyon kay Dexter..

Lumipas na ang ilang minuto, oras, araw, linggo at buwan ngunit wala pa ring dexter ang

nagpaparamdam.

Yung para bang lahat ng dapat na inaasahan ko mula kay Dexter napupuna yun ng unti-unti

ni Warren.

Sa tuwing nangangailangan ako ng mapapagsandalan nandyan lagi para sakin si Warren.

Ayun di pa rin siya tumitigil manligaw. At dito ko unti-unti na napag-alaman na seryoso nga

si Warren sa kanyang panliligaw. Yung tipong kahit anong simpleng bagay napapasaya niya

ako.

Isang araw sinundo ako ni Warren matapos ang aking klase..

"Kamusta naman school day mo?" Tanong ni Warren.

"Ito ayos lang. Pasensya na kung late ako lumabas. Di kasi maganda timpla ng dugo ng

teacher namin eh." Sabi ko sa kanya.

"Okay lang. Lagi naman akong naghihintay para sa'yo e." Banat sakin ni Warren.

Tas ako naman kilig-kilig. Hihi..

Maya-maya may nakasalubong kaming grupo ng mga babae tinititigan kami ni warren. At

siyang agad na ikina-ilang 'ko.

Girl 1: "OMG!! Siya ba 'yung nililigawan ni Warren?"

Girl 2: "Yes, it's her! Ang tagal na nga nanliligaw ni Warren eh. Wala pang nangyayari sa

kanila. HAHAHA."

Girl 3: "I think kaya di pa niya sinasagot si Warren kasi crush niya si Dexter."

At ako naman ay napa-head down. Dahil sa masakit na salitang narinig 'ko mula sa kanila.

"Wag kang magpa-apekto sa kanila. Basta maniwala ka lang sa sarili mo na wala kang

ginagawang mali." Sabi sakin ni Dexter.

Naaawa ako nung sinabi sakin ni Warren 'yun. Na-gguilty ako dahil hanggang ngayon mas

gusto ko pa rin si Dexter kesa sa kanya..

Alam mo 'yun? Nandyan na nga yung taong nagmamahal sa'yo pero pinagsisiksikan mo pa rin

sarili mo sa taong impossible kang mahalin. Ang gulo diba?

"Okay, nagugutom ako tara kain tayo." Sabi ko sa kanya.

"Sige. Yan lang pala gusto mo eh." Sabi sakin ni Warren..

Ayun napadpad kami sa isang fastfood chain. pansamantalang iniwan sakin ni Warren bag

niya dahil mag-oorder daw muna siya ng aming makakain.

Maya-maya. Nagriring cellphone ni Warren. Ayoko ko man pakialaman ngunit pumasok sa

isip ko na baka emergency call 'yun.

Matapos kong mabuksan yung zipper ng kanyang bag saka naman ito biglang nawala 'yung

ring. At ako'y biglang nagulat sa aking nakita sa kanyang cellphone..

"Miss call from Dexter."

Di ako makapaniwala sa aking nakita. At biglang pumasok sa isip ko na kung bakit

pinaniwala ako ni Warren na wala silang komunikasyon kay dexter..

In short, bakit niya ako NILOKO.

Dumating na rin si Warren..

"Tara kain na tayo. Alam kong gutom na gutom ka na." Sabi ng walang kaalam alam na si

Warren.

"Bakit nagawa mo sakin 'to?" *napapaluha* sabi ko sa kanya.

Agad na akong umalis ng restaurant at dumeretso papauwi..

Habang ako'y nakaupo sa aking kama. Iniisip ko na bakit kung sino pa yung tinuring mong

sandalan sa mga oras na malungkot ka. Sila din pala ang magiging dahilan kung bakit ka

malungkot..

Disappointed ako nang sobra sa kanya nun.. Kahit nakakailang text na siya..

"El, alam ko na kung bakit ka galit sa akin. Sorry. "

"El. Hayaan mo akong magpaliwanag sa'yo. Sorry na pls?"

"Sorry na. Sorry na."

Dinedma ko lang siya 'nun.

At mas lalo pa ako na-badtrip dahil sumunod pa ang mga text ng mga babaeng

nakasalubong namin ni Warren.

“Ano ang balak mo kay Warren? Paasahin?”

“Back-off girl! Di ka naman bagay kay Warren eh.”

“Masaya ka na ba sa ginagawa mo gurl?”

Magkahalong sakit ang aking naramdaman nung gabing ‘yun. Di ko malaman kung sang

lugar ako dapat luluha..

Inutusan ako ng aking nanay bumili ng ulam..

Habang ako’y papauwi..

Isang Dexter na masayahin ang aking nakasalubong at sinabing

“Hi.”

At ako naman di ko siya pinansin. Kasi nga super badtrip ako nung gabing ‘yun.

Habang nag-aayos ako ng aking higaan. Biglang nabuhay ang diwa ko dahil nag-text si

dexter..

“Hi. Saydie!” Sabi ni Dexter

“Hello.’ Reply ko sa kanya

“Bakit ganyan lang reply mo?” reply ni Dexter

“Wala lang. Nevermind.” Reply ko.

“Aw, bakit ka ganyan? Ano ang dahilan?” reply ni Detxer

“Kasi eh si Warren.. huhu.” Reply ko sa kanya.

“Alam ko na kung bakit ka galit kay Warren.” Reply niya sakin.

“Anong ibig mong sabihin? So alam mo pala talaga?” Reply ko.“Kasi ganito yan. Nalaman ni

Aljean na naging close tayo. Yung gabing ‘yun umalis ako dahil nalaman niya na nasa bahay

niyo ako. Sobrang galit siya sakin nun kaya di ko nagawang makapagpaalam sa inyo. Ayun

pinapalayo niya ako sa’yo.” Sabi niya.

“Eh ano ang kinalaman dun ni Warren?” Reply ko.

“Ganito kasi ‘yun. Nagbilin ako kay Warren nung gabing ‘yun na siya muna bahala sa’yo

habang ako’y dumidistansya at wala sa piling mo. Utos ko rin sa kanya na palabasin na wala

kaming komunikasyon nang sa gayon hindi mo ako masyado isipin. Kaya wag ka na

magagalit kay Warren.” Paliwanag niya

“Ihhh. Ayoko pa naman yung masyadong nagpapamiss. Bata naman ihh.” Sabi ko sa kanya.

“Tama na saydie. Nandito na ako oh?” Reply niya.

Mula nang gabing ‘yun. Naliwanagan na rin nang lubusan ang aking isip at damdamin. Yung

para bang siya lang talaga ang nakapaghilom ng sugat sa aking puso.

Ayun balik ulit kami sa dating estado magka-text all day, all night. <3

No Ordinary Love (On-going series)Where stories live. Discover now