Natigil ako bigla sa ginagawa ko ng may narinig akong katok. Dali-dali akong tumakbo at binuksan ang pinto nabigla ako nang si Drillan ang nakita ko.
"Masyado ka atang maaga?" - tanong ko kay Drillan na nasa labas napansin kong bigla siyang napatulala . Napaayos naman ako ng buhok dahil nakakaasiwa ang mga titig niya sakin nakakahiya pa ang ayos ko ngayon, ang gulo-gulo ng buhok ko . Nakasuot lang kasi ako ng kamison at naka-shorts.
Naglilinis kasi ako ng kwarto ko ngayon 'yung mga files na dala ko kagabi nakakalat . Pinapasok ko na si Drillan sa loob at iginiya papunta sa sala.
"Saglit lang may tatapusin lang ako" -paalam ko sa kanya"Okay,take your time"- sabi niya saka umupo sa sofa inabot niya ang remote ng TV at inilipat sa ibang channel .
Habang naglilinis kasi ako nakabukas na ang TV may inaabangan kasi akong teleserye kahit hindi ko naman nakikita kung ano na ang nangyayari at least naririnig ko sila. Bumalik na ulit ako sa kwarto ko at inayos ang natitirang kalat. Pagkatapos kong maglinis ay nagshower ako saglit. Naligo na ako kanena kaya lang nalalagkitan ako sa katawan ko.
Inabot ko ang robe na nakabit malapit sa shower curtain at sinuot 'yun. Lumabas na ako sa shower room ng mapansin kong nakabukas na ang pinto ng kwarto ko.
"Ay, Palaka!!" sigaw ko ng nakita ko si Drillan na nasa kama napatingin naman siya sa akin kaya napatakbo ulit ako sa loob ng banyo.
"Drillan naman e! ba't pumasok ka?!" - sigaw ko habang sapong-sapo ang dibdib ko parang gustong lumabas ng puso ko dahil sa gulat.
"Sorry Babe, hindi ko naman inakala na naliligo ka pala" - narinig kong sabi niya.
Nakarinig naman ako ng yapak na papalabas sa kwarto at isinara ang pinto. Binuksan ko ang pinto ng banyo just enough na makakalabas ang ulo ko para tignan kung nandon pa ba siya. Napahinga naman ako ng maluwag ng hindi ko na siya nakita sa loob . Lumabas ako sa shower room at pumanhik sa kama. Natampal ko ang noo ko ng nakita ko ang mga damit na sana ay susuotin ko. Kasama na din 'yung underwear ko. Nag-init naman ang pisngi . Napansin niya kaya 'to? Nakakahiya!!
Nagbihis na lang ako naalala ko kasi bigla na lalabas pala kami ngayon. Pagkatapos kong mag-ayos, nanalamin ulit ako sa full lenght mirror na nasa kwarto. Sinisigurado ko lang na maayos 'yung damit ko. Nakasuot kasi ako V-neck white shirt at boyfriend jeans. Kinuha ko na ang bag ko at isinuot at ang black ballet flats saka lumabas sa kwarto. Hinayaan ko nalang na nakalugay ang buhok ko. Ang alam ko hindi naman kami pupunta sa isang fancy restaurant ewan ko kung saan niya ako dadalhin. Pagakalabas ko sa kwarto busy pa din siya sa panunuod ng TV. Napangiti naman ako. Nanonood siya ng soccer game sa TV.Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Hindi man lang ako pinansin tutok na tutok pa siya sa laro. I leaned towards him and gave him a quick kiss on the cheek at doon na nabaling ang atensyon niya sa akin.
"You miss that?" - tanong ko sa kanya sabay nguso sa TV. I remember nung nasa college pa kami mahilig siyang maglaro ng soccer. Minsan isinasama pa niya ako sa mga laro niya para may inspirasyon daw siya at ganahan siya maglaro at 'yun nga naging cheerleader niya ako sa lahat ng laro.
"Kinda' , Are you ready?" - tanong niya sa akin. Inipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa tenga.
"Yep, Saan ba tayo pupunta?" - tanong ko
"Basta.." - sagot niya saka hinila ako sa batok at hinalikan ang noo ko.
--oOo--
Naiinip na ako sa byahe namin kanena ko pa siya titanong kung saan kami pupunta pero ngiti lang sagot niya. Halos thirty minutes na kaming bumabyahe hindi talaga siya umiimik.
"Bakit ang tahimik mo?" - tanong ko sa kanya ni hindi naman niya ako pinansin kaya napasimangot ako. Naninibago ako sa kilos niya ngayon hindi naman sya ganito e. Naubusan na ba siya ng kwento? After 15 minutes nakarating na kami sa lugar na sinasabi niya.

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
Teen FictionWhat will you do.. If the man that you loved once will come back?? the man who.. once played your heart and your trust.. the man who brought you to a tragic scene in your life?? will you forgive him?? And love him again??