FL chapter 1

1.1K 16 1
                                        

Krista's POv


Ilang gabi na din akong walang tulog simula ng mangyari yun. Ang pagtatapat niya mahal niya pa rin ako at ang pagkakasaksi ko na nasaktan din siya dahil sa pagtataboy ko sa kanya. Ilang araw na ang nakalipas parang nakalutang lang ako sa hangin, palaging wala sa sarili at minsan naman umiiyak ng mag-isa. Hindi na din ako umuwi sa bahay kung saan nanun si Mommy. Dun na  ako tumutuloy sa condo ko na malapit lang din sa office. Ayokong makita ako ni Mommy na nagkakaganito ulit. 


TOK TOK TOK


nagitla ako ng may kumatok , siguro si Mama na 'to .. Nakatanggap kasi ako ng tawag galing sa sekretarya ko kanena na dadating si Mama sa office ko.

Tumayo ako  at agad nagtungo sa may pintuan pagkabukas ko ng pinto .. 

tama nga ako , si Mama . Bakas sa mukha niya ang pag-aalala, medyo maitim na din ang ilalim ng mga mata niya. Bago pa ako makapagsalita niyakap na niya ako at umiyak na siya. Niyakap ko din siya.


"Krista, are you okay? Bakit hindi ka na umuuwi? May problema ka ba?" - tanong ni Mama habang hinahaplos ang mukha ko. Binigyan ko lang siya ng ngiti bilang sagot. 


"Ma, I'm okay .. medyo stress lang talaga ako sa trabaho dito sa office e " -pagsisinungaling ko.


Ramdam ko namang medyo napanatag si Mama kaya pinaupo ko muna siya at ginawan ko siya ng tea. Nagkwento si Mama tungkol sa mga business partnership namin , mga investor at tsaka iba pang bagay na related nito hanggang napunta ang pag-uusap namin sa isang bagong negosyo. Ang perfume shop nasa America ito  at sabi niya kailangan may mag manage nun. 


"Maybe you can go there anak, Para naman makapag-relax ka kahit sandali pagkadating mo dun, Don't worry nandun naman si Tita Rowina to guide and assist you siya kasi ang pangsamantalang naghahandle sa kabubukas pa lang na perfume shop siguro matutuwa 'yun pag nakita ka niya " - medyo nakangiting sabi ni Mama


Nagdadalawang isip ako. Kung pupunta ako dun paano naman ang business namin dito? Hindi ko din kayang iwan si Mama.


"Ma, pag-iisipan ko muna yan.." - sagot ko

"If you're thinking about our business here. Don't worry anak kaya ko namang ihandle ito *smiles* Ang gusto ko lang naman makalimot ka sa nangyari and anak .. " kinuha niya ang kamay ko at pinisil

"Gusto kong makita kang masaya .. Ayokong nakikita kita dito na nagpapakasubsub sa trabaho, You're not even entertaining your suitors.. " 

I smile when I heard the word "suitors" 

seriously? 


"Ma, Gusto mo na bang magka-apo?" - tanong ko na medyo natatawa kay Mama

"Anak, I'm not in the hurry naman, agad-agad gagawin mo na akong Lola?" 

I laughed.. First time kong narinig na nagsalita ng ganyan. Nahinto lang ako sa pagtawa nang mapansin kong titig na titig siya sa'kin.

"Is there a problem Ma?"

"That's the reason why .. Gusto kung makita kitang ngumingiti at tumatawa just like when you have him.."


Him.. She's referring to Drillan.  

Bakit ganun ba talaga ako kasaya nun? If you only knew Mama ..

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon