Two

4 0 0
                                    


Nakatanggap ako ng message from Jam Isang nakakairitang mensahe pero magandang hakbang kahit papaano.

Excited akong makarating sa school. Kasi may bitbit akong dahilan para lumapit kay Aster. Excited ako sa idea na kakausapin ko siya. Kahit pa dinudurog ako ng mga katagang sasabihin ko sa kanya.

Diretso na ako sa building nila. Gusto kong simulan ang araw ko ng maganda, by seeing her first.

My steps seems like music to me together with the voices of the students in the hallway. All because I am on my way to her. And I heard a voice singing :


♫♩♬♫♩♬♫♩♬♫♩♬♫♩♬♫♩♬♫♩♬♫♩♬♫♩♬♫♩♬

In a world where everybody hates a happy ending story

it's a wonder love can make the world go round

But don't let them bring you down and turn face into a frown

You'll get along with a little prayer and a song "

♬♫♩♬♫♩♬♫♩♬♫♩♬♫♩♬♫♩♬♫♩♬♫♩♬♫♩♬♫♩



  And I knew very well that the voice was hers.  

And I was so in love that my legs feels so heavy at pakiramdam ko ay natunaw nalang ako bigla. Pansamantalang tumigil ang ikot ng mundo ko at nagpatuloy lang ito ulit when I felt the weight of her stare. God knows how I so long to have those eyes stare at me like that. How I so long to have those lips curve that way for me.

"James.." sambit niya.

And all I can think about is how I longed for that voice to speak my name. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Wala akong ibang marinig kundi ang alingawngaw ng boses niya. This is so crazy I could just laugh my ass out but I don't have the strength to do so.

"James.. sinong sadya mo? Okey ka lang ba ?"

"Ay oo naman.. Ako pa ba. may pinapasabi kasi si Jam pero nakalimutan ko kaya hinahalungkat ko muna sandali sa memory ko."

Kung alam niya lang sana kung gaano katindi ang kagustuhan kong wag nalang sabihin kung ano man yun. Sana talaga nawala nalang ng tuluyan sa memorya ko. Sana sumama na sa nakain ko kanina at na-digest na ng tuluyan.

"Loko oh.. sige. Gusto mo bang ipagtimpla nalang muna kita ng kape? Para kape-kape muna tayo habang hinahalungkat mo yan."

"Sige ba. Para sabay tayong magising sa katotohanan"

I know that was meant to be a joke pero nahihirapan akong sakyan..

"Hahahaha.. bakit ? Nababalot ba tayo ngayon ng kasinungalingan?"

"Hindi.. loko lang.. Hahahaha" at nakitawa nalang din ako.

Hindi nakakatawa pero nakitawa nalang din ako. Hindi nakakatawa kasi totoo. Totoong nababalot kami ngayon ng kasinungalingan.

"Ay eto na. Pinapasabi ni Jam na mawawala siya ng three days. May pinapaasikaso ang Mama niya sa kanya, sa province daw. Hindi ka na niya natawagan kasi ayaw daw niyang ma-disturb ka sa pag-aaral mo para sa exam. Babalik daw siya agad pagkatapos. At.. walang signal doon kaya there will be no means of communication for the both of you muna."

Nakita ko kung paano siya nalungkot sa sinabi ko. At kailangan kong sanayin ang sarili ko na makita siyang ganun. Because I know na simula pa lang iyon at marami pang darating. And I am preparing my shoulders.

Tanga na kung tanga. Baliw na kung baliw. Sinungaling na kung sinungaling. Pero kailangan kong tiisin ito dahil kahit pa gusto kong maging masaya hindi pa rin naman ako ganun ka-selfish para putulin ang karapatan ni Jam na sumaya kahit na sa kaunting panahon. Kaya hinahanda ko nalang ang sarili ko sa katotohanang masasaktan ang mahal ko dahil hiningi ng panahon na sumaya ang kaibigan ko sa huling panahon ng kabataan niya.






Struck Me DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon