11. Born Of The White Rabbits

39 1 2
                                    

ANDY'S POV

Nagising ako ng sya ang katabi ko.Sinilip ko ang mga damit namin na nagkalat sa sahig pagkatapos ay sinilip ko ang katawan ko sa ilalim ng kumot…Tuluyan ko na talagang binaboy ang sarili ko.Hindi ko akalain na ibibigay ko ang sarili ko sa lalaking nirerespeto sa school na pinapasukan ko.Pero wala na kong paki kung ano man ang gawin ko sa katawan ko…Kasalanan nila…Sinira nila ang pagkatao ko!Pati respeto sa sarili ko wala na!…Pero hindi ako papayag sisiguraduhin kong magbabayad sila!

"At ikaw ang tutulong sakin…"

Bulong ko sa kanya at hinaplos ang pisngi nya.Napangisi na lng ako.Wala akong mapapala kung patuloy akong iiyak.Tama na! Ayoko ng maging mahina…Walang lugar sa mundong to ang mahihina.Sa mundong to…Ang mahihina ang kawawa at ayaw ko na maging kawawa dahil sisiguraduhin ko simula sa araw na to ako ang mangangawawa.

Tinanggal ko ang kamay nya na nakapalupot sa bewang ko at sinuot ang mga damit ko na nakakalat sa sahig.Gumala ang paningin ko sa buong kwarto…Hindi ko akalain na ganto pala sya kayaman.Sa kakatingin ko sa mga gamit nya hindi ko napansin na nagising na pala sya.Niyakap nya ko sa likuran ko.

"Gising ka na pala…Bakit di mo ko ginising?"

Inaamoy amoy nya ang leeg ko.Napangisi na lng ako.

"Bakit kailngan pa ba?" malamig kong sabi

"Sila Tanya…anong ginawa nila sayo?"

Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sa likuran ko at hinarap sya.Binigyan ko sya ng isang malamig na tingin.Kailngan kong maging matapang…Ayaw ko ng umiyak…Ayaw ko ng maging mahina.

"Gusto mo ba talaga malaman? Binaboy lang naman nila ako…Pagkatapos nila akong isa isa galawin tinapon na lng nila ako na parang pusa…" mapait kong sabi

Nakita ko yung biglang pagbabago ng aura nya.Natakot ako sa pag iiba ng mukha nya.Para syang naging isang halimaw.Halimaw na handa ng pumatay…Malayo sa pagkakilala ko sa kanya.

Lumabas sya sa kwarto at sinundan ko sya.Nakita kong pumunta sya sa kusina at kumuha ng kutsilyo! Nakita ko ang pagdidilim ng paningin nya. Maya maya ay may nag doorbell sa pintuan…natigilan naman sya at binuksan ang pintuan pero tinago nya ang kutsilyo sa likuran nya.

"May delivery po kay---"

Akala ko kumalma na sya pero laking gulat ko ng sinaksak nya ang delivery boy.Hinatak nya to papasok sa loob ng bahay at doon sinaksak ng sinaksak.

"HAHAHAHAHA!"

Napako ako sa kinatatayuan ko.Kitang kita ko kung paano nya patayin yung lalaking nasa sahig.Tuwang-tuwa pa sya habang ginagawa nya yun.Ang rami ng dugong tumatalsik sa mukha at damit nya pero hindi  pa rin sya natigil.Napatingin sya sakin at inabot ang kutsilyo…

"Ikaw naman…Masarap makakita ng dugo Andy diba?"

Seryoso nyang sabi.Nanginginig akong inabot ang kutsilyo na puro dugo at tinignan ito.

"Gawin mo na Andy! Isipin mo lahat ng masasamang ginawa sayo…Punuin mo ng poot ang puso mo!"

Inisip ko ang sinabi nya.Naalala ko nanaman ang ginawa nila sakin! Mga hayop sila! Mga walang puso!

"MGA HAYOPPPP KAYO!"

Galit na galit kong sabi at pinagsasaksak ang lalaking duguan na at wala ng buhay.

"MAMATAY NA KAYO! HAHAHAHA!"

Tinusok ko ang kutsilyo sa ibat ibang parte ng katawan ng lalaki.Sa mata,sa dibdib,noo,bibig at marami pang iba.Di ko akalain na ganto pala kasaya pumatay!

"Andy masaya ba?…Sabi ko sayo magugustuhan mo eh"

Tumayo ako at pinunasan ang mukha kong puno ng talsik ng dugo.Napangisi ako…

"Naamoy ko na ang saya ng paghihiganti!"

Napangiti naman sya at hinalikan ako.Napatingin naman kaming dalawa sa bangkay pagkatapos…

"Sa tamang panahon magagawa mo din sa kanila yan…at pangakong tutulungan kita!"

Napangiti ako sa kanya.Hinatak nya ang bangkay at pinagpuputol ang parte ng katawan nito.Tinapon nya ang katawan nito sa basurahan at nilibing sa likod ng bahay.Ako naman ay nilinis ang dugo na naiwan sa bahay nya parang walang bakas.Maya maya ay tinawag nya ako dahil may ibibigay daw sya sakin.Pumunta kami sa parang bodega at may kinuha syang isang maskara…Maskara na parang kuneho.

"Para saan to?" tanong ko sa kanya

"Kunin mo na yung isa…Sakin naman yung isa! Walang dapat makilala sayo Andy at ganun na rin sakin…"





Sinuot ko ang maskara…








"Humanda na kayo…Dahil kakatakutan nyo ang maskarang ito…Maskarang papatay sa inyo"

~JazmineBygail

Vote, Comment, And Be A Fan :)

"EKDIKISI"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon