01. The New Transferee

75 3 2
                                    

Masarap nga bang Mabuhay?...

Sana Di na lng ako pinanganak sa mundong to...

Mundo na puro Kasinungalingan... Karahasan... at Kasakiman...

Ano bang ginawa ko sa kanila?

Sana pinatay nalang nila ako ng tuluyan para di ko nararamdaman tong poot sa puso ko ngayon... Kung sana Tuluyan nalang ako nawala... At nabura sa mundong to ...

Edi sana kahit papano di ko lahat to nararanasan!... Galit at paghihiganti na bumubuo sa pagkatao ko ngayon...

Sisiguraduhin kong mararanasan nila lahat ng pagdudusa at sakit na nararamdaman ko... Pagbabayaran nila lahat ng dinulot nila sa buhay ko... Pagbabayaran nila...


~JazmineBygail

Vote, Comment, And Be A Fan :)

ANDY'S POV

Ramdam ko ang ibat-ibang mata na nakatingin sakin.Mga matang mapanghusga at nakakatakot.Mga matang na para bang isang agila na hinihintay na dagitin ang kanilang biktima.

"A-Ako s-si A-andy Reyes... 16 Na taong gulang at s-sana maging m-m-magkaibigan t-tayong lahat..."

Napayuko ako at Natakot sa mga tingin nila.Nakakatakot ang presensiya nila.Para bang ayaw nila sa isang katulad ko... Sa katulad kong baguhan sa paaralang ito.

Pinaupo na ako ng guro sa pinakalikod na bakante ng upuan at nagsimula na syang magturo.Hindi ako makapag concentrate.Maraming nagbubulungan habang tinitignan ako.

"So,What is Physics?" Tanong ng bago kong guro sa lahat ng klase.

Walang nagtaas...

"Diba sinabi ko na to sa inyo kahapon? wala man lng ba nag aral kahit isa sa inyo?" inis na sabi ng aming guro

Tinaas ko ang aking kamay...

"Yes Ms.Reyes?"

"P-Physics is a brach of science that deals with matter and energy and the way they act on each other in heat,light,electricity and sound"

"Very Good Ms. Reyes! Buti pa si Ms.Reyes kahit na Transferee may alam..." sambit nya na medyo naiinis at humarap sa pisara.

Makalipas ang isang oras ay natapos na ang aming talakayan.Lumabas na ang aming guro at Nag-iwan lamang sya ng ilang takdang aralin na nakalagay sa pisara.

LunchBreak na...

Kinuha ko ang dala kong pagkain at inilabas ito. Sabay lapit naman ng apat kong kaklaseng babae.

"Hello Andy!...What's your baon?" Maarte nyang sabi

"A-ah eto?...Isda at kanin tsaka isang kamote..."

Napayuko ako ng bigla silang magtawanan.

"Hahahahahaha!" tawa nilang apat

"ATTENTION GUYZ!TIGNAN NYO BAON NYA OH? NAPAKA-EWWWWW HAHAHAHA!"

Agad naman lumapit lahat ng kaklase ko at kinuha ang baon ko at pinaghahagis nila ito.

"Wag!Tama na!Wala akong kakainin!"

Hindi nila ako pinansin at pinagtatapakan nila ang baon ko lahat...Wala akong magawa kundi umiyak...

Lumapit sakin ang isang kong babaeng kaklase na dahilan ng pagkalaro ng pagkain ko.

Tinignan ko lng ito na halos mangiyak-ngiyak at parang nagmamakaawa.

"Ohhhh look at you! By the way i'm Tanya... and welcome to GeorgeTown Academy... witch! hahahaha!"

Pinulot ko ang natapon kong pagkain at inimis nalang ito habang naiyak.Tinapon ko nalang ito at tiniis ang gutom na nadadama ko hanggang sa matapos ang buong klase ngayong araw.

"Okay class Goodbye!" Paalam ng huli naming guro

Kinuha ko ang gamit ko at naglakad...
Palabas na sana ako ng pinto ng hindi ko namalayan na may paa palang nakaharang sa dadaanan ko at ako'y natisod.

"Ooopppssss! Sorry weirdo!...Hahahah!" sabay alis nila papalabas ng pintuan

Narinig ko nanaman ang nakakabingi nilang tawanan na sinasabi na isa akong talunan!

"Want some help?" tanong ng isang lalaki sakin na mukhang kaklase ko rin

Inabot ko ang kamay ko pero nagkamali ako...

"Hahahah ano ka? chicks?" Tawa nito ng malakas at bawi ng kanyang kamay

"Hahaha oh come on Jake! Tara na nga! Mag ba-bar pa tayo ng tropa!...hayaan na natin yang loser na yan!..." sabi ni Tanya na nandidiri ako tignan

Tumayo nalang ako at hinintay sila makaalis.Hanggang sa di ko napigilan ang pagtulo ng luha ko...

Ganto ba kasasama ang mga kaklase ko?!?


Napayuko nalang ako at umalis na papalabas ng paaralang ito...

"EKDIKISI"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon