05. Betrayal

22 2 0
                                    

ANDY'S POV

"Diba sya yung natakbo kahapon sa campus?...nakakahiya pumasok pa sya"

"Oo nga eh..."

Narinig kong bulungan ng ilang estudyante di ko na lng ito pinansin at binilisan na lng ang lakad papuntang room.Pagkadating ko sa room...

"Oh..." Sabi ni Tanya

Nagulat na lng ako sa pambabaliwala nito sakin...Nakakapanibago.Dati araw araw nalang nila ako napupuna pero ngayong parang kakaiba...Mas mabuti na rin siguro ito.Umupo na lng ako sa upuan ko at maya maya ay tinabihan ako ni Jena.Nginitian nya ako at ganun din ako sa kanya...

"K-kamusta ka na?..." tanong nya

"Ayos lng naman" tipid kong sagot

"Ah ganun ba?... P-p-pwede b-ba kitang..."

Parang napansin ko na nag aalangan sya sa sinasabi nya napatingin sya kay Tanya at ngumiti lng si Tanya sa kanya...Bakit ganun? Parang may kakaiba...

"A-a-ahmmmm...Pwede ba k-kitang imbitahan mamaya sa b-b-birthday ko?"

Napayuko sya pagkatapos nyang sabihin yun.

"San ba gaganapin?"

"Ah...Eh...sa bahay ko..."

Napansin ko na parang nag aalangan sya...Ano bng meron sa kanya ngayon?

"Ok"

Ngumiti na lng ako at binaliwala ang kinikilos nya.

"Sge...sabay nlng tayo mamaya"

Napansin ko na nakatingin lng samin ang grupo nila Tanya habang mga nakangisi...Kinilabutan naman ako sa presensya nila.

"Sge Andy balik na ko sa upuan..."

Bumalik na sya sa upuan nya at iniwan na kong mag-isa.Dumating naman ang guro namin sa English,Si Ms. Velasquez at nagturo sya about sa Gerund.Lahat naman ay tahimik na nakikinig sa kanya at walang nag iingay siguro ay dahil istrikta ito at nakakatakot magalit.Maya-maya naman ay nagbigay ito ng maikling pagsusulit at binigyan lng kami ng sampung minuto para magsagot.Pagkatapos nyon ay pinasa na namin ito...Sinabi ang aming mga score at ako ang nakakuha ng pinakamataas,Agad naman ako nasiyahan dahil dito.

"Very Good Ms.Reyes..."

Napangiti nlng ako pero agad yun nawala ng napansin ko na nakatingin sakin ng masama ang grupo nila Tanya...

Ng matapos ang maraming subject namin ngayong araw ay agad naman na lumabas lahat ang aming mga kaklase...Nagtaka ako ng nagmadaling umalis sila Tanya.Dati kasi hindi sila uuwi hanggat di nila ako inaasar eh...Nakakapanibago talaga.

"Tara na?" Yaya ni Jena

Sabay kaming naglakad papunta sa labas ng school...Pagkatapos nyon ay pumara kami ng jeep at sumakay dito napansin ko na parang tahimik lng sya at kinakabahan sa buong byahe...Pero di ko na lng ito pinansin.

"Panyo oh..."

Inabot ko sa kanya ang panyo ko para mapunasan nya ang mukha nya na parang pawis na pawis na...

"Salamat..." ngumiti sya na parang alanganin

Maya-maya ay nagpara na sya...

"Para po!" sabi nya

Bumaba kami sa kanto ng isang Subdivision.Habang naglalakad kami ay tahimik lng sya at walang imik.Sinubukan ko naman syang kausapin pero parang di nya naririnig ang sinasabi ko...

"O-ok ka lng?"

Pero di nya ito pinansin...Hindi na ko nagsalita pa at sinundan na lamang sya.Maya-maya ay nakarating na kami sa pupuntahan namin...

"Nandito na tayo..." sambit nya

Tumigil kami sa isang malaking bahay... Maganda ito at kapansin-pansin na mayaman ang may-ari nito...Sa kanila ba talaga to? Bakit parang ang tahimik ng bahay? Parang unti lng ang tao...May kasiyahan ba talagang nagaganap sa loob nito?

Pumasok kami sa loob ng bahay...Maganda ang loob nito at mukhang mamahalin ang lahat ng gamit dito.

"Akala ko ba kaarawan mo? Pero bakit parang tayo lng ang tao dito?"

Kinabahan ako bigla...Parang may mali sa mga nangyayari!

"S-sorry Andyyy"

Hindi ko sya maintindihan.Bigla na lng syang umiyak at niyakap ako ng mahigpit...Ano bang nangyayari?

Bumitaw ako sa pagkakayakap nya at tinanong sya ...

"Ano bang nangyayar---"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang nakaramdam ako na parang may pumukpok sa ulo ko...

Nahihilo ako ...


Unti-unti ng nagdilim ang paningin ko at hindi ko namalayan na nawalan na pala ako ng malay...

~JazmineBygail

Vote, Comment, And Be A Fan :)

"EKDIKISI"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon