07. Missing

36 3 2
                                    


JENA'S POV

Kasalukuyan akong nakaupo at hinihintay si Andy sa pagpasok.Sobra akong nakonsyensya sa ginawa ko sa kanya,Gusto kong humingi ng tawad sa kanya…Pero Paano?… Pakiramdam ko ang sama sama kong tao! Haaayyyy…

Lumapit ako kay Paulo dahil wala pa sila Tanya at sya muna ang tinanong ko tungkol kay Andy.

"Paulo? Asan si Andy?" tanong ko sa kanya

Nakita ko naman syang tulala at parang balisa…

"Hindi ko alam!" bigla nyang sagot at hinampas ang upuan nya ng malakas

Umalis na lng ako at agad na bumalik sa upuan ko.Asan na kaya si Andy? Natatakot ako na baka may ginawang masama sila Tanya sa kanya… Wag naman sana.

"Uyyyy Jena! May sagot ka na sa ass. Natin sa Filipino? pwede pahiram ng notes mo?" tanong sakin ni Jane

Kinuha ko naman ang Filipino notebook ko at inabot sa kanya

"Eto oh…"

"Salamat!"

Agad naman kinopya ito ni Jane. Maya maya ay nakita ko sila Tanya,Mika,Erald at Trish na sabay sabay pumasok at ngumisi sakin… Sumunod naman nito ang pagpasok ng aming Principal kasama ang isang matandang babae at matandang lalaki…

"Okay everyone Goodmorning… May gusto sana kumausap sa buong klase nyo!"

Tumahimik ang buong klase at natuon ang atensyon sa dalawang matanda…

"Ako si Melinda Reyes nanay ni Andy …Gusto lang namin malaman kung mayroon ba nakakita sa anak kong si Andy …Buong magdamag na kasi sya nawawala" naiiyak na sabi ng babaeng matanda

Si Andy Nawawala?

Tumingin ako nila Tanya nakita kong tumaas ang kilay nya sakin na sinasabing tumahimik ako. Napayuko nalang ako…Asan si Andy?

"Tulungan nyo sana kaming mahanap sya…Sobra na kaming nag aalala sa kanya!" sabi naman ng matandang lalaki na naiyak na din

Bakit wala ba kong magawa? Kahit na magsalita para kay Andy di ko kaya… Kung tutuusin kasalanan ko to! Napaka laki kong DUWAG!

"Kung sino man ang nakakaalam kung nasaan si Ms.Reyes malaya kayong pumunta sa Office ko… Maam…Sir… Gagawin po namin lahat para makipagtulungan sa inyo…" sabi ng aming principal

"Salamat po…" sabi ng dalawang matanda

Umalis na ang mga magulang ni Andy pati na rin ang Principal namin…Naiwan naman kaming tahimik lahat sa klase.

"GUYZ! ABSENT DAW SI MAAM!" sigaw ng isa kong kaklaseng lalaki

"WOOOOOOOOO!" bigla nalang sumigaw lahat at nagdiwang

Nakaramdam naman ako ng pag-vibrate ng cellphone ko…Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nag-txt…

From: Tanya

Sumunod ka sa rooftop! NOW.

Nakita ko si Tanya na paalis at sinundan ko sya…Hanngang sa makarating kami sa rooftop.

"Asan ba si Andy?" tanong ko

"DEAD" walang pag aalangan na sagot nya

Natakot ako at napaatras…Totoo bang patay na si Andy?

"Oo! Bakit? Nagulat ka ba?"

Lumakad sya hanggang sa makalapit sya sakin… Nilapit nya ang kanyang bibig sa tenga ko at may binulong…

"Kaya kung ayaw mo sumunod sa kanya… Matuto kang tumahimik!"

Ngumisi sya at biglang tumingin ulit sakin…

"Kung ayaw mo makulong tayo tumahimik ka… kasama ka dito sa krimeng ginawa namin Jena"

Umalis sya at Iniwan nya akong Tulala.Tama sya… Kasama ako sa kanila!Isa din akong mamamatay tao… Dahil sakin namatay si Andy.Kung di ko sana sya sinamahan sa bahay ni Tanya di mangyayari lahat ng to! Masama din akong Tao!

Napaluhod ako at napatingin sa langit habang mangiyak-ngiyak na sinabing…

"Patawad Andy…Sana mapatawad mo ko…"

~JazmineBygail

Vote, Comment, and Be A Fan :)

A/N: Waaaahhhh unti pa lng nakaka notice ng gawa ko :( sana naman rumami na kayo para magkaroon ako ng inspiration sa mga chapters na gagawin ko :( So saaaadddd :(

"EKDIKISI"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon