One Shot

814 13 1
                                    

Author's Note:
Basahin nyo po ng buo para masurprise kayo sa ending ng short story na to. Pa leave na lang din po ng comment and vote if you want po.

Salamat at happy reading!

:hayden:

________________

Petsa na at hindi pa din dumadating ang kapitbahay kong pogi. Kanina pa ako nagpapaganda. Nagsasawa na nga yata ang salamin ko kakatitig din sa mukha kong kanina ko pa din nireretouch ang make up. Pati ang buhok kong pinaayos ko pa sa kaibigan kong bakla.

Hay!

Hindi pwedeng hindi niya ito makita dahil pinaghandaan ko ang araw na 'to. Kaarawan ko ngayon at yaman man lang na hindi ako pinapansin ng kapitbahay ko, ako na mismo ang gagawa ng paraan para makuha ang atensiyon niya. Sabi nga ng mga kaibigan ko, by hook or by crook, gawin ko na daw ang nararapat para maangkin ko siya!

Kinikilig ako palagi pag naiisip ko siya lalo't naka half naked at naka boxers lang. Kahit pasimple ko siyang minamasdan na nagbubuhat ng barbel sa loob ng pad niya, pinipilit kong wag niyang mahalata ang mga ginagawa ko dahil ang alam niya demure ako. Demure na demure.

May times pa na nahuhuli ko siyang nakatingin din sa akin ng aksidente at ako ang namumula kaya napapatago agad ako. Pamatay kasi ang ngiti niya. Tinalo ang ngiti ng uber crush kong si Paulo Avelino.

Hayyyyy!

Lalong tumutulo ang laway ko pag naiisip ko siya. He is worthy of my drolling-over-his-body-and-everything-about-him look pag nakatitig ako sa kanya sa mga nakaawang kong bintana habang nag eehersisyo ito.

And I can't let this day go by na hindi ko siya makakausap o makadaupang palad. Kailangan ko siyang makilala in person. Malay natin ito lang ang tanging paraan para mapansin niya ako.

Pero ilang oras na lang at matatapos na ang birthday ko. Mag eexpire na ang mga pagkaing niluto ko. Mapapanis na. Mauubos na ang powder ko at mamamaho na ang buhok kong puro spray net ang nagbibigay ng volume.

Kadalasan alas otso ng gabi nakakauwi na siya. Alam na alam ko yan dahil hinihintay ko siya araw araw. Tila di ako makatulog lalo na pag di ko siya nasisilayan sa gabi.

Minsan pa nga mas maaga pa sa alas otso. Alam niya kayang may binabalak ako ngayon kaya dini-delay niya din ang pag-uwi? Alam niya kaya?

Naku! Naku! Naku! Naku! Naku! Naku!

Hindi niya maaring malalaman ang surprise ko sa kanya. Kung mararapatin, gusto kong angkinin niya ako. Yun lang. Kahit hindi pa kami. O kahit hindi maging kami. Regalo niya lang sa akin. Sapat na yun.

"Asang asa ka na sa kahihintay, Tonet! Tigilan mo na yan! Pumasok ka na!" Saway ni Kim, ang isa ko pang kapitbahay. Kaibigang matalik ko actually.

Siya lang ang pinagsabihan ko sa lahat. Tungkol sa kapitbahay namin.

"Kim naman eh. Dapat sinusuportahan mo ako. Birthday ko eh!"

"Eh sa wala na tayong magagawa talaga kung ayaw kang pansinin ni Papa Neighbor. Ni hindi mo nga alam kung anong pangalan o kung saan nagtatrabaho. Anong mapapala mo pa? Kaya habang maaga, tanggapin mong hindi kayo bagay!"

Lalo tuloy akong napanghinaan ng loob. Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi ng kaibigan ko. Gustuhin ko mang umiyak, hindi ko ginawa. Pinigilan ko ang sarili ko. Pipilitin ko pa ring maniwala sa kung ano ang gusto kong mangyari.

"Hoy Tonet, pag sumaktong alas dose at di ka pa pumapasok ng bahay, kakaladkarin na kita papasok para tigilan mo na ang kahibangan mong yan!" Pagbabanta pa ni Kim.

Ang Neighbor Kong Pogi (BxB: Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon