"Anak pasensiya kana kinailangan nating lumipat ng lugar alam mo naman yung papa mo kapag nagdesisyon hindi na mapipigilan."
"Alam ko naman yun ma. Nakakainis lang na hindi tayo mapirme sa isang lugar. Ang hirap kasi ng papalit palit ng school. At saka mahirap magadjust kasi bago nanaman ang mga kaklase ko."
"Anak intindihin mo nalang ang papa mo. Sorry talaga anak. Pero alam ko naman na kayang kaya mo yun diba? Ikaw pa? Ang talino kaya ng anak ko"
"Ano pa nga ba ma? ikaw talaga ma nanguuto ka nanaman."
"Hindi naman ako nanguuto anak. Sinasabi ko lang ang totoo. Bakit ba ang traffic ngayon?"
"Ewan ko sayo ma. Hahaha"
Kring Kring Kring Kring!
"Hello? Yes po Mr. Mac I'm on my way traffic po kasi yes po. Goodbye!"
"I think you better run?"
"Huh?"
"Ang traffic anak baka malate ka sa first day of school mo at ayaw ko naman na malate ka at saka malapit naman na excercise din yan anak."
"Ma ikaw yung nagsuggest na ihatid ako tapos. Hay hayaan na nga sige ma."
"Sorry nakita mo naman traffic diba? Sige na anak malalate kana. Goodluck ! Ingat Love you!"
"haay! mama talaga. Okay ingat din po kayo. Thanks! Love you too"
Nako mamalate ako nito kainis talaga ang traffic. Nakakapagod kayang tumakbo aakyat pa sa overpass. Kaya nga ayoko ng may overpass e pahirap. Habang tumatakbo ako may nakita akong babae na nakaakyat sa may railing. Mukang tatalon pa ata buti nalang napigilan ko.
"Aray! WHAT THE?!"
"Sorry. Bakit ka kasi tatalon?"
Tiningnan niya lang ako.
"Pipe ka ba?"
"Bingi ka ba? Narinig mo naman siguro ako na nagsalita kanina. Tsk!"
Sungit siya na nga ang tinulungan. Siya may ganang magalit?
Paalis na sana ako ng tawagin niya ako.
"Teka"
"Huh?"
"Next time mind your own business"
Hindi na ko sumagot bahala na nga siya. Paalis na ulit ako ng tawagin niya ako.
"What?"
"May lighter ka ba?"
"Huh?"
"Alam mo naman siguro yung lighter? Hindi ka naman mukang tanga."
Abat. Mahangin ang isang to ah.
"Ano meron ka ba?"
"Wala"
"Tsk! Sige umalis kana"
Aanhin niya kaya ang lighter? Haaay! late na ko kainis!
Pagdating ko late na nga ako naparusahan pa ako. Pero hindi naman ako magisa may kasama din ako na nalate. Nasa labas kami ngayon at nakataas ang dalawang kamay namin.
"Psst! Bago ka lang ba dito? Ako nga pala si Kalvin Lee ikaw anong pangalan mo?"
Hindi ko nalang kinibo. Naiinis kasi ako dahil sa babae na yun nalate ako.
"Saang school ka galing?"
This time sinagot ko na siya ang kulit e.
"Sa Monterello High"
BINABASA MO ANG
TIMY(One Shot)
Teen FictionWhat if you met a person in your suicidal moment? Yung tipong patalon kana tapos biglang may pumigil sayo? Badtrip di ba? Kung kailan ready ka na kung kailan tanggap mo na saka pa may umextra? Find Out!