Nung nakita ko na siya. Na palabas ng school sinundan ko na siya medyo malayo layo din ang paglalakad ng nakita ko na may kausap na matandang lalaki kaya naman agad ko siyang nilapitan at kinausap.
"Nathally kilala mo ba ang lalaki na to?"
"Ikaw nanaman?"
"Sino ka ba iho?"
"kilala mo ba siya?"
"Hindi bakit?"
"Pwede ho ba tigilan niyo na siya masama ang pumatol sa mas bata sa inyo. Saka ako ho yung ako yung ako ho yung BOYFRIEND niya. Tara na nga"
Hinila ko siya palayo sa lalaki na yun. At nung makalayo na kami kinausap ko siya.
"Nasisiraan ka na ba ng ulo? bakit nakikipagusap ka sa matandang yun? paano na lang kung may gawin yung masama sayo di ka ba nagiisip akala ko ba matalino ka?"
"Hindi ako nasisiraan ng ulo pwede ba wag mo kong diktahan sa mga dapat kong gawin at saka bakit ba sinundan mo nanaman ako diba ang sabi ko wag mo na ulit akong susundan bakit ba ang kulit mo stalker ba kita? At teka nga kailan pa ko nagkaroon ng BOYFRIEND?"
Pagkasabi niya nun saka siya umalis. At naiwan akong magisa.
Ako si Nathally Kim Rivera. Kilala sa tawag na Rudeness Queen. Ginagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay. Pero pagdating sa mga magulang ko sunod sunuran ako sa kanila.
Sa kotse.
"Sinabi sa akin ng papa mo na nagkita kayo kanina."
"Oo nga po"
"Ano bang nangyayari sayo bakit naging top 2 ka nalang diba ang sabi ko sayo dapat palagi kang top 1 ano nagpapabaya ka na ba ng pagaaral? Magpapatalo ka nalang ba sa transferee na yun? Ipapasok kita sa medical school kaya dapat matataas ang makuha mong grades. ipapatutor kita sa math nakita ko na mababa ang nakuha mong marka hindi pwdeng ganyan. Nakikinig ka ba sa akin?"
"Ma. Hindi ko kailangan ng tutor."
"Kailangan mo hindi mo nga kayang pataasin ang marka mo sa math kaya siguro natalo ka nung kaklase mo na yun."
"Kayo naman lagi ang nasusunod ma. Kayo naman ang may hawak ng buhay ko kaya ano pang magagawa ko anak lang naman ako diba? Lahat ng gusto niyo laging na susunod kailan ba nasunod ang gusto ko? Kayo na ang bahala."
"Gingawa ko ito para sayo hindi para sa akin. Balang araw papasalamatan mo din ako."
Palagi nalang. Naiinis na ko sa buhay ko. Hindi naman ito ang gusto ko bakit ba pilit sila ng pilit nakakainis talaga. Letcheng buhay to.
Pagkapasok ko sa room nakita ko na natutulog nanaman si Nathally. Siya palang ang magisa sa room kaya naman nilapitan ko siya nakita ko namay binabasa siyang libro kaya naman tiningnan ko yun. Ng makita ko Advance pala yun na math na pang higher year habang tinitingnan ko yun bigla siyang nagising.
"Anong ginagawa mo?"
"Bakit nagbabasa kana ng advance na mga libro?"
"Diba sabi kong wag mo kong pakialaman?"
"Todo effort ka sa pagaaral ah dahil ba sa-."
"Wala kang pakialam."
Ang sungit talaga ng tao na to. Haay! Kaso hindi ko naman matiis. Kahit na masungit siya hindi ko parin matiis na kausapin siya.
Nagsimula na ang klase pero siya lang yung nasa isip ko. Ano na ba ang nangyayari sa akin. Ilang oras pa natapos na ang klase. Umuwi ako ng maaga malapit na din kasi ang exams kaya kailangan magaral. Nung matutulog na ko biglang may nagtext sa akin kaya agad ko yung binasa.
BINABASA MO ANG
TIMY(One Shot)
Teen FictionWhat if you met a person in your suicidal moment? Yung tipong patalon kana tapos biglang may pumigil sayo? Badtrip di ba? Kung kailan ready ka na kung kailan tanggap mo na saka pa may umextra? Find Out!