Naglalakad lakad ako para naman mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Nakaupo ako ngayon sa may park. Hindi ko talaga maisip na nagawa niya yun. Maya maya pa nakareceive ako ng text.
Bro pasensiya. Ako yung may dahilan kung bakit kumalat yung video. Sorry sinuhulan kasi ako ni Frances kaya ko nagawa yun. Sabi niya tataas daw ang rank ko. Alam mo naman na gusto kong tumaas di ba? Kaya napapayag niya ko na gawin yun. Sorry. Pero hindi naman ako ang may gawa ng caption si Frances siya ang gumawa noon. Bro sana mapatawad mo ako.
Pareparehas silang sinungaling at mga manggagamit. Hindi ako makapaniwala na ginawa nila tong lahat sa akin. Anong akala nila sa akin laruan? Pero bakit kahit gaano kalaki yung ginawa nila sa akin lalo na si Nathally hindi ko magawang magalit hindi ko magawang iwasan siya bakit sa kabila ng lahat mahal ko pa din siya. Naiinis na ko sa sarili ko bakit ganito. Naguguluhan na ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ano na ang gagawin ko ngayon? Maya maya may nareceive nanaman akong text.
Hans I'm sorry sa nagawa ko sayo. Oo ginusto ko yung gawin nung una pero habang tumatagal na nakikilala kita pinagsisihan ko ang bawat kasalanan na ginawa ko sayo. Alam ko na galit na galit ka sa akin ngayon at alam ko na hindi mo ko mapapatawad. Okay lang kasalanan ko naman at deserving ko naman lahat ng to. Gusto ko lang sabihin sayo ang mga bagay na hindi ko masabi sayo kapag magkaharap tayo. Noong gabi ng birthday ko gustong gusto kong sabihin sayo na na Mahal din kita. Wala akong lakas ng loob. Pero sobrang saya ko na nagkakilala tayo at minahal mo din ako. Salamat sa regalo mo. Salamat sa mga pagsunod sunod mo noon dahil doon lalong nahulog ang loob ko sayo. Salamat sa pagtitiyaga mo sa ugali ko alam mo ba ikaw lang ang lalaking nakapagtiyaga sa akin sa kabila ng ugali ko.Salamat sa lahat. Mahal na mahal kita Hans.
Nathally!
Noong mareceive ko ang text niya kinabahan agad ako. Kaya agad ko siyang hinanap. Takbo ako ng takbo kahit pagod na pagod na ko hindi ako tumitigil. Pinuntahan ko siya sa mga alam ko na pupuntahan niya pero nabigo ako kasi wala siya doon.
Nathally asan ka ba!
NATHALLY!
NATHALLY!
NATHALLY!Nasaan ka na.
Hindi ako tumigil sa paghahanap halos maggagabi na napuntahan ko na ang lahat ng pwede niyang puntahan pero wala talaga hindi ko siya makita. Kinakabahan na ko. Hanggang maisip ko na isang lugar nalang ang hindi ko pa napupuntahan. Kaya naman tumakbo ako binilisan ko kasi sobrang kinakabahan ako. Nakarating na ko sa gate ng school agad akong umakyat papuntang rooftop. Kahit halos hindi ko na mailakad ang mga paa ko sa sobrang pagod hindi ako tumigil. Hanggang sa nakaakyat na ako sa rooftop. Nagpalingalinga ako. Pero hindi siya nakita ng mga mata ko. Hinanap ko siya sa bawat sulok hanggang sa. Bigla nalang akong nakahinga at napaupo.
"HANS?"
Nakahinga ako ng malalim. Tumabi ako sa kunauupuan niya.
Tiningnan ko lang siyang mabuti.
Maya maya yumuko ako.
Tinali ko ang bawat sintas ng sapatos namin. Halatang nagulat siya sa ginawa ko."Hindi nanaman nakatali ang sintas mo. Kailan ka ba matututo. Simula ngayon hindi na yan matatanggal ako na ang laging magtatali niyan para sayo. Hindi ka na ulit magiisa. Nakikita mo yang mga bituin sa langit? Ang dami di ba? Hindi mo nga yan kayang bilangin kahit matalino ka di ba? Pangako ko kagaya ng mga bituin sa langit hindi din mabibilang ang pagmamahal ko sayo. Hindi mahihigitan. Simula ngayon lagi na tayong magkasama. Ako ang magiging buwan mo di ba ang buwan hindi iniiwan ang bituin? Ikaw ang nagiisang bituin sa buhay ko. Ikaw ang pinakamaningning at ang pinakamagandang bituin. Simula ng makilala kita nabago na ang buhay ko. Mahal na mahal kita."
(Umiiyak)"Sorry. Mahal din kita. Mahal na mahal. Pangako kagaya ng buwan hindi din siya iiwan ng mga bituin niya. I LOVE YOU HANS. NOW AND FOREVER."
And then we kissed under the moonlight under a billion stars.
"NOW AND FOREVER"
Sa kabila ng lahat mananaig pa din talaga ang pagibig. Sa kabila ng sakit na nararamdaman mo. Pagibig pa din ang mangunguna.
Hindi mo alam kung sino ang mananatili sa buhay mo. Kaya naman kapag dumating na ang tao na yun. Wag mo ng hayaan pang mawala. Dahil mahirap makahanap ng totoong magmamahal sayo.
BINABASA MO ANG
TIMY(One Shot)
Teen FictionWhat if you met a person in your suicidal moment? Yung tipong patalon kana tapos biglang may pumigil sayo? Badtrip di ba? Kung kailan ready ka na kung kailan tanggap mo na saka pa may umextra? Find Out!