At the Library.
"Bakit parang wala lang sayo ang nagyari?"
"Pwede ba Frances wag kang mastress diyan."
"Paano mo nagagawang magrelax at kumain ng lollipop eh natalo ka nga niya sa top 1. At saka kailan ka pa nahilig diyan?"
"Nachambahan niya lang yun hindi na ko papayag na matalo pa niya ako ulit. Kaya wag ka ng magalala para lumaki ka pa okay! At ito ba? Wala lang."
"Kailangan mapaalis na natin siya dito sa school. Hindi na dapat makaisa ulit ang lalaki na yun sayo."
"Alam mo may naisip ako."
"Talaga ano naman yun?"
"Gusto mo bang maglaro ng game?"
"Huh? anong game"
Ganito. Blah blah blah blah......
At sabay silang napangiti.
Pumasok ako sa loob ng room ng nakita ko na magisa lang siyang nakaupo sa upuan niya kaya naman nilapitan ko siya.
"Hey! Nathally right?"
"Ikaw nanaman. Pwede ba stay away from me."
Nakatayo na siya ng medyo mabuwal siya kaya nilapitan ko siya kaso.
"Sabi ng hwag mo kong lapitan."
Hindi pa siya nakarating sa pinto na himatay na siyang talaga. Kaya naman takbo ako sa clinic para dalin siya.
Pagdating doon inihiga ko siya sa kama at nilagyan ng kumot. Paalis na ko ng bigla siyang magsalita.
"Stay"
"Huh?"
"Ayokong maiwan ng mag isa. Pwede bang dito kamuna sandali"
Hindi ako sumagot at umupo sa kabilang kama.
"Hindi wag ka diyang umupo. Dito ka sa may paanan ko umupo."
Nagisip ako ng konti ng lumipat ako sa sinasabi niya. Ng biglang lumalapit siya. Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay sa noo niya.
"Sa tingin ko may lagnat ako? Sa tingin mo?"
Nagulat ako sa ginawa niya.
"A-h eh. Mukang wala naman."
"Eh dito kaya"
Nilagay niya ang kamay ko sa may leeg niya. Ano ba to? Anong ginagawa niya? Sineseduce niya ba ko?
"Ah eh. Hindi ko din alam muka namang wala."
Tapos habang hawak pa niya ang kamay ko. Nakita ko na papalapit siya sa akin. Ano bang plano ng babae na to. Malapit na yung muka niya sa muka ko.
"Pwede ba kitang halikan?"
Hindi pa magsink in yung sinabi niya. Hawak pa din niya ang kamay ko ng dahan dahan niya yung binababa papunta sa dibdib niya buti nalang natauhan ako bigla.
"Ah e-h sige papasok na ko iwan na kita dito."
Muntik na talaga yun. Buti nalang natauhan ako. Haaay! Ano bang nagyayari sa akin. At anong nangyayari sa kanya? Parang kanina lang ayaw niya pahawak tapos biglang ganun?
Ilang oras pa ang lumipas natapos na ang klase.
Uwian na nasa may labas na ko ng gate ng school ng makita ko si Nathally kaya naman sinundan ko siya.
Medyo malayo layo na ang nalakad namin ng bigla siyang huminto at tiningnan ako.
"Sinusundan mo ba ko?"
Ang tanga ko naman kasi bat ba hindi ako nagtatago ng sinusundan ko siya nahalata tuloy ako. Lakas ng pakiramdam niya e. Tae. Wait anong sasabihin ko. May pagkatanga ka talaga Hans. Isip dali.
"Ah eh. Haha. Hindi kasi nakatali yung sintas ng sapatos mo."
Shoot. Buti nakita ko agad.
"Huh? Sinundan mo ako kasi hindi nakatali ang sapatos ko? Tsk! Bakit di mo nalang isinigaw. Anyway since ikaw ang nakita at talagang sinundan mo pa ko para lang dito ikaw na magtali ng sintas"
"Ano? Malaki ka na you can do it"
"Sabi ko itali mo yung sintas ng sapatos ko."
Lumapit at yumuko ako para maitali ko yung sapatos niya. Hindi ko alam kung bakit ako sumunod agad sa sinabi niya. Nagulat ako kasi agad din siyang yumuko magkalapit ang muka naming dalawa. Parang eksena lang kanina to ah?
Unti unting lumalapit ang muka niya hahalikan ba niya ko tulad kanina? Pero mali ako. May binulong siya sa akin.
"Sa susunod wag mo na kong susundan. At papakialaman."
Pagkasabi niya nun bigla niyang sinubo yung lillipop na kinakain niya sa bibig ko at saka umalis.
Sa bahay.
Lakad dito lakad doon. Haay! di ako mapakali. Kasi naman haay! ano ba kasing nasaisip ko at lagi kong sinusundan at naiisip si nathally naguguluhan na ko pati sa mga nagyayari whoo! Makatulog na nga lang.
Kinabukasan.
P.E Class.
Nasa Gym kaming lahat. Naglalaro sila ng batuhan ng bola habang ako nakatitig lang sa kanya. Siya nalang lagi ang naiisip ko nitong mga nakaraang araw. Simula ng makusap ko siya. Natulala ako sa kanya kasi naman ang sarap niyang tingnan na tumatawa at ang ganda niya.
Nakatulala lang ako ng biglang umiwas pala siya sa bola at ako ang tinamaan.
Boogsh!
"Hahahaha."
Pinagtawanan ako ng lahat ng studyante sa gym. Nakakahiya ang nangyari dumugo pa ang ilong ko kaya naman dinala ko sa clinic.
"Buti gising kana. Ano bang nangyari sayo kanina nakatulala ka nanaman kay Nathally. Diba sabi ko sayo wag kang maiinlove sa kanya dahil masisira lang ang buhay mo sa kanya."
"Pwede ba. Umalis ka na nga sesermonan mo lang pala ako. At saka hindi ko lang talaga napansin yung bola. At saka anong maiinlove ako? Sa masungit na yun?"
"Haay! nako bahala ka nga diyan basta ako pinagsabihan kita. Bahala ka diyan."
Haaay! ang sakit ng ilong ko. Ano ba naman kasi Hans para kang tanga kanina. Haist!.
After 1 hr.
Haay! kainis hindi man lang ako ginising ni Kalvin. Late na ko sa klase. Palabas na sana ako ng pinto ng marinig ko na may naguusap at hindi ako pwedeng magkamali si Nathally yun at yung teacher namin bakit sila naguusap dito sa clinic?
Hindi nagtagal umalis na din sila at nakabalik na ko sa room. Nakita ko na lumabas siya kasama ang kaibigan niya.
Girls locker room.
"Haha nakita mo ba yung nangyari sa kanya kanina? halatang may gusto siya sayo"
"Buti nga yun sakanya. Hindi ko na yun kasalanan kung tatangatanga siya."
Marami akong naririnig na balibalita na nakikipagkita daw si nathally sa mga matatandang lalaki. Nakikipagusap sa mga may edad na basta yung hindi namin ka edad. Mukang totoo nga kasi narinig ko nga sila na naguusap ni sir kanina. At mukang seryoso ang paguusap nila. Pero hindi pa ko naniniwala kaya naman kailangan kong malaman kung totoo nga ang balita na yun kaya naman susundan ko ulit siya mamaya pag uwian na.
"Okay class dismissed"
Eto na susundan ko na siya kung saan siya pupunta.
Vote and Comment!
@MissFIAB💋
BINABASA MO ANG
TIMY(One Shot)
Teen FictionWhat if you met a person in your suicidal moment? Yung tipong patalon kana tapos biglang may pumigil sayo? Badtrip di ba? Kung kailan ready ka na kung kailan tanggap mo na saka pa may umextra? Find Out!