Kumalat na sa buong school yung video kaya naman todo iwas na sa akin sa school akala nila totoo na may ginawa akong masama kay Nathally. Pero sa tuwing nakikita ko si Nathally bakit parang wala man lang siyang reaction. Hindi man lang siya magapila na walang nangyari bakit hinahayaan lang niya na maging ganito yung tingin sa amin ng mga studyante sa school na to.
Pagpasok ko sa room nakatingin nanaman ang lahat sa akin. Uupo na sana ako ng nakita ko na may nakasulat sa desk ko.
Kung may natitira ka pang kahihiyan sa katawan mo umalis kana sa school na to. Hindi nababagay ang katulad mo dito. Kaya umalis kana.
Naiinis na talaga ako ginagawa ba nila to para umalis ako? Pwes hindi ako aalis dito para lang sa kanila. Alam ko ang totoo kaya hindi ako dapat magpaapekto pero. Nakakainis na ang ginagawa nila. Kaya naman di ko na napigilan ang sarili ko nasipa ko ang desk ko kaya naman tumaob ito at lumabas na ko ng room. Akala ba nila matatakot nila ako? Pwes nagkakamali sila.
Nagulat ang lahat sa ginawa ni Hans. Pati ako. Sobra na talaga si Frances. Hindi naman ganito ang gusto kong mangyari. Kakausapin ko dapat siya ng bigla naman siyang nagtext na pumunta ako sa invention room.
Pumunta ako dahil gusto ko nga siyang makausap.Invention room.
"Frances ano ba talaga ang binabalak mong"
"Anong ginawa mo?"
"Binabalak ko? Ano pa edi ang paalisin siya sa school na to. Yun naman talaga ang gusto natin nung umpisa palang di ba? Bakit naguguilty ka na ba? O baka naman naiinlove kana sa kanya kaya nagkakaganyan ka."
Flashback
"Eto yung ipapakita ko sa invention fair. Sobrang mahalaga ito sa akin kasi pinaghirapan ko talaga itong mabuti. At saka ikaw palang ang unang nakakita nito kaya naman special talaga to."
End of Flashback
"Pwede ba frances itigil mo na to. Bakit mo ba ito ginagawa"
"Masyado ka kasing mabagal kumilos kaya ako na ang gumawa. Hindi ka ba masaya? Ito yung game natin di ba? Bakit mukang ayaw mo na yatang gawin?"
"Akala ko ba magkaibigan tayo?"
"Ha? Tayo magkaibigan? Sawang sawa na kong maging anino mo Nathally palagi nalang ako ang nasa likod mo. Palagi nalang ikaw ang magaling palagi nalang ikaw ang bida nakakasawa na. Pagod nakong laging nasa likod. Kaya naman ngayon sisiguraduhin ko na mabubura na din yang kayabangan mo. At saka wag kang magmalinis dahil ikaw ang nagumpisa ng laro na to. Ako lang ang tumatapos sa sinimulan mo."
"Oo ako nga ang nagsimula ng laro nato. Pero hindi yung ganito. Oo lahat ng nangyari laro lang. Pero ikaw tinuring kitang kaibigan pero bakit ganito. Bakit ganito yung ginawa mo."
"Omg. Narinig mo ang lahat Hans?"
Natauhan ako ng marinig ko ang pangalan ni Hans. Parang nanigas ang katawan ko. Pero pilit ko siyang hinarap pero diretso siyang lumabas ng room. Kaya hinabol ko siya.
"Hans teka lang hans!"
"Ano masaya kana. Natuwa ka ba na paglaruan ako? Akala ko iba ka. Pero katulad ka din nila."
"Hans makinig ka. Pakinggan mo ko"
"Bakit anong sasabihin mo? Sa tingin mo ba maniniwala pa ko sa mga sasabihin mo matapos kong marinig ang lahat mula sayo? Grabe ka Nathally paano mo naatim na paglaruan ako. Hindi ako makapaniwala. Sana natuwa ka sana naging masaya ka sa ginawa mo. Tama nga sila hindi ako naniwala sa mga sinasabi nila mula sayo kasi pinagkakatiwalaan kita pero mali pala ako ng pagkakakilala sayo. Mas grabe ka pa sa kanila alam mo ba yun? "
Sobrang nasaktan ako sa mga sinabi niya. Siya nalang ang kakampi ko sa school ngayon wala na. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak umiyak ng malakas umakyat ako sa rooftop para ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Bakit ba sobra akong nasasaktan in the first place ginusto ko naman gawin to. Bakit ba ganito ang nangyayari sa buhay ko? Gusto ko lang naman ding maging masaya at maging normal kagaya ng iba pero bakit parang ang hirap naman. Bakit ang sakit. Wala na magisa na lang ako.
Hindi ako makatulog. Umuwi nako ng mugto ang mga mata ko pero dirediretso lang ako ng lakad. At umiyak ulit sa kwarto ko. Ang sakit talaga. Pero kailangan hindi ako magpaapekto. Kilala nila ko papaging malakas hindi mahina.
Kinabukasan.
Pagpasok ko sa school pinagtitinginan ako ng lahat. Pagpasok ko sa room ganun din sila. Nakita ko din na panay sulat ang buong desk ko. Puro masasakit na salita. Wala pa si Hans. palabas na ko ng room ng may nangbato sa akin ng mga itlog gatas na nakalagay sa supot at harina. Eto na nga ba ayokong mangyari nabubully ako ngayon dahil lahat sa kagagawan ni Frances. Hindi ko inisip na siya yung magttraydor sa akin. Kaya naman lumabas ako sa room ng tinalisod ako ng isa kong classmate kaya naman nadapa ako at pinagtatawan ako ng lahat. Pero dapat hindi ako magpaepekto dahil ilang araw nalang exam na.
Araw araw sa school ganyan ang nangyayari sa akin. Ilang araw na din hindi pumapasok si Hans.
Hindi ko inisip na ganito ang mangyayari sa akin dito. Masakit pero eto na din siguro ang kabayaran ng lahat ng masasamang nagawa ko.Umuwi ako sa bahay halos di ako makatulog dahil sa kakaisip kung bakit nagawa sa akin yun ni Nathally sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Kinabukasan Exam day na kaya naman kailangan kong pumasok. Paalis na ko ng kwarto ko ng biglang pumasok si mama.
"Anak. Halika ka nga dito. Kung ano man yang problema mo. Alam ko na kayang kaya mo yan. Andito lang ako para sayo anak. Wag mong kalimutan okay. Mahal na mahal ka ni mama. Kaya wag kang mahihiyang magsabi. Kung alam mong worth it ipaglaban mo at wag kang papaapekto. Alam ko na alam mo na ang tama at mali anak. Alam ko din na kaya mo ng magdesisyon kaya piliin mo kung ano sa tingin mo ang tama. Sige na baka malate ka pa ingat okay."
"Thanks ma. Mahal din po kita ma. Sige po alis na ko."
"Ingat ka anak."
"Okay."
Pagkalabas ko ng kwarto alam ko na umiiyak si mama. Ayokong nakikitang nasasaktan si mama dahil sa ginagawa ko kaya dapat hindi ako maging ganito kailangan maging malakas ako. Haaay!
Exam day.
May teacher na kaya naman hindi nila ko nagawang bullyhin at saka exam ngayon. Nakita ko na late na dumating si Hans. Kahit na ganito ang sitwasyon seryoso ko pa din sinasagutan ang mga exam ko dahil ito ang gusto nila mama. Pero ilang minuto lang nakita ko umalis si Hans. Hindi ko alam kung nasagutan ba niya o hindi. Nagulat ako sa ginawa niya pero kagaya dati wala pa din akong pinapakitang emosyon kahit ang totoo. Sobrang sakit na. Sobrang sakit na nakikita ko siyang nasasaktan dahil sa akin. Kaya naman kahit gustong gusto ko siyang sundan hindi ko magawa. Bakit kasi naisip ko pa na gawin ang ganung bagay. Wala naman siyang ginawa kung hindi magpakita ng kabutihan sa akin. Paano ko nga ba naatim na gawin yun sa kanya.
Sobrang sakit. Ang sakit na pinaglaruan niya lang ako. Siya ang dahilan kung bakit naging ganito ang buhay ko sa schook na yun. Siya ang may dahilan kung bakit nasasaktan at nahihirapan ako ngayon pero bakit kahit ang sakit ng ginawa niya hindi ko pa din kayang magalit sa kanya. Nakakainis. Nasagutan ko naman ang exam kasi yun naman ang pinasok ko talaga e. Wala naman akong ginawa na masama sa kanya pero ganito pa yung nagawa niya. Pinagkatiwalaan ko siya pero pinaglaruan niya ko. Bakit? Bakit mo ako nagawang paglaruan?
Vote and Comment!
@MissFIAB💋
BINABASA MO ANG
TIMY(One Shot)
Teen FictionWhat if you met a person in your suicidal moment? Yung tipong patalon kana tapos biglang may pumigil sayo? Badtrip di ba? Kung kailan ready ka na kung kailan tanggap mo na saka pa may umextra? Find Out!