CHAPTER 21: Is he still alive?

757 27 7
                                    

CHAPTER 21: Is he still alive?

 

 

SAPPHIRE'S POV:

 

 

 

"Thanks, baks." mahinang pag-kakasabi ko.Nang biglang inagaw sakin ni Bianca ang phone.

"Oh~! Enough for that drama. And please Sapphire, don't cry. Nakakadiri lang." maarteng sabi ni Bianca at in-end call na ang tawag.

Masama naman akong tumitig sa kanya. Tapos nag-kunwari syang nag-tago.

"Naman Sapphire! Kung makatitig ka sakin wagas ah! Dukutin ko yang mata mo eh! Its hurts feelings you know" tapos umarte syang parang mahihimatay kaya sinalo sya ni Dennis.

"Sapphire, get ready. Papatayin kita mamayang hatinggabi para may thrill. Okay?" masayang sabi ni Bianca, "Let's go honey." yakag ni Bianca kay Dennis tapos natakot ako dahil pinatay nila ang ilaw!

"Buksan nyo ang ilaw! Please!" naiiyak na sigaw na sabi ko...

"Uh-oh! I can't hear youuu!" at naramdaman ko na lang na ako nalang ang nag-iisang tao doon.

Muli, unti unting pumatak ang luha ko na hindi ko alam.

Agad kong pinunasan ito. Pero tumulo na naman ito kaya pinabayaan ko nalang.

Bakit ba ganito? Mabait naman ako dati ah? Bakit ganun ang trato nila sakin?

Bakit?

Wala akong masyadong ginagawang masama pero parang pinaparusahan ako. Nung bata ako ha? Alam kong masama na ko ngayon, pero, may dahilan naman ehh.

Napatingin ako sa kamay ko. Ubeng ube na ito dahil sa higpit ng tali nito. Gayun din sa paa ko.

Bloody AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon