"An apron is just a cape on backwards."
--
Simula nung sinabi ko sa kanyang wala syang appeal sa 'kin, parang naging kumportable na syang nakahubad sa harap ko. Kagabi nga, buong gabi syang nakahubad. Kelangan ko pang lakasan yung aicon para lamigin sya.
Ngayon, eto na naman sya. Nagtitimpla ako ng kape nang bigla syang lumapit sa 'kin. I felt his hot breath behind my right ear.
"Good morning."
Hindi ko sya nilingon. "Morning," I blandly replied. My heart slightly palpitated and I didn't hitch a breath in fear na baka mahalata nyang medyo naiilang ako sa kanya. Kahapon pa 'to eh.
Kagabi, halos hindi ako makatulog. Isip-isip ko yung mahinang kuryente na naramdaman ko kahapon. Parang bigla akong natakot. Ewan ko ba. Kung kelan andito na yung inaantay ko, saka naman parang gusto ko nang umurong.
"Hoy."
I rolled my eyes and looked to my right. Sakto naman na nakaabang yung hintuturo nya. Natusok tuloy yung pisngi ko.
He laughed.
"Ang babaw mo," sabi ko sa kanya.
"Bat ba ang sungit mo ha?" tanong nya sa 'kin.
"Ang gwapo mo kasi," sagot ko.
He grinned. "Sinasabi ko na nga ba eh..."
"Sarcasm pre." Masyado kase syang assuming. Ang sarap lang barahin.
Inakbayan nya ako. "Alam mo, masama ang masungit. Baka mamatay kang virgin."
Naitulak ko sya dahil sa sinabi nya. "Tse!" Tumawa sya ulit. "Bakit ba ang kulit mo ha?"
"Wala. Masamang mangulit? Kapag nagsusungit ako, nagagalit ka. Kapag nangungulit ako, nagagalit ka. Wala ba akong pwedeng gawin na hindi mo ikagagalit?"
"Try mo matulog."
"Tabi tayo?" nakangisi nyang tanong.
"Nilalandi mo ba 'ko?" pabalik kong tanong sa kanya with my eyebrow raised.
"Kung nilalandi kita, dapat may kasamang alak. Nagpapaka-friendly lang ako."
"Friendly? May difference ba ang flirty at friendly sa 'yo?"
Tinanggal nya ang braso niya mula sa pagkaka-akbay sa 'kin then he leaned on the counter. Nakapatong yung siko nya sa tiles habang nakatingin naman sya sa 'kin.
"Magkaibigan nga kayo ng kapatid ko. Pareho kayong mataray," was his crude remark.
"Mahalay ka kase," I replied. Iniangat ko yung baso ng kape na kakatimpla ko pa lang ng bigla nya itong agawin. Muntik pa tuloy akong mabuhusan ng kape. "Ano ba!" singhal ko sa kanya.
Prente siyang uminom ng kape ko habang nakatingin sa 'kin. "Painom," sabi nya pagkatapos.
"Wala ka bang magawa sa buhay mo at ako ang inaasar mo ha?"
"Well what do you expect? Dalawa lang tayo sa bahay. Pinipigilan mo naman akong magdala ng babae dito, ano pang iba kong pwedeng gawin?"
Napabuntong-hininga na lang ako. Ano nga ba ang magandang gawin? Hindi naman sya mahilig manuod ng TV. Bawal naman syang magdala ng babae sa bahay. Mas lalo namang bawal na may mangyari sa 'ming dalawa kase hindi pa pwede.
Gumala kaya sya? Kaso baka makakita naman 'to ng babaeng ready for takehome. Much as possible sana, dito lang sya sa bahay para sa 'kin lang sya naka-focus.
After all, the plan was to make him fall for me... not for any other girl.
"Turuan mo kaya akong magluto?"
![](https://img.wattpad.com/cover/2073087-288-k999857.jpg)
BINABASA MO ANG
My Thirty Day Plan (COMPLETED)
RomanceHere's what I have to do within 30 days: --Help him move on. --Make him fall for me. --Fall in love with him. Para sa ikaliligaya ng mga kaibigan kong hindi pwedeng ikasal hanggat walang asawa si Kent. Para makapag-move on na rin ako kay Ric...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte