"There is no sincerer love than the love of food." –George Bernard Shaw
--
Umagang-umaga nakangiti si Kent dahil ang sarap nung kapeng timpla ko. He insisted na orange juice ang gusto nya pero sabi ko magandang pangtanggal ng hangover ang kape. Good thing nakinig sya sa 'kin.
Ang gwapo nyang ngumiti. Yung tipong iba yung sinasabi ng ngiti nya sa sinasabi ng mata nya. Basta. Parang detached na ewan. Gusto ko ngang kurot-kurutin 'tong puso ko kanina. Huy makaramdam ka naman aba!, gusto kong sabihin dito.
"Pahingi nga pala akong pang-grocery. Wala ng laman ang ref mo," sabi ko sa kanya.
"Wala na?" taas-kilay nyang tanong. Tumango ako. "Okay. Mag-grocery tayo mamaya."
"Tayo?" Napakunot ang noo ko dun sa huli nyang sinabi.
"Yes, tayo. Hindi naman ikaw ang nagluluto kaya 'wag kang mareklamo dyan. Isa pa, I don't trust your taste when it comes to food," sabi nya.
Sinimangutan ko sya. "Pwedeng hinay-hinay naman sa panglalait?"
"Hindi kita nilalait. Nagsasabi ako ng totoo."
"Ang yabang mo kamo."
"Whatever. Flat-chested ka naman," nakangisi nyang sabi. Kainis! Muntik ko na syang buhusan ng malamig na tubig! Instead, nagtimpi ako. Leche. Para sa ikaliligaya ng kaibigan ko at ng taong gustong-gusto ko, pilit kong pinapahaba ang pasensya ko.
Pero konti na lang talaga, masasampal ko na naman sya.
"Bilisan mo dyan nang makaalis tayo ng maaga," sabi ko na lang sa kanya. I went back to my room para magbihis. Pero bago nun ay tinawagan ko muna si Gale.
"Jazzy! How's everything going?" excited nyang tanong.
"Kelan kami makakasal Jazz?" singit naman ni Rico. Ugh. Magkasama na naman sila. Well, ano pa nga ba ang ini-expect ko? Kasal na nga lang ang kulang sa dalawang yun eh. Apurado silang masyado. Sarap pagbuhulin ng bituka nila.
I sighed. "Hindi ko alam. Ang hirap-hirap naman kase ng pinagagawa nyo eh."
"Ano'ng mahirap dun? Lovable naman ang kuya ko ah. Gwapo pa..."
"Gale, kung mukha ko ang tumitibok, baka nakasal na kayo day 1 ko pa lang dito. Kaso hindi eh. Saka hindi kaya kamahal-mahal ang kuya mo. No offense."
They laughed on the other line.
"Sira ka talaga Jazzy."
Napangiti ako. May pagkasira talaga ako. Nakakatuwa lang kapag may nakakapansin.
"Alam ko. Kaya ng—" Napatigil ako pagsasalita nang may kumatok ng malakas sa pinto. "Wait lang ha," sabi ko sa kanila. Tumayo ako at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.
"Ano na?" bungad nyang tanong sa'kin.
"Anong ano na?" kunot-noo kong tanong.
"Akala ko ba mamamalengke tayo?" tanong nya.
"Ha?" Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. "Hindi ka na maliligo?"
Inirapan nya ako. "Aamuyin ba ako ng mga manok at gulay sa palengke?" he muttered. Humarap syang muli sa 'kin. "Bilisan mo. Aalis tayo in five minutes."
"Agad-agad? Makapagmadali ka naman, akala mo tatakbuhan ka ng palengke!" reklamo ko.
"Bilisan mo. Malapit na mag-seven. Mainit na dun mamaya. Saka ayokong maubusan ng fresh ingredients."
Napa-tsk ako. Demanding nya, sobra. "Oo na." Pinagtaklaban ko sya ng pinto saka ko nagmamadaling binalikan yung phone ko. Kausap ko pa nga pala yung dalawa.
BINABASA MO ANG
My Thirty Day Plan (COMPLETED)
RomanceHere's what I have to do within 30 days: --Help him move on. --Make him fall for me. --Fall in love with him. Para sa ikaliligaya ng mga kaibigan kong hindi pwedeng ikasal hanggat walang asawa si Kent. Para makapag-move on na rin ako kay Ric...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte