[PART II]
“AAAAAHHHHHH!!!!” Naglupasay sa hapdi at sakit si Mifune sa gitna ng stage hanggang sa ilang minuto ay tumigil ito.
“Y-yuji? YUJIIII!!” Tili ng babae sa tabi ng stage.
“AHHHHH!” Umalingawngaw ang sigaw ng tao sa loob at nag-panic ang lahat ng tao.
Nakahandusay na lang kasi doon si Yuji Mifune. Sunog na sunog na ang mukha nito na halos hindi mo na makilala. Namumula ang ilong nito at tila hindi na nakahinga.
“Sandali lang!” Kinuha ni Mouri ang microphone mula sa emcee at nagsalita, tila nahulasan na ito mula sa kalasingan dahil sa nasaksihan. “Huwag kayong mag-panic! Maaayos ang lahat ng ito! Kung maaari ay bumalik muna kayo sa kanya-kanyang kuwarto at huwag niyong susubukang umalis sa resort na ito!” Umalis na nga isa-isa ang mga tao at ilan-ilan na lang ang natira. Sina Fumiko, Kamei, Mr. Tsuji, at Osamu.
Nilapitan ni Mouri at Conan si Mifune. Dinama ni Mouri ang pulso nito pero umiling lang si Mouri at tiningnan ang relo. “9:37 PM. Ran! Tumawag ka ng pulis! Siguradong murder case ito. Tumawag ka na rin ng ambulansya dahil natamaan din si Ms. Ichieda sa paa.” Napatingin naman si Reika sa paa niya at tunay nga, ang magandang balat nito, gayundin ang damit ay nasunog.
“Ah, Opo!” Tumakbo na si Ran.
Lalapit sana si Reika sa fiance pero pinigilan ito ni Mouri. “Hindi ka maaaring lumapit sa crime scene, Ms. Ichieda.”
“H-hindi!” Umaagos na ang luha nito. “Y-yuji! Hindi maaari ito! Paano ang kasal natin?” napaluhod ito sa stage.
“Ms. Reika…” Hinimas ni Ran ang likod ni Reika nang makabalik ito at nilapitan ang umiiyak na babae.
“R-ran…Bukas na ang kasal namin! B-bakit?” Humagulhol ang babae.
Lumapit si Conan sa crime scene. May hinanap siya sa floorboard ng stage at nakita niya ang isang butas na mainit-init pa. Tama nga ang hinala niya nang una pa lang. Ang laman ng paperball ay Hydrochloric Acid, o mas kilala sa tawag na Muriatic Acid, at kanina pa ito narito simula nang magsimula ang party.
Ang Hydrochloric Acid ay solution ng Hydrogen Chloride (HCl) at tubig, ngunit sa kasong ito ay masyadong concentrated ang solution nito na nakapatay na ng tao sa isang iglap lang.
Tiningnan ni Conan ang paperball sa taas. May isang container sa loob na kinalalagyan ng acid na kapag hinila ang takip ay mabubuhos sa kung sinuman ang laman nito. Mukhang ang target ay ang mag-fiancee na Ichieda at Mifune. Mukhang natalsikan lang si Ms. Reika nang bumulwak ang asido dahil hindi siya masyadong malapit sa gitna kaya naman sa babang parte lang ito natamaan, ngunit malaking parte pa rin ang nasugatan at halos hindi na nga ito makatayo. Hindi katulad ni Mifune na ang ulo’t mukha ang direktang nasabuyan kaya naman agad itong namatay, lalo pa’t masyadong concentrated ito.
Ang Hydrochloric Acid kasi, bagaman normal na makikita iyon sa katawan ng tao (gastric juices) at talagang ginagamit sa mga gamot tulad ng Ascorbic Acid, nagdudulot din ito ng pagmaga ng respiratory tract, mata at ilong kapag na-inhale. Ganito ang nangyari kay Mifune. Bukod sa nasira ang mukha nito ay nagkaroon ng problema sa paghinga, patunay ang paghawak nito sa leeg. May nakita rin siyang parallel lines na nakaukit sa sahig ng stage. Mukhang bago pa ito. Tumingin siya sa backstage at doon ay nakita niya ang isang hagdan na foldable.
[A/N: Guys yung pa-triangle? May picture sa gilid ayan. Haha!]
Bumalik ulit siya sa crime scene at nilapitan iyon.
*PAK!*
“Ilang beses ko bang sinabi sa iyo na huwag kang makikialam sa crime scene, ha?! Doon ka nga!” Binatukan ni Mouri si Conan at bahagyang inihagis sa kung saan.
BINABASA MO ANG
DETECTIVE CONAN FANFIC: STOLEN LOVE MURDER CASE
Fanfiction|| FILIPINO || IT IS A PLANNED MURDER AND A MURDER WHICH ANYONE COULD BE A SUSPECT. How could Conan determine who the culprit is? Let's investigate this case together with the youngest detective---MEiTANTEi CONAN!