PART III

671 22 2
                                    

[PART III]

THIRD PERSON’S POV

FUNCTION ROOM

“Bagaman ikaw, Mr. Tsuji, ang butler ng pamilya Mifune ang prime suspect, wala pa kaming matibay na ebidensya para isakdal ka. Gabing-gabi na. Yosh, babalik na lang kami bukas para patuloy na mag-imbestiga,” pahayag ni Inspector Megure sa mga kasamang pulis at mga taong nasa loob matapos ang pagsusuri sa kaso at walang mapuntahan na konklusyon sa kasong ito.

Hindi maaari! Kung ipagpapabukas pa ito ay malalaman niya kung ano ang nangyari at mawawala ang ebidensya!

Inumang na ni Conan kay Mouri na nakatayo malapit sa stage ang kanyang stun gun wristwatch.

*TSUK*

“Ahhhh! Ito na naman! O-oyasummm…” Nagpagewang-gewang si Mouri at napaupo sa stage. Kunwaring inalalayan ni Conan si Mouri, pero dinikitan niya ito ng speaker na mukhang button, pagkatapos ay nagtago sa likod ng mga kurtina sa stage.

“Pasensiya na Inspector, pero hindi na natin pwedeng ipagpabukas pa ito.”

Napatingin kay Kogorou ang lahat ng tao. “Anong ibig mong sabihin, Mouri?” tanong ng Inspector.

“Alam ko na kung sino ang salarin!” sabi ni Conan sa boses ni Mouri gamit ang kanyang bowtie voice changer.

“Totoo ba iyan, Mouri?”

“Oo, alam ko na ang lahat. Kung iisipin, ang pinaka-prime suspect nga ay si Mr. Tsuji, sapagkat siya ang gumawa at nag-kabit ng paper ball, pero hindi ba’t pwede mo namang palitan ang paper ball na naikabit na, una pa lang?”

“Huh?” Tahimik na nakinig ang lahat, ang mga pulis, si Ran, at ang mga suspek: si Osamu-sensei, Kamei, Mr. Tsuji, Fumiko, at Ichieda.

“Ganito ang nangyari. Nang nasa restaurant ay dala ni Mr. Tsuji ang paper ball, at nabangga pa nga niya ako at ako pa ang nag-abot ng paper ball sa kanya, at sigurado ako na wala pang lamang asido iyon nang mahawakan ko ito. Mararamdaman ko naman kung may likido iyon, hindi ba? Kung ganoon nga ay una pa lang ay walang intensyon si Mr. Tsuji na pumatay. Gumamit ng hagdan si Mr. Tsuji, pero bitbit nito iyon, patunay ang gusot sa bandang kanang kili-kili niya, kaya ang parallel lines na nakaukit sa sahig ay gawa ng salarin, patunay nga na pinalitan ang paper ball pagkatapos ikabit ito I Mr. Tsuji.”

“Ano pa ang ebidensya mo na pinalitan nga ng ibang tao ang paper ball?” tanong ni Megure.

“Oo naman. Excuse me, pero pakilabas naman ang paper ball na ineksamin niyo kanina.”

May isang pulis na lumabas at pinakita sa lahat ang paper ball na pinalitan.

“Tunay nga!” bulalas ni Inspector Megure.

“Iyan ang naunang paper ball na hinanda ni Mr. Tsuji. Nariyan ang fingerprints ko. Nahanap iyan ni Conan sa basurahan. ”

Lumabas si Conan sa may kurtina na siya niyang pinagtataguan. “Hai!” Nagtago ulit siya.

“Kung ganoon ay sino ang may gawa nito?”

“Obserbahan niyo, Inspector, ang alambre na nasa itaas ng paper ball. Ito ang gamit para isabit ang paper ball sa itaas ng stage.”

“Huh? Teka, medyo bali ang alambre na ito… At teka, ano ito? Kulay rosas?”

“Naikabit na nga ni Mr. Tsuji ang unang paper ball. Nang makaalis na ito ay pumasok ang salarin para palitan muli ito. Gumamit siya ng hagdanan para makaayat papunta sa tuktok ng paper ball para tanggalin ito, pero hindi niya matanggal kaya ginamit niya ang kanyang ngipin para mabali ang alambre, pagkatapos ay matagumpay niyang napalitan ang paper ball. Malamang ay may gloves siya kaya useless kahit i-check natin ang mga fingerprints. Ang pruweba na ginamit ng salarin ang ngipin niya ay ang kulay rosas na iyan. Ang lipstick ng salarin!”

DETECTIVE CONAN FANFIC: STOLEN LOVE MURDER CASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon