>Sica’s POV<
Biglang napaltan ng ngiti yung nakabusangot kong mukha kanina. Akala ko hindi na sya dadating at hindi na matutuloy yung huling paglabas namin dahil bukas ng madaling araw ang flight ko. Heto nanaman sa maling akala. Siguro kailangan ko nang itigil o kaya bawas-bawasan ang pagcoconclude ng mga bagay bagay. Parati nalang mali eh -____-
Nandito ako sa may gate ng CA at hinihintay na dumating si Julius. P.E ang last subject nila, at sa pagkakaalam ko naglaro pa sila ng basketball. Akala ko (akala nanaman) maghihintay pa ako ng matagal, dati kasi pag sinusundo ako ni *ehem* ni Luke lagi nalang 30 minutes late, minsan nga dalawang oras pa eh. Buti pa si Julius kakarating ko lang rito siguro mga 3 minutes lang nandito na.
Bigla naman akong siniko ni Violet at halatang halatang kinikilig ang bruha dahil halos mapunit na ang matambok nyang pisngi kakangiti.
“Giiiiiirl, nandyan na yung sundo mo oh! Ingat ah, baka matalapid sa haba ng hair.”
“Shhh, wag ka nga maingay Violet. Ikaw talaga ang daldal mo.”
“Pagbigyan mo nako, minsan lang ako mapahiwalay kay Zoey. Minsan lang ako makakapagdaldal ng ganito. Tsaka… baka mamiss mo kadaldalan ko sa Korea. Sinusulit ko na ang mga oras na magkasama pa tayo… nakakalungkot dahil wala si Zoey.”
Si Zoey… wala nga pala sya dito ngayon. Nakakalungkot nga dahil kung kelan paalis na ako, saka naman sya kinailangang umalis… may gagawin daw kasi sya para sa event. Speaking of the event, dahil nga malapit na ang pagalis ko, puspusan na sya sa pagoorganize ng lahat. Sa halip tuloy na tatlo (Ako, si Violet at sya) kaming nagoorganize ngayon ay iisa nalang. Ayaw kasing pumayag ni Zoey na hintayin ko si Julius nang magisa, baka daw kasi biglang hindi dumating at magmukha akong tanga. Ayaw man ni Zoey na umalis ako ng bansa na hindi kami nagkakasama, kailangan nyang iorganize yung event… okay lang. kahapon nagkaiyakan at nagkadramahan na kami sa pagalis ko ngayon.
At yun ang dahilan kung ba’t ako nakabusangot kanina, naisip ko na baka hindi nga sya dumating at magmukha akong tanga… but look! He’s here.
Binaba nya yung bintana ng kotse nya at saka ako tinawag.
“Babe, tara na! Hapon na, ayokong gabihin tayo. Gusto ko sulitin bawat millisecond!” BABE, yan nanaman sya sa BABE na MAPANGASAR. Kelan ko kaya ulit maririnig yung BABE na sincere? Teka, maririnig ko pa ba yon? Eh aalis na nga ako papuntang Korea :l
“Babe daw, tawag ka na. Daliiii. Byebye na. Ingat ka”
“Hmm, sige. Bye ingat ka din. Pasabi kay Zoey wag nya masyadong istress yung sarili nya. Mamimiss ko kayong dalawa.”
“Roger that! Sige, uuna na ko. Marami pa kong gagawin. AYOKO PATING UMIYAK GHAD. NALULUHA NA KO.”bigla akong napatawa sa sinabi nya. Totoo naman kasi, nagluluha na yung mga mata nya.
“Sige.”Nagsalute muna ito (ewan ko ba sa kanya. xD) bago sya tumakbo papasok sa CA. Good luck sa pagtakbo nya ang layo kaya nung room namin .___.
Agad akong napalingon pabalik sa sasakyan ni Julius nung nagbusina sya. Lumabas sya sa kotse saka pinagbukas ako ng pintuan. Lumapit sya sakin at nilagay lahat ng gamit ko sa likod ng kotse nya. Okey. Kenekeleg eke. XD Buhay Prinsesa siguro ako kung ito ang naging boyfriend ko. Lumapit na ako sa kinaroroonan nya at saka sya nginitian ng pagkatamis tamis.
“Tara na?”tumango nalang ako sa sumakay ng kotse. Sinarhan nya yung pintuan ng kotse saka imikot pabalik sa driver’s seat.
BINABASA MO ANG
It's Me (MinSul Fan Fiction)
Teen FictionTAGALOG STORY ♥ This story is about Jessica Song, student of Strauss Academy; the most popular Korean Boarding School in the Philippines. Join Jessica Song as she moves to another school, giving up her career and everything just to move on. This wou...