>Julius’ POV<
“Julius! You look so handsome tonight”
“Thanks”
“Julius! Isayaw mo naman ako!”
“Nah, maya na.”
“Julius, let’s dance!”
“Dito na muna ako.”
Prom Night. Sabi na nga ba at dapat hindi nalang ako umattend. Tignan mo nga naman, iniwan ako ng barkada dito sa mga babaeng ito. Magmove on daw ako. Sus, alam ko namang gusto lang nilang solohin ang isa’t-isa. Kahit ano pa ang gawin nila, kahit buong gabi pa, dito lang ako sa sulok na ito uupo at magiinom. WALA. AKONG. ISASAYAW. NA. BABAE. Si Sica lang… as if na dadating sya. Sayang lang porma ko.
“Wow, anong nangyari sa aking napakagwapong pamangkin na manang mana sakin? Mr. Playboy, ba’t parang tinatanggihan mo na ang mga babae ngayon?” I know that voice. Hindi ko na kinakailangan pang lumingon para malaman kung sino. Besides, nabanggit nya na rin yung ‘pamangkin’ at isa pa, saksakan sya ng kayabangan. Kaya, yep. Si Uncle John yon, a.k.a Direk Seo.
“Wag mo nga akong tawagin non! Ba’t ka ba nandito ha? Sabihin mo, may kinalaman ka rin ba sa pagalis nina Jessica?”
“Woah, chill ka lang my pamangkin. Special guest ako dito sa party na to, anong tingin mo sakin Party Crasher? Bakit ayaw mo nang tawagin kang playboy? Dahil ba kay Jessica? So hindi ka na playboy dahil kay Jessica? Tingnan mo nga naman, sabi ko sayo gagana mga plano ko eh. Dahil sa pagalis ni Jessica sa Pilipinas napaamin kita na mahal mo na sya. Tingnan mo. Ayaw mo nang tawagin kang playboy.”
Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at hinawakan sya sa kwelyo. Mabuti nalang at wala masyadong tao sa sulok na ito.
“Alam mo, gustong gusto na kitang sapakin eh. Kaso marunong akong gumalang sa MATATANDA.”
“Paggalang pa ba yan?”
“Manahimik ka! Itigil mo na itong mga plano plano mong nalalaman Uncle. Ibalik mo si Jessica. Oo! Mahal ko si Jessica! Oo! Inaamin ko na! Oh ano? Masaya ka na ba? Pwes ngayon, ibalik mo sya!”
“Ehem.” Napatigil yung kamao ko na lalapat sana sa pagmumukha ni Uncle. Bigla akong kinabahan… binaba ko yung kamao ko at dahan dahang lumingon.
“JESSICA!” binitawan ko ang kwelyo ni Uncle. Hindi ako makapaniwalang nandito sya… Teka, narinig ba nya yung mga sinabi ko kanina? Nah, it doesn’t matter. Ang mahalaga nandito sya!
“Hello Julius.” Nginitian nya lang ako. Tumakbo na agad ako papunta sa kanya at niyakap ng mahigpit. Wala kaong pakialam kahit nandito si Uncle, o kung magtaka man si Jessica sa pangyayakap ko.
“Nandito ka! Bumalik ka! Tumakas ka ba? O nagpaalam ka?” sunod sunod kong tanong sa kanya. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Like, bakit nya binaba agad yung video call, kung bakit di sya nasagot sa mga emails ko, kung bakit sya laging offline pero hindi ko na naitanong.
Tinanggal nya ang pagkakayakap ko sa kanya at pinagpagan nya ang damit nya. “Hindi din naman ako magtatagal dito. Kaya nagpaalam lang ako. Babalik din agad ako pagkatapos nito. Gusto ko lang makita kung nagawa ba nina Zoey at Violet ng maayos yung event. Isa pa, baka magtampo ang barkada.”
Gusto ko lang makita kung nagawa ba nina Zoey at Violet ng maayos yung event.
Isa pa, baka magtampo ang barkada.
BINABASA MO ANG
It's Me (MinSul Fan Fiction)
Novela JuvenilTAGALOG STORY ♥ This story is about Jessica Song, student of Strauss Academy; the most popular Korean Boarding School in the Philippines. Join Jessica Song as she moves to another school, giving up her career and everything just to move on. This wou...