.15. (Last Chapter Not Yet The Epilogue)

373 18 8
                                    

>Sica’s POV<

 

Parang nawasak ang buong mundo ko nung narinig ko ang mga salitang yun kay Mommy. Akala ko ayos na. Akala ko okay na ang lahat. Akala ko magiging masaya na kami. Ayos na ang lahat diba? Mahal ko si Julius, mahal nya ako, payag ang magulang ko. Pero may isang bagay pa pala ang hindi naaayos…

Isang bagay na aabutin ng taon bago matapos…

“Sica, please wag kang umiyak. First date natin umiiyak ka…” basag ang boses ni Julius. Halatang naiiyak na din sya, pero pinipigilan lang nya.

“Bakit ba ganito Julius? Ayos na eh… magsisimula na sana tayo… pero ano? Ito. Hindi pa nasisimulan matatapos na agad…” patuloy lang ang pagbagsak ng mga luha ko. Kada pupunasan ko lumalabas at lumalabas parin ng kusa ang mga luha.

“Baka hindi pa talaga yung tamang panahon Sica…”

 

“Kung hindi ngayon… kelan pa Julius… kelan pa?” ngumiti si Julius at dahan dahang lumapit sakin.

“Y-yung clock necklace… nasayo pa ba?” dahan dahan akong tumango at nilabas ang clock necklace na bigay nya sakin. Lagi ko itong suot. Itinatago ko lang sa loob ng damit ko.

“Ito oh…”

 

“Aalagaan mo yan. Yan ang magsisimbolo satin. Sa pagmamahalan natin. Na kahit gaano katagal, kaya nating maghintay para sa isa’t isa. Kaya nating hintayin ang tamang panahon. Dahil kahit tayo ang tama para sa isa’t isa, kung hindi ito ang tamang panahon… hindi parin tama. Wag kang magalala Sica. Magiging ayos din ang lahat… babalik ka… diba?” patuloy padin ang pagbagsak ng mga luha ko pero pinilit kong ngumiti at tumango.

“Promise. Kahit anong mangyari… babalik at babalik ako. Promise, tatapusin ko lang ang pagaaral ko sa Korea babalik din agad ako… aayusin ko lang ulit ang career ko… babalik agad ako…” tumayo sya sa pagkakaupo at yumakap sakin. Napaiyak nalang ako sa mga kamay nya…

Nagtataka ba kayo kung bakit ito na ang First and Last date namin? Dahil yun sa pagaaral at sa career ko. Dahil kay Daddy. Nakita daw ni Daddy si Mommy noon nung bumalik kami sa Korea. Tumakbo at umiwas daw si Mommy pero nahabol parin sya ni Daddy. Daddy wants me back. Ang sabi nya, it’s his turn para makasama ako. Umiyak daw si Daddy sa harap ni Mommy. Gusto lang daw nya akong makasama kahit sa college years ko lang… dahil na siguro sa awa, pumayag si Mommy. Tsaka karapatan din naman ni Daddy na makasama ako eh, anak nya ako eh.

Pagkatapos ko daw ng College ay mananatili pa ulit ako doon for another 3 years, dahil gusto daw makita ni Daddy kung paano ako maging successful as a Korean Celebrity. Dahil bata pa daw ako, nung napahiwalay sya samin palaging sa T.V nya lang ako napapanood… gusto daw nya na mapanuod ako ng personal. Gusto dawn yang makita at makasama ako sa pagtatrabaho…

Masakit at mahirap man, pumayag na ako sa gusto ni Daddy… sabi nga ni Julius, maghihintay kami sa tamang panahon at tamang oras… dadating din yun… hindi kailangang magmadali… nakaya na nga naming yung mga problema dati diba? Sigurado akong kakayanin din namin ito…

It's Me (MinSul Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon