>Jessica’s POV<
Kahit masakit, at kahit mahirap, gumising ako kinabukasan nung malaman kong niloloko ako ni Luke. Pinipilit kong kalimutan sya at ang pangloloko nya. Halos isang linggo na ang nakakalipas noong nalaman ko ang kagaguhan nya. At oo, inaamin ko, sa buong linggo na yun, wala akong ibang ginawa kundi magiyak ng magiyak gabi-gabi. Pinapagalitan na nga ako ng makeup artist ko dahil nahihirapan na syang takluban ng make up ang mga namumugto kong mata.
But that helped. In moving on, kailangan bawasan mo yung sakit na nararamdaman mo. You need to heal yourself. Oo, nakakatulong ang pagiyak, pero syempre masama din kung sobra na. Sinubukan kong kumain ng masasarap na pagkain pero hindi ko malasahan, sinubukan kong magmovie marathon pero iniiyakan ko yung movie mapa-comedy o horror man. But at least I tried to reduce the pain right?
Sinubukan ko din ireminisce yung mga panahong kami pa. I cried, yes. But in the end narealize ko na, ‘Siguro may dahilan sya kung bakit nya nagawa yun. Baka mahal talaga nya yung babae’. Wala na akong magagawa, at least naging masaya kami kahit saglit lang… diba?
I wrote all my feelings on a notebook, and then after I burnt it. At least nailabas ko yung nararamdaman ko. I appreciated myself more, at hindi inisip na tanga ako. Nagmahal lang ako. Nagbabad din ako sa music.
Sa isang buong linggo, yun ang ginawa ko para makamove on. Nabawasan yung pain, pero nandito parin eh. Ngayon, kasalukuyan kong tinitipon lahat ng mga bagay na may koneksyon sa kanya. Yung mga monthsary gifts, letters, kahit mga balat ng chocolates, resibo namin kapag nagdadate kami, mga pictures, pinilas ko din sa mga magazine yung pages na magkasama kami, even the posters. Dinelete ko na din lahat ng conversations namin sa Cellphone, at sa social networking sites. Dinelete ko na ang number nya sa phone ko at dinelete na din sya sa mga social networking accounts ko. Bitter na kung bitter, pero makakatulong naman to sa pagmove on ko.
Matapos kong makuha lahat ng bagay tungkol samin tinapon ko na ito. Akala ko sa pagtapon kong yun, pati yung feelings ko, maitatapon ko nalang rin, pero hindi eh. Pakiramdam ko, kulang pa yung effort na nagagawa ko para magmove on.
I think I need something… new?
--
Isang linggo ulit ang nakalipas simula nang itapon ko lahat ng may koneksyon samin. Sa linggong yun, pinagisipan ko ng mabuti yung desisyon ko. At kahit sobrang nagalit si Mommy at Ate sa katangahang naisip ko, nagawa ko silang mapapayag.
--
*Flashback*
“Ma, Ate… I want to move to another school.” Sabay silang napaangat ng tingin sakin. Narinig kong tumawa ng mahina si Ate.
“Is this some kind of joke or what?” sarcastic na tanong sakin ng Ate ko.
“No. I’m serious. Mukha ba akong nagbibiro?”
“The answer is ‘NO’ Sica.” Sabi sakin ni Mama na kasalukuyang inaayos ang garden nya. Si Ate nakaupo sa lamesa at naglalaptop.
BINABASA MO ANG
It's Me (MinSul Fan Fiction)
Ficção AdolescenteTAGALOG STORY ♥ This story is about Jessica Song, student of Strauss Academy; the most popular Korean Boarding School in the Philippines. Join Jessica Song as she moves to another school, giving up her career and everything just to move on. This wou...