CHAPTER ONE:
"Where do you think you are going?"
---------------------
Halos mapatalon ako ng may magsalita sa likuran ko.
Buti na lang wala akong sakit sa puso kung hindi baka inatake na ako.
Di ko na kailangang tanungin kung sino 'yon dahil siya lang naman ang kasama ko dito maliban sa mga staff ng resort.
Unti-unti akong humarap... Para akong teenager, eh, teenager pa naman talaga ko. Ah basta! Para akong yon na nahuli ng magulang na tumatakas sa bahay ng midnight.
"Ano ka ba naman Ryde! Aatakihin ako sa puso sayo eh," sabi ko sa lalaking nakahalukipkip at halos magkasalubong na ang kilay para ibahin ang usapan.
"You're sneaking out huh?"
I smiled at him dahil alam kong papagalitan niya na naman ako. Sana tumalab ang smile ko sa kanya.
Ang pinagtataka ko lang paano niya ako nahuli?
Sobrang ingat ko na nga tapos eleven na rin ng gabi, hinintay ko talagang nakatulog na siya. Para namang may tracking device siya. Gusto ko lang naman kasing lumabas sa resort kung saan kami nag-i-stay, simula kasi ng dumating kami dito ay ayaw niya akong payagang lumabas. Gusto ko din namang makita ang dagat at hindi puro pool na lang ang nakikita ko. Ano pang silbi ng pagpunta dito? Sana sa bahay na lang namin o kanila di ba? May pool din dun. O kaya kung gusto niya ng privacy sa bahay ng mga lolo niya, nasa America kasi si Lolo Ricardo ngayon.
"Gusto ko lang namang makita ang dagat," paliwanag ko. Medyo nilungkutan ko pa ang boses ko.
Pumayag ka...
BINABASA MO ANG
Secret Lovers
Teen FictionDESCRIPTION: Secrets. Showbiz. TagLish. Andrei Castillo is one of the most in-demand actors/models and a part of a well-known band ‘Black Lily’. Julia Hontiveros is known in the business world as Miss Prim, Proper, & Perfect. At her age, she alrea...