Chapter Three

103 4 2
                                    

Dedicated sa kanya.  :)

CHAPTER THREE: Kilig Moment

Naiinis ako kay Ryde. First time niya yata akong sinigawan. Childish na ba agad yon? Nakakainis!

Di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko kung hindi pa may pumatak sa binabasa kong libro.

Parang gusto ko lang naman sumama sa kaniya eh. Gabi na kaya hindi na naman kami mapapansin ng mga tao, iniwan niya ako dito sa resort mag-isa para lang mag road trip? At di ako sinama dahil baka may makakita? As if naman makikita pa kami kapag nasa kotse na eh tinted naman ang sasakyan niya. Ok lang sana kung hindi niya lang ako sinama di naman ako maiinis ng ganito. Pero sinabihan pa akong childish? Kung alam ko lang na magiging ganito ang outcome ng pagsama ko sa kaniya eh di sana di na lang ako sumama.

Napatingin ako sa wallclock, alas nuebe na pala. Dalawang oras na rin akong nagmumukmok. Umuulan na rin at wala pa si Ryde. Bahala siya sa buhay niya! Tutulog na ko.

5 minutes...

Bakit di man lang nagtetext si Ryde? Gusto niya ba talaga akong pag-alalahanin?

10 minutes...

Aist!

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan yon baka kasi naisilent ko pala. Pero wala!

20 minutes...

Tatawagan ko na ba?

Sige na nga tatawag na ko.

Hinanap ko ang pangalan niya sa contacts ko at agad na ikinall. Nag-aalala na talaga ako. Lumalakas na ang ulan.

*riiiiiing* *riiiiiing*

*riiiiiing* *riiiiiing*

Ugh! Bakit ba ayaw niyang sagutin? Galit ba siya?

At siya pa talaga ang may ganang magalit ngayon?

Bahala na nga siya! Tutulog na talaga ko.

30 minutes...

Ahhhh! Di ako makatulog!

Tatawa---

♫All I knew this morning when I woke

Is I know something now, know something now I didn't before

And all I've seen since eighteen hours ago

Is green eyes and freckles and your smile

In the back of my mind making me feel like

Ryder Castillo Calling...

"Nasaan ka na?!" tanong ko kaagad ng sagutin ko ang tawag. Ang lakas na ng ulan. Baka kung napano na 'to. O baka naman nasa kwarto na niya ito?

"B-babe..."

"Geez. Where are you?! Ok ka lang ba?"

Ang lakas ng ulan sa background, halatang nilalamig pa ito dahil sa nangangatal na pagsasalita.

"O-outside. Can---"

"I'll go there. Ok ka lang ba?" tanong ko habang tumatakbo palabas ng kwarto. Buti na lang at nasa 2nd floor lang ang napili naming kwarto kaya madali lang akong nakalabas saka hindi naman malaki ang resort na tinutuluyan namin dito sa Batangas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon