Chapter Two

143 2 1
                                    

Dedicated sa kanya. Naaaddict kasi ako sa Fair Share of the Past:)

CHAPTER TWO:  My Knight in Shining Armor

"Andrei, sino yong babae daw na kasama mo sa resort sa Batangas?"

Ugh! Napahawak na lang ako sa mukha ko. Ang kulit-kulit ko kasi eh. May nalalaman pa akong palabas-labas ng resort. Yan tuloy may nakakita kay Ryde.

"Nirentahan mo pa daw ang buong resort. Sinong kasama mo?"

Ngumiti lang si Ryde. Napansin ko, nasanay na siya sa press. Sabagay medyo matagal na rin naman siyang sikat.

"Ayon sa mga ngiti mo Andrei, it's a yes. Sino siya?"

Kinakabahan ako. Pero alam ko namang kaya niya yan. Si Andrei pa. Sa galing niya hindi pa kami nahuli, ngayon lang. At it's my fault.

"Someone special," maikli niyang sagot. Nag 'ayie' naman ang mga bandmates niya.

"Sino yun pre?"

"Share!"

Nasabi ko na ba? Kahit mga bandmates niya walang alam na kami. Ni hindi nga yata nila alam na nag-e-exist ako. Mas marami daw kasing nakakaalam, mas delikado. Ang di ko lang talaga maintindihan bakit kailangan pa ng ganito sa showbiz? Hindi ka ba sisikat kapag may girlfriend ka?

'Nasa contract ng management na hindi sila pwedeng magkagirlfriend not unless kailangan nila 'to para sa pagpopromote. You should understand.'

Napangiti na lang ako ng maalala ko ang paliwanag ng Manager nila. Alam niya... Kami na kasi bago pa pumirma ng kontrata si Ryde. Kailangan talaga siya ng binubuong grupo kaya hindi tumutol si Manager Hans nung nalaman niyang may girlfriend na si Ryde. Hindi nila kayang mawala si Ryde at hindi naman kayang pakawalan ni Ryde ang oppurtunity. Alam kong gusto niya talagang maging singer kaya um-oo na lang ako sa napagkasunduan.

That time, bago pa lang kami. Akala ng iba nagiging close lang talaga kami but little did they know...

"Itinatanong pa ba yan? Sino pa bang special diyan? Di ba si Belle lang naman?"

Nagulat ako sa sinabi ni Yuan. Member din ng grupo nila. Kilala ko sila, sino bang hindi? Eh sikat na sikat sila ngayon.

Pero ano daw? Who's Belle? Special siya kay Ryde? Bakit para yatang nagsikip ang dibdib ko.

Hinihintay kong magsalita si Ryde. Hinihintay kong ideny niya pero ngumiti lang siya.

"Is that a yes Andrei?"

"Hahaha. We really have to go," sabi ni Andrei sa reporter.

Hindi niya dineny. Silence means yes di ba? Ang baliw ko na! Baka naman magkaka movie lang sila di ba? Tsss. Hindi dapat ako magselos or what so ever.

Ugh! Teka. Bakit patay na ang tv? Black out ba? Pero may generator naman kami ah. Bakit di ko namalayang namatay. Aist!

"Julia! Are you listening?!"

"H-huh?" sagot ko. Tumingin kaagad ako sa nagsalita.

Sa boses pa lang, alam kong galit na naman 'to.

Magkaibigan talaga sila ni Ryde -.- napakamainitin ng ulo.

"WHAT?! Ang haba-haba ng sinabi ko tapos 'huh?' lang sasabihin mo?!"

Nakatingin lang ako sa kanya. Ano namang sasabihin ko eh kahit nga pagpasok niya sa entertainment room di ko napansin.

Bumuntonghininga siya. Bagay na ginagawa niya sa tuwing nagpipigil siya ng inis.

Secret LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon