Chapter 50(oooops!)

6K 87 7
                                    

Ninamnam ko ang init na tumama sa aking balat. Minsanan lang magkaroon ng araw dito. Merong panahon na 6months walang araw at 6months may araw. This place is so peaceful not crowded and the nature are untouched. Simpleng pamumuhay lang din, dahil sa konteng tao lang dito ay sagot na lahat ng gobyerno. Kung citizen ka dito ay may bakasyon ka every year bayad ng gobyerno.

I smiled when I saw two teenagers sitting under the tree, talking, laughing, hitting each others arms but love is visible in their eyes. I guess they're best of friends. I smiled bitterly and shook my head trying to think other things. These two teenager reminds of my past.

Its been five years. Its crazy how you can go months, years without talking to someone but they still cross your mind everyday.

Sa five years na yon, wala gaanong nangyari kundi pilit kung binabalik balikan ang nakaraan ang iniwan ko. Dahil siya at siya ang laman ng aking panaginip.

I was hurt. Broke. Unsure when I leave. Nobody knows that I would run away. Limang pares ng damit at mahahalagang papel lang ang dala ko. Walang mag iisip na lalayas ako, wala akong dala na malaking bag. Iniwan ko ang phone sa bahay. Sekreto ang aking pag alis tulad ng kung ano ang meron samin ni Ly. Walang nakakaalam.

I was crying the whole time na sakay ako ng plane. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa oras na magland ang sinakyan kung airplane. Surely, palaboy laboy ako sa lugar na yon. Mahalaga sa akin nung mga oras na yon na ang makalayo, makaalis. Makaalis sa sakit. But I was wrong because escaping is not the answer. Instead its killing me.

It was a deceitful love. The situation deceived us. Pakiramdam ko mali ang lahat dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pero pag naiisip ko ang masasayang oras namin, walang mali. It feels so right.

Tuwing naiisip ko kung bakit nandito ako ngayon ay bumabalik ang lahat. Bumabalik ang sakit na parang kahapon lang nangyari. Hindi man lang nabawasan ang sakit. Despite the pain, one thing I'm very much sure. I'm still in love with her. So damn in love.

Umuwi ako sa bago kung bahay. After five years ay nakaipon ako at nakabili ng bahay, may maliit na negosyo na rin.
Living alone is not easy marami kang naiisip na mga bagay bagay na walang mahingan nang opinyon. Wala kang kausap, wala lahat. Tuwing magkakasakit ka ay wala kang choice kundi alagaan ang sarili mo. Tiniis ko ang lahat dahil sa kaduwagan at takot ko. Ito yong pinili ko. Ito yong pinili ko na buhay. Living alone. No friends. No family.

Hinubad ko ang aking jacket. Pinagod ko ang aking sarili sa pagtatrabaho sa hospital at sa office. Sisilip sandali sa aking shop. Sinisigurado ko na sa aking pag uwi ay makakatulog ako agad.
Humiga ako sa Kama at pumikit. Nagpapalarm na ako after an hour para maligo.

Flashback
June 28
11:59

Ginising ko si Ly sa pamamagitan ng halik. Hindi pa rin siya nagising kaya diniin ko pa lalo ang labi ko.

"uuhhhmmm love", ungol nito.

Tiningnan ko ang orasan sakto 12am it means June 29 na.

"happy birthday baby love", masayang bati ko, dumilat siya ngumiti pagkakita sa akin.

"blow the candle Dali", masayang utos ko sa kanya.

Deceitful Love ft. Alyden (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon